Chapter: 15

1.2K 20 3
                                    

Red POV

Nakarating na nga si jacob dito sa bahay ni lola at nan don na nga siya sa labas nag hihintay. Huminga pa ako ng malalim saka ako humawak sa dibdib ko saka ako tumayo. Napatingin naman sila sakin.

"Okay ka lang?" Tanong ni maris. Pinsan ko rin. Tumango naman ako sa kanya.

"Oo okay lang ako." Sagot ko naman saka ngumiti ng pilit. Nahampas ko naman si kuya marco sa braso niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Problema mo?" Inis na tanong ni kuya.

"Nan dito si sir sa labas." Sagot ko naman sa kanya.

"Oh, edi puntahan mo. Alangan naman ako pa pupunta don." Sabi niya naman. Napairap naman ako sa kanya. Saka ako nag paalam sa mga pinsan ko na lalabas muna.

"Bakit ka naka sunod.?" Tanong ko kay kuya alex.

"Sasamahan kita sa labas. Baka umuwi kana eh." Sagot niya naman kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Baliw kaba? Pano ako makakauwi eh nakay papa ang susi ng bahay." Mataray na sagot ko sa kanya.

"Malay mo naman." Nasabi niya nalang sabay kamot sa batok niya. Munt*nga lang.

Tinalikuran ko naman siya saka ako nag madali na lumabas para puntahan si sir. Dahil baka naiinip na yon at baka mapagalitan pa ako. Saka bakit ba kase naka sunod pa sakin to na pinsan ko.

"At bakit naka akbay kapa talaga.?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Wala, saka bakit ka pala pupunta dito sa la-----" sabi niya naman pero di niya na natapos dahil napatingin na siya sa may gate. Bigla ko naman naalis ang kamay niya ng makita ko si jacob na masamang naka tingin samin.

"Sir." Biglang nasabi ko nalang saka ako lumapit sa kanya. Naka unipormi pa talaga siya ng pang pulis dahil nga dito siya nag tuloy sa bahay ng lola ko.

"Anong sir?" Tanong niya. Para siya nag pipigil ng inis niya saka niya ako hinila palapit sa kanya sabay pulupot ng kamay niya sa bewang ko. Lumapit pa siya sa may tenga ko.

"Sino yan.!" Inis na tanong niya. Tumingin naman ako kay kuya alex.

"Si kuya alex yan pinsan ko." Sagot ko naman sa kanya.

"So siya pala yong tumatawag ng baby sayo?!" Tanong niya pa. Tumango naman ako.

"Sino siya red.?" Tanong naman sakin ni kuya alex. Tumingin ako sa kanya saka ako tumingin kay jacob. Mag sasalita na sana ako ng maunahan naman ako ni jacob.

"Boyfriend ako ni red." Sagot ni jacob sa kanya.

"Ohh.. pulis pala ang boyfriend ng baby ko." Pang aasar nanaman ni kuya alex. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Pwede ba. Tigilan mo nga kakatawag sakin ng baby mo.!" Inis na sabi ko naman sa kanya. Napansin ko isang kamay ni jacob na naka kuyom na. Si kuya alex naman narinig ko lang na tumawa. Bwisit talaga to. Napaka seloso pa naman ng pulis na to.

"Tara na sir sa loob ipapakilala kita sa lola ko at sa ibang pinsan ko." Pag aaya ko naman kay sir sa loob. Tumingin ako sa kanya kaya napahawak siya sa pisngi ko saka siya ngumiti.

"Wag mo akong tatawaging sir sa harap ng ibang lalaki. Boyfriend mo ako kaya dapat 'hon' ang tawag mo sakin." Sabi niya naman. Hahalikan niya sana sako kaso tinakpan ko naman ang mukha niya gamit ang isang kamay ko. Kaharap pa kase namin si kuya alex.

"Tsk." Inis na sabi naman niya. Kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Saka ako humawak sa kamay niya at sabay na nga kami nag lakad papunta sa loob.

Pag pasok namin, napatingin agad sakin ang mga pinsan at kapatid ko, pati si mama, papa, lolo at si lola. Saka ako lumapit sa kanila.

"Lolo, lola si jacob po pala boyfriend ko." Pakilala ko sa kanila. Napatingin pa ako kay papa at mama. Kala ko magagalit sila pero ngumiti lang sila sakin ang tumango. Lumapit naman si jacob sa kanila saka ito nag mano. Yong mga pinsan ko naman na babae eh halatang namangha at parang kinikilig pa. Ngumiti kase sa kanila si jacob.

"Napakagwapo naman ng boyfriend ng apo ko." Nakangiting sabi naman ni lola.

