Chapter: 17

1K 20 2
                                    

Red POV

Nan dito ako ngayon sa labas habang kausap ko ang ibang pinsan ko. Si jacob naman kasama ni kuya mario at kuya marco, hindi ko lang alam kong san pupunta ang mga yon.

Si khella, erzo at chad naman ay inaya ko pumunta dito. Pero hindi ko sinabi kay jacob na kasama si erzo at chad. Ang sinabi ko lang sa kanya ay si khella lang ang pupunta dito. Baka kase magalit pag sinabi ko. Mas okay na makita niya nalang dito para wala ng siyang magawa pag nan dito na.

"May mga bisita ka ba na darating?" Tanong sakin ni kuya alex. Tumingin naman ako sa kanya.

"Oo mga kaibigan ko." Sagot ko naman sa kanya.

"May babae ba?" Tanong niya pa.

"Meron." Sagot ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin saka umakbay.

"Pakilala mo naman ako." Sabi niya naman. Tumingin ako sa kanya.

"Mamaya pag dating." Sabi ko sa kanya.

"Teka may kilala ka bang marro?" Tanong niya pa. Marro? Teka parang may nakachat ako na marro ang pangalan.

"Bakit mo natanong?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Kilala ka kase niya." Sagot niya naman.

"May picture kaba niya? Baka maalala ko pag nakita ko ang picture niya.?" Tanong ko pa sa kanya. Kinuha niya naman ang phone niya sa bulsa niya saka niya ito hinanap.

"Teka. Meron yon dito eh." Sabi niya naman. Naka tutok naman ako sa phone niya habang hinahanap niya ito hanggang sa nakita niya na nga at hinarap niya sakin.

"Ay kilala ko yan." Sabi ko naman sa kanya.

"Bakit? Kilala mo ba yan.?" Tanong ko sa kanya.

"Kaibigan ko to eh. Pupunta rin sila dito. Pakilala kita." Sagot niya naman.

"Ayoko. Baka ano pang isipin ni jacob." Sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sakin. Pero napatingin ako sa may gate. Nan dyan na sila kuya. Napalayo naman ako kay kuya alex.

"Takot na takot ka sa boyfriend mo." Sabi nito sakin.

"Ano kaba. Alam mo naman na napakaseloso non eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Pumasok kana dito sa loob." Biglang sabi naman sakin ni jacob habang nag lalakad papasok.

"Pero hinihintay ko pa si khella eh." Sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Papasok nalang yon dito sa loob pag dating non." Sabi niya naman.

"Pero----." Hindi kuna na tuloy dahil sinamaan niya na ako ng tingin. Napanguso nalang ako na lumapit sa kanya. Humawak naman siya sa kamay ko.

"Aangal kapa dyan." Sabi niya pa. Hindi nalang ako sumagot. Napakasungit talaga ng isang to nakakainis.

Lumapit nalang ako kay mama para tumulong mag hiwa ng mga sangkap na gagamitin.

"Hey red. Nan diyan na mga bisita mo." Biglang sabi naman ni kuya alex kaya nabitawan ko ang hawak ako saka ako nag madali na pumunta sa labas.

Nakita ko naman si khella, erzo, chad at jiro. Ngumiti naman ako habang papalapit sa kanila.

"Sensiya na natagalan. Ito kasing si jiro papilit pa eh." Sabi naman ni khella.

"Palipit ka dyan. Biglaan naman kase yong pag aya mo." Sabi naman ni jiro sa kanya.

Napatingin naman ako sa may garden. Nan don si kuya mario, kuya marco, kuya rod at jacob. Nag bubuhat sila ng mesa saka ito pinagdidikit. So sila pala nag aayos don. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila. Baka kase makita pa ako ni jacob, tawagin nanaman ako non. Kaya lumapit nalang ako sa kanila saka ko sila pinatuloy sa loob.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now