"Sige payag ako. Pero magi-star bucks tayo pagkatapos. No worries, libre ko yung S.B." Napangiti ako ng kaunti dahil doon.

Kapag talagang itong si Katrina ang kausap ko nawawala ang mga alinlangan ko. Napakabuti niyang babae at naiintindihan niya ako.

"Sige na Dre, alis na kami. Tatawagan kita kapag nakauwi na ako." Sabi ko pa na hindi ko naman inaasahang napakinggan nina James at Ryan.

Natatawa lang si sir Matt at ng maibaba ko na ang tawag saka lang sabay na nagsalita ang dalawa.

"Sino yun?" seryosong sabi ni James habang naka-cross arms. Ganoon din naman ang tanong ni Ryan na nakatayo sa pwesto niya at kita kong nakakuom ang kamay niya. Nagkatinginan pa silang dalawa bago nila ibaling ang tingin nila sa akin.

"S-Si Katrina." Kumunot ang noo nina Jes at Nathan. Tumatawa pa rin si sir Matt, para namang nabunutan ng tinik si Ryan kaya natuwa ako doon. Samantalang nawala agad ang tuwa ko ng makita ko si James na ang pupuyos sa galit. Nanlilisik ang tingin niya sa akin at kitang konti na lang hihikitin na ako nito para pagsamantalahan sa mismong sinasakyan namin.

Pasalamat na lang talaga ako at umandar na ang sasakyan.

"Noe, sino yun?" tanong ni Jes sa akin.

"Si Katrina ay isa sa mga kaibigan ko bago pa kami makarating ni mama sa dati naming tinitirahan." Paliwanag ko na medyo natutuwa pa.

Narinig kong bumulong ng mura si James na hindi na nakatingin sa akin kundi sa bintana sa kanan niya.

"At siya ay?" pahabol pang tanong ni Nathan.

"Kapitbahay ni James noon na lagi siyang ginugulo. Siya ang bestfriend kong babae noon." Lalo lang nainis si James sa sinabi ko tapos nagpalitan ng tingin sina Nathan, Jestoni at Ryan.

"Sir." Sabay-sabay nilang sinabi. Tumingin naman sa kanila si sir at ngumiti. "Yung kodigs namin!" sabay na sabi ni Jes at Nathan. Natawa lang si sir.

"Mamaya ko na ibibigay." Natatawang sabi pa rin nito.

"Sir anong meron? Bakit parang may katangahang binabalak ang kapatid ko?" tanong ko na lalo lang niyang ikinatawa.

"Ang bait mo talagang kapatid Noel Jhon McGeorge hahaha." Doon na natapos ang paguusap-usap. Nagbasa na ng libro si sir. Pakiramdam ko tuloy umiiwas siya sa pamamagitan ng madalas gawin ni Kakashi.

Naglaro na ng candy crush ang kapatid ko habang nakatulog na sina Jes at Ryan ng magkatabi. Si James? Ewan kung anong ginagawa niya sa cellphone niya habang ako, hindi maailis ang pagkakapagkit ng ulo ko sa uluhan ng kinauupuan ko at pinipilit na hindi maalog sa byahe para hindi ako masuka o mahilo.

Ilang minuto din siguro ng makatulog na ako at ginising na lang ako ni sir Matt ng malumanay na pagbanggit ng pangalan ko.

"Noel Jhon, nandito na tayo." Agad akong napamulat noon at tiningnan ko pa sa salamin ng bintana kung may muta ako. Pasalamat ako't wala. Nang lumingon ako kay sir Matt nakita kong nakangiti siya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit pero hindi ko na lang itinanong. Nakita ko na lang na nauuna sina Jes at Ryan pababa ng sinasakyan namin.

"Bakit kaya hindi na niya ako pinapansin? Dahil ba ito sa nangyari kahapon?"

Naglakad na lang kami papunta sa isang stall at doon may isang lalaking tour guide ang nagturo sa amin ng daan. May tigiisa naman kaming mapa, compas at GPS kung sakali daw na mawala kami. Nauuna sina Nathan at Jes na pabulong na naguusap at mukha namang masaya itong kapatid ko habang kausap ang bestfriend ko.

"Wala ka bang napapansin?" tanong ni James ng makalapit siya sa akin. Kinuha niya lang ang kamay ko at bahagyang hinalikan ito. Nandidiri ako at gusto kong magbigay ng ganoong ekspresyon pero baka magalit lang siya at saktan niya ang mga kasama ko kaya pinilit kong pigilin ang ganoong reaksyon na siya namang lalong nagpainis sa kaniya. "Hindi ba't mukhang may nararamdaman na ang kapatid mo sa lalaking yun? Hindi mo ba naisip ang pwede kong gawin sa kanila?" ngumiti siya matapos niyang itanong iyon.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin