Chapter: 21

840 21 6
                                    

Red POV

Pinunasan ko ang luha ko saka ako tumingin kay marro na nasa tabi ko pa pala. Ngumiti ako sa kanya ng pilit saka ko kinuha ang selpon ko sa kamay niya.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Inalalayan niya naman ako tumayo. Tumingin ako sa selpon ko dahil nag text si khella kaya binuksan ko ito. Ng mabasa ko ito ay napatakip nalang ako sa bibig ko. Hindi ko kase alam ang gagawin ko. Sinabi ni khella na uuwi raw si jacob kasama ang asawa nito. Ang malala pa ay buntis na ang asawa nito. Inunahan kuna ang luha ko kaya pinunasan kuna agad ito gamit ang kamay ko. Tumingin ako kay marro saka ako bumitaw ng pilit na ngiti sa kanya.

"Pasok na tayo sa loob." Pag aaya ko sa kanya. Hinawakan niya naman ako sa braso pero inalis ko agad ito.

"Okay lang ako." Sabi ko sa kanya saka ako naunang mag lakad. Nakasalubong ko pa ang mga kuya ko pero nilagpasan ko lang sila.

"Kukunin ko lang ang pambili." Sabi ko saka ako nag tuloy sa kwarto ko. Pag sara ko ng pinto ay napaupo agad ako sa sahig. Nanginginig naman ang kamay ko na napahawak sa mukha ko.

Wala akong magawa kundi umiyak. Hindi ko kase alam kong pano ko haharapin si jacob pag umuwi siya. Hindi yata kakayanin na may kasama siyang iba pero ano nga bang magagawa ko? Anong lalaban ko sa asawa niya. Babae yon at ang malalapa buntis na yon. Yon ang hindi ko kayang ibigay kay jacob. Ang magkaruon ng isang anak. Siguro nag sawa na rin siya sakin. Ito siguro ang dahilan kaya siya umuwi.

Natawa naman ako sa sarili ko ng maalala ko ang sinabi niya na aalis muna siya. Ilang araw lang siya mawawala dahil hindi niya kayang sabihin sakin ang totoo. Dinahilan niya pa ang daddy niya. Pero naisipin ko rin kakayanin ko ba kong sa mismong harapan ko talaga sabihin niya sakin ang totoo. Parang hindi ko talaga yata kakanin kong sa mismong bibig niya na manggaling ang salitang yon. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nawala ang lakas ko sa mga nalaman ko. Parang hindi ko siya kayang harapin. Huminga ako ng malalim saka ako tumayo. Kinuha kuna ang pera ko saka ako lumabas ng kwarto. Iniwan kuna rin ang selpon ko sa ibabaw ng kama ko. Yong wala naman akong ginawa pero kaylangan ko maranasan yong ganito. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't-isa. Iba tuloy ang nasa isip ko ngayon.

"Parang isang bag ng pera naman ang kinuha mo. Ang tagal mo." Biglang sabi ni kuya marco. Tumingin ako sa may mesa pero may inumin na pala sila don. May pulutan pa.

"Binili na yan ni marro dahil napaka tagal mo lumabas sa kwarto mo." Sabi pa ni kuya marco.

"Hala sorry." Nahihiyang sabi ko naman. Tumabi naman ako kay james saka ako tumingin kay marro.

"Babayaran ko nalang. Pasensiya na." Sabi ko naman kay marro. Ngumiti naman siya saka umiling.

"Suzs para yon lang." Sabi niya naman.

"Okay ka lang.?" Tanong ko kay james.

"Si kuya kase pinapaalis ako sa tabi mo." Sagot naman niya.

"Bakit naman.?" Tanong ko pa sa kanya. Bigla naman siya binato ni marro ng pulutan na mani.

"Baliw yan si james." Sabi naman ni marro. Tumayo naman ako saka ako tumabi kay kuya mario.

"Okay na." Sabi ko sa kanila. Napakamot naman si marro sa batok niya.

"Nga pala pupunta dito si alex. Okay lang ba.?" Sabi ni marro.

"Oo naman." Sagot ko naman sa kanya.

"Para may kajam pa kayo." Dugtong ko pa.

"Bakit? Hindi kaba iinom.?" Tanong naman ni marro. Ngumiti ako sa kanya.

"Iinom pero kunti lang." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now