"Salamat po." Nakangiting sabi naman ni jacob sa kanya.

"Happy birthday po pala. Pasensiya na ito lang maibibigay ko. Nakalimutan ko kase bumili ng regalo dahil nag madali na agad ako pumunta dito." Sabi pa ni jacob kay lola saka ito may inabot kay lola na sobre. Ayaw sana tanggapin ni lola kaso pinilit talaga siya ni jacob na tanggapin ito kaya wala rin siya nagawa at kinuha niya na nga ito. Nag pasalamat naman si lola sa kanya.

"Ipaghanda mo muna siya ng makakain apo. Para makasabay siya sa kasiyahan niyo." Sabi naman ni lola sakin. Tumango naman saka ko inaya si jacob sa kusina.

Naupo naman siya kaya nag handa na muna ako ng pagkain niya dahil alam ko hindi pa siya kumakain ng dinner niya at dito nga siya tumuloy.

Nilagay ko naman ito sa harapan niya saka ako naupo sa tabi niya.

"Uuwi kaba?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Dito na ako matutulog. Wag akong tiwala sa alex na yon. Nabubwisit talaga ako kanina." Sagot niya naman. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Wag mo nalang pansinin yon. Malakas lang talaga mang asar yon." Sabi ko naman sa kanya.

"Buti nalang nakapag pigil ako kanina dahil kong hindi baka sinapak ko talaga yon." Sabi niya naman. Hayy.. nako napakaseloso talaga. Pati pinsan ko napagselosan pa.

"Teka.. kong dito ka matutulog? Pano ka mag papalit ng damit mo.?" Tanong ko sa kanya.

"Naka boxer naman ako saka may suot din ako na sando. Hubarin ko nalang to pag matutulog na tayo." Sagot niya saka kumindat pa.

"Wag mong sabihin tatabi ka sakin pag tulog eh ang liit lang ng kwarto na tutulogan ko dito." Sabi ko naman sa kanya.

"Walang problema sakin kahit maliit lang higaan mo kase pwede ka naman matulog sa ibabaw ko." Sabi niya naman saka ito ngumiti.

"Ewan ko sayo. Puro ka kalokohan. Kumain kana nga muna dyan." Sabi ko naman sa kanya. Tumawa naman siya.

Tumayo naman ako pero bigla niya naman hinawakan ang kamay ko.

"San ka pupunta?" Tanong niya.

"Aayusin ko lang ang higaan ko." Sagot ko naman sa kanya.

"Wag muna ayusin dahil magugulo din naman yon mamaya." Sabi niya naman kaya nahampas ko naman siya sa braso niya na ikinatawa niya lang.

"Lakas ng trip mo ngayon ah." Sabi ko sa kanya.

"Masaya lang ako dahil kasama ko ang gf ko." Sabi niya naman. Di naman ako naka imik.

"Bilis talaga kiligin ng hon ko." Sabi niya pa. Napanguso nalang ako sa kanya. Saka ako naupo ulit sa tabi niya.

----

Natapos siya kumain kaya sinamahan kuna muna siya sa kwarto ko dito sa bahay ng lola ko. Mag huhubad raw muna siya ng unipormi niya dahil baka raw madumihan ito. Pero yong pang ibaba niya hindi niya raw muna aalisin dahil naka boxer lang siya at wala raw siya suot na brief. Baka raw bumakat ang alaga niya at mapatingin ang mga pinsan ko na babae. Kaya ang pang itaas niya lang ang hinubad niya. Grabe lang dahil ang ganda talaga ng katawan niya. Ang lalaki kase.

"Relax lang hon napapatulala ka nanaman sa katawan ko. Sayo lang yan." Biglang sabi niya naman. Napairap nalang ako sa kanya.

"Ewan ko sayo." Nasabi ko nalang sa kanya saka ko siya tinalikuran pero bigla niya naman ako niyakap mula sa likuran sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

"Ang bango ng hon ko." Sabi niya. Nagulat pa ako dahil bigla niya dinilaan ang leeg ko papunta sa tainga ko. Hindi naman ako naka galaw ng gawin niya yon.

"S-sandali.." kinakabahang sabi ko naman. Pero humalik lang siya sa batok ko saka siya lumayo mula sa pag kakayakap niya.

"Tuloy natin mamaya. Nagagalit na kase alaga ko." Sabi niya naman. Tumango nalang ako sa kanya.

Saka kami sabay na lumabas ng kwarto at nag tuloy sa sala para puntahan ang mga pinsan ko na nagkakasiyahan na.

•••••••
Itutuloy.....

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon