Chapter: 04

2.2K 28 0
                                    

Red POV

6am nagising na agad ako. Nag text na rin ako kay khella na sabay na kami pumasok sa shop. Sinabi ko rin na 6:30 ay sundoin niya na agad ako. Kaya nag madali na ako maligo at mag ayos. Ng okay na ay lumabas na agad ako sa kwarto ko para mag tuloy sa kusina para makapag almusal. Naabutan ko naman si mama na abala mag luto. Binati kuna agad si mama saka ako naupo.

"Ang aga mo yata nak.?" Tanong ni mama sakin.

"Baka kase pumunta nga dito si sir gomez eh." Sagot ko naman kay mama.

"Bakit naman yon pupunta dito.?" Tanong pa ni mama sakin.

"Sabi niya kase kagabi ihahatid niya raw ako sa trabaho ko bukas. Eh ayoko mag pahatid sa kanya. Saka nag text na ako kay khella na sabay kami papasok." Sagot ko naman kay mama.

"Ganon ba." Maikling sabi naman ni mama.

Tinimplahan ako ni mama ng kape kaya nilagyan ko na ng kanin at ulam yong Plato ko para makapag almusal na baka kase dumating na si khella. Minadali ko lang ang pagkain ko kaya 6:40 tapos na agad ako. Nagulat naman ako ng biglang tumunod ang phone ko. Pag tingin ko si sir gomez pala. Nasamid pa ako pag inom ko ng kape. Sinagot ko naman agad ito.

"Hello!" Sagot ko agad. Kaya nalaman ko na siya yon kase kagabi nag text na sakin na uuwi na raw siya pero kanina ko lang nabasa pag gising ko pag text ko kay khella.

"Naka ready kana ba?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ha? Saan?" Nag tatakang tanong ko.

"Sa trabaho mo. Nan dito na kami sa labas ng gate niyo. Kasama ko si khella at jiro." Sagot naman niya. Natampal ko naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ayos ka lang nak.?" Nag tatakang tanong ni mama. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Opo ma. Ayos lang ako. Alis na ako nan dyan na si khella sa labas." Paalam ko naman kay mama. Saka ako tumayo at pinatay ang linya na hindi man lang nag paalam kay sir gomez.

Pag labas ko sa gate nakita ko naman ang tatlo. Si khella naka angkas pa sa motor ni sir jiro. Kumaway pa sakin si khella.

"Sakay na.!" Sabi naman ni sir gomez.

"Pwede don nalang ako kay sir jiro.?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman kumunot ang noo niya habang salubong ang kilay.

"Ito na sasakay na." Nasabi ko nalang. Bigla kase nag iba yong mood niya.

"Kumapit ka." Sabi niya kaya kumapit naman ako sa likuran.

"Okay na sir." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin. Ngumiti ako sa kanya ng pilit pero kinuha niya naman ang isang kamay ko saka nilagay sa bewang niya.

"Dito ka kumapit baka mahulog ka." Sabi niya pero inalis ko naman agad ang kamay ko. Hindi naman sa nag iinarte ako ah. Ano kase naiilang ako kay sir gomez. Hindi naman kase kami ganon kaclose para yumakap sa kanya.

"Gusto mo talagang mahulog ka.?!" Inis na tanong niya.

"Hindi naman sa ganon. Dito na kase ako hahawak okay naman dito eh." Sagot ko naman sa kanya. Saka ako humawak ulit sa likuran.

"Ah sir mauuna kami ni sir jiro. Mag bubukas pa kase ako sa shop." Biglang sabi naman ni khella. Tumango lang si sir gomez. Ni hindi manlang sila tinapunan ng tingin dahil inis ito na naka tingin sakin.

"Hindi tayo aalis hanggat hindi ka kumakapit ng maayos." Sabi niya pa.

"Bahala ka. Bababa nalang ako. Malapit lang naman kase ang shop bakit kaylangan ihatid pa." Sabi ko naman sa kanya saka ako bumaba sa motor niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang mag mura sabay hampas sa manibela ng motor niya. Masama siya na tumingin sakin. Kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now