Chapter: 29

419 17 1
                                    

Red POV

Ang sarap pa sana ng tulog ko kaso naiyak na pala si jared kaya napabangon naman agad ako saka ko kinapa ang diaper niya kong puno na ba pero hindi pa naman. Nag timpla naman ako ng gatas niya baka kase gutom na siya. Naupo ako sa tabi niya kaya saka ko ito pinadede sa kanya. Gutom na nga talaga siya.

Ilang saglit pa na dede niya eh binuhat ko naman siya. Tumingin ako sa orasan para malaman kong anong oras na ba pasado 10pm na pala. May naririnig pa kase ako na ingay sa labas. Binuhat ko naman si jared para lumabas kami. Pag dating namin sa sala ay nag kakatuwaan pa nga sila. Ang lalakas ba naman tumawa.

Si mama nga nasa sala pa. Hinihintay niya rin siguro matapos. Tumabi naman ako kay mama saka niya kinuha si jared sakin.

"Patigilin muna yon si jacob. Lasing na yon kawawa naman." Sabi naman ni mama sakin.

Tumayo naman agad ako saka ako lumabas. Sakto naman pag labas ko ay akay naman siya ni shantal. Balak ba yata itakas ang asawa ko. Tiningnan ko naman ito kong san papunta pero nainis naman ako dahil nag lakad sila papunta sa labas. San niya naman kaya balak dahil ang jacob na yon. Tumingin pa ako kala kuya marco pero parang wala na silang mga pakialam sa mga nangyayari dahil si jiro nga eh naka tulog na pati si marro. Wala na rin si khella at kuya alex. Si kuya marco at kuya mario eh nag iinom pa pero lasing na rin. Tumingin ako kay jacob pero wala na sila ni shantal. Napakuyom naman ako saka ako mabilis na lumabas para pumunta sa bahay ni jacob. Naka bukas naman ang gate na jacob at halatang dito nga sila tumuloy na dalawa. Balak pa yata pag nasaan ng babaeng yon ang asawa ko.

"Asan si jacob.?" Tanong ko agad kay manang. Naka salubong ko kase.

"Nasa kwarto po ma'am.. pinipigilan ko nga po yong kasama niyang babae na wag na tumuloy sa kwarto ni sir pero ayaw naman po mag papigil at siya na raw ang mag dadala kay sir sa kwarto nito." Mahabang sagot naman sakin ni manang. Lalo naman ako nainis sa sinabi niya.

"Sige po. Ako na po ang bahala." Sabi ko naman sa kanya saka ako nag lakad papunta sa kwarto ni jacob pero tumigil pa ako saka ako tumingin kay manang.

"Mag dala ka ng malamig na tubig sa kwarto ni jacob at ibigay mo sakin. Dapat yong malamig na malamig." Sabi ko pa kau ly manang saka ko siya tinalikuran.

Nasa tapat na ako ng kwarto ni jacob saka ako huminga ng malalim. Hindi na ako kumatok at binuksan kuna agad ito.

"Manang pwede bang lumabas ka dahil nakakaistorbo ka!" Mataray na sabi ni shantal. Ngumisi naman ako sa kanya. Saka ko binuksan ang ilaw. Bumungad naman sakin ang naka higang si jacob at ang malanding shantal eh naka upo sa ibabaw ni jacob. Bigla naman dumating si manang na halatang nagulat rin sa nakita niya. Kinuha ko naman agad ang hawak ni manang at walang sabi na sinaboy ko ito sa kanilang dalawa. Halata naman na nagulat siya sa ginawa ko lalo na di jacob.

"Yan malamig na tubig para masimas-masan ka." Inis na sabi ko kay shantal. Mabilis naman siya na umalis sa ibabaw ni jacob. Naka upo naman si jacob saka ito tumingin sakin.

"Pakilock ng pinto manang dahil sobrang naiinis na talaga ako." Sabi ko naman kay manang na sinunod niya naman agad.

"Sa tingin mo makukuha mo sakin ang asawa ko. Ha! Ang kapal din pala ng mukha mo. Alam mo naman na may asawa at anak na yang lalaking yan pero nag lakas loob ka parin na landiin at dito pa talaga sa kwarto naming dalawa." Galit na sabi ko naman sa kanya. Hindi naman ito naka imik.

"Hon naman bakit mo naman ako sinabuyan ng tubig tapos ang lamig pa." Sabi naman ni jacob.

"Para matauhan ka rin at para malaman mo na may naglalanding higad nanaman sayo." Iritang sabi ko naman sa kanya saka ko tinuro si shantal. Halatang nagulat naman siya ng makita niya si shantal na naka bra at panty nalang. Oo wala na siyang damit habang naka upo siya sa ibabaw ni jacob. Si jacob walang damit pero may boxer pa naman.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Onde histórias criam vida. Descubra agora