Chapter: 03

2.6K 30 0
                                    

Mario POV

Mag papakilala pa ba ako? Parang wag na yata kase alam ko nabanggit na ako ni red kaya wag nalang.

Nan dito parin kami sa sala habang nag iinom. Si sir jiro at sir gomez pati si marco ang kakambal ko. Kaming apat lang nag iinom dahil ayaw talaga sumali ni red. Ewan ko ba sa taong yon kong bakit ayaw sumali eh papayagan naman namin siya ni marco dahil kasama naman niya kami at nan dito naman siya sa bahay. Nan dito din naman si mama kaya siguradong hindi siya papagalitan. Kong iniisip niya naman si papa eh hindi naman malalaman ni papa kase nan don si papa sa manila nag tatatrabaho bilang security guard sa isang bangko.

"Mahiyain sa ibang tao yong kapatid niyo." Biglang sabi ni sir jiro.

"Hindi naman. Ganon lang talaga yon lalo na pag hindi niya kaclose ang isang tao. Hindi kase marunong makipag kaibigan kaya ganon." Sabi naman ni marco.

"Pagpasensiyahan niyo nalang sir." Nasabi ko naman.

"Ayos lang." Sagot naman ni sir gomez.

"Ilang taon na pala yon si red?" Tanong ni sir gomez.

"20 years old sir." Sagot naman ni marco.

"Ang bata pala ng kapatid niyo. Ako kase 27 na tas ito si jiro 25." Sabi pa ni sir gomez.

"Mag kasing edad lang pala tayo sir jiro. 25 na rin kami ni kuya mario." Sabi naman ni marco.

"Ikaw pala ang mas matanda sa inyong dalawa ni marco?." Tanong naman sakin ni sir gomez.

"Oo sir." Sagot ko naman sa kanya.

"Jacob nalang itawag mo sakin wag na sir tayu-tayo lang naman ang nan dito." Sabi naman sakin ni sir gomez.

"Jiro nalang din itawag niyo sakin." Sabi naman ni sir jiro.

"Sige po." Sagot ko naman.

"Pero bakit sir gomez tawag sayo.?" Tanong naman ni marco.

"Jacob Gomez kase pangalan ko. Apilyedo ko ang Gomez." Sagot naman ni Jacob. Tumango-tango naman si marco.

"Tanong ko lang. Naka ilang boyfriend na pala si red.?" Tanong ni jiro. Natawa naman si marco kaya hinampas ko siya ng unan.

"Pasensiya na. Ano wala pa kase nagiging boyfriend yon. Hindi kase marunong mag ayos." Sagot naman ni marco sa kanya.

"Ganon ba. Pero wala naman yan sa itsura diba?" Tanong pa ni jiro.

"Pero kase sa panahon ngayon mas gusto ng mga kabataan ang sexy at maganda. Hindi naman ganon si red." Sagot ko naman.

"Luh grabe kayo sa kapatid niyo." Sabi pa ni jiro. Natawa nalang kami ni mario. Di naman yon magagalit si red dahil sanay na yon sa mga asaran namin pero ngayon kase may ibang bisita kaya ganon wala sa mood.

"Alam mo kuya kaya mainit ulo non kase hindi naka gala." Biglang sabi ni marco. Kaya siguro yon yata ang dahilan.

"Baka makikipag kita nanaman don sa Cedric na yon.?" Tanong ko kay marco.

"Baka nga. Buti naabutan kupa siya don sa shop." Natatawang sabi ni marco.

"Sinong Cedric?" Tanong nanaman ni jiro.

"Crush yata yon ni red. Ewan ko lang." Sagot ko naman. Tumango-tango naman siya.

Ilang saglit pa bumaba naman si red na may kausap pa sa selpon niya.

"Asan si mama.?" Tanong niya.

"Nasa kusina yata." Sagot ko naman sa kanya.

"Sinong kausap mo.?" Tanong naman ni marco sa kanya.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now