“Jaelly, next time ay pumunta tayo here. Isama natin si baby Irish. Alam kong magugustuhan niya ang place na ito,” kinikilig na sabi ko. Wala pa man ay natutuwa na ako sa magiging reaction nito kapag dinala na namin siya here. “Hmm, may mga pasta and spaghetti pala sila. Mag-take out tayo later for Irish,” ani ko pa.

“Palagi mo talagang naaalala ang niece ko kahit saan man tayo magpunta, Blaise,” sabi niya sa mahinang boses. I nodded.

“Yeah. Hinahanap-hanap ko nga ang presence niya, Jaelly, eh. Nami-miss ko nga siya everyday,” sabi ko pa.

“Blaise! Jaelly!” Boses iyon ni Gette at nakita namin siya sa sulok ng café. Nag-wave pa ako sa kanila and we approached na rin sa kanilang dalawa.

“Kanina pa ba kayo?” I asked them.

Naka-yellow polo shirt si Calliper and a pair of black pants, white sneakers. Mas lalong naging visible ang pagiging guwapo niya at hindi ako sanay na makita ang ganitong ayos niya. Nagsisilabasan tuloy ang muscles niya sa braso.

Si Gette naman ay asul na t-shirt and black pants din. Canvas sneakers ang suot niya. Casual na casual ang mga outfit. Naka-pink dress ako and my sandals. Tapos si Jaelly, white blouse and her pants, sneaker din pababa. Mataas namang nakapusod ang hair ko pero sa kanya ay nakalugay lang.

“Dito na kami ni Jaelly, Blaise.” Nag-roll eyes pa si Jaelly but no choice naman siya kundi ang sumunod na rin.

“Hi, Calliper,” I greeted my partner. Akala ko ay mahihiya na naman siya na kausapin ako but no, nagsalita pa rin namin siya.

“Hello, Blaise. Maupo ka na,” sabi niya at umupo na ako in front of him. Inilapag ko ang lahat ng dala ko sa table namin. “May gusto kang kainin or drinks bago tayo magsimula na gumawa ng projects?” he asked me.

“May milk tea sila, right? Iyon na lang iyong akin, Calliper. Bawal kasi ako sa coffee,” I stated.

“Okay,” tipid na saad niya at saka siya tumayo. May dala rin pala siyang laptop. Sinulyapan ko ang side nina Jaelly at Gette. Two tables pa ang nasa gitna namin, kaya may kalayuan din sa side namin.

Nagsimula na akong gumawa at nagsulat sa notes ko. Madali lang naman kasi ito kasi about lang ito if paano mong i-manage ang isang malaking hotel at may mga instruction pa ang nakalagay.

Sa pagbalik ni Calliper ay ibinigay niya sa akin ang milk tea na may kasama pang strawberry cake. Nang makita ko na may strawberry pa nga ito ay iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko.

“How much this, Calliper?” I asked him.

“No need to pay me that, Blaise. That’s my treat,” he uttered.

“Okay, thank you. Ako naman ang manlilibre sa ’yo later,” I told him and he just smiled at me.

Akala ko ay matatapos kami sa two hours pero tumatagal pala sa dami ng kailangan naming gawin. Kaya ang kinain namin for lunch ay ang spaghetti lang and bread. Nabusog naman ako at noong natapos na ay nag-unat pa ako ng braso.

“Grabe, akala ko ay basic lang. Mahaba-haba pala siya,” ani ko.

“Ako na ang magpapa-print nito, Blaise. Ako na ang bahala sa lahat,” he volunteered.

“Eh, dapat ako na ang gagawa. Kasi ikaw lahat ang nag-type niyan. Ako na lang, Calliper. Hihiramin ko na lamang ang flash drive mo,” wika ko. Napakamot pa siya sa batok niya at nagpakawala nang buntong-hininga.

“Okay, okay,” aniya. Tinanggal niya ang flash drive at inabot ko naman iyon.

“See you sa Monday, Calliper,” ani ko na may ngiti sa labi.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now