"Pabili ng isang tortang talong, 'te," sabi ko.

"Nag-apply ka ba ng trabaho?" Tanong niya nang mapatingin sa resume na dala ko. Nilapag ko iyon sa gilid ng mesa.

"Oo, 'te. Hindi ata ako pasok, eh. Sabi sa akin tatawagan ako."

"Naku, negative na 'pag ganyan. Hanap ka na lang iba."

"Oo nga po, eh. Maghahanap na lang po ako."

Inabot niya iyong kanin tsaka ulam. Magpasalamat naman ako saka nilantakan ko kaagad iyon dahil sa gutom ko. Ang tagal ko rin kasi naghintay kanina ro'n.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa shop. Naabutan ko si Clea na nagtatahi.

"May bagong nagpatahi?" Tanong ko nang makapasok sa loob. Nilapag ko ang bag ko sa gilid. Tumango siya.

"Pagod?" Tanong niya rin sa akin.

"Oo. Mukhang malabong pasok ako. Hirap naman maghanap ng trabaho." Reklamo ko pa. Alam ko namang mahirap talaga dahil hindi ako graduate, na mas may advantage kung graduate ako. Hindi ko na rin tinuloy ang pag-aaral ko dahil sobrang nag-focus ako sa anak ko.

"What if kausapin mo na kaya Tatay niyan ni John?"

Nanlaki ang mata ko. "Huwag mo na ngang bangitin 'yan. Kaya ko pa 'to. Ayoko ng guluhin 'yon. May pamilya na 'yon siguro. Tsaka, hindi na namin siya kailangan."

"Eh hindi mo naman kasi pinaalam sa Tatay niyan. Alam mong may karapatan siya."

Umiling ako. "Alam ko pero ayoko."

Tama si Clea. Nang malaman kong nabuntis ako ay hindi ko rin naman sinabi sa kanya. Isang gabing pagkakamali iyon. Hindi dapat mangyari, pero wala na nangyari na.

"Kung ako sa'yo gawin mo na para hindi ka na mahirapan pa."

"Wag na nating pag-usapan, Clea please. Hindi namin siya kailangan." Pagdidiin ko. Natahimik naman si Clea pagkatapos.

Nag simula na rin kaming magtahi nang bagong damit. Fiesta rin sa susunod na buwan. Madami na ring nagpapatahi para sa susuotin ng mga magpaparada.

Tulog si John nang sinilip ko sa gilid. Sinasama rin namin siya sa shop. Mahirap na iwanan mag-isa. Nang gabi ay umuwi na rin kami. Ako na ang nag-presenta magluto. Pagkatapos namin kumain ay tinawag ako ni Clea at sinabing kakausapin daw ako. Pinatulog ko muna si John bago lumabas.

"Wag mo sanang masamain sinabi ko, ha. Iniisip ko lang naman kayo ni John," aniya. Nasa labas kami nagpapahangin.

Lumingon ako sa kanya. "Naiintindihan ko naman. Nakita mo lahat ng paghihirap namin kaya naiintindihan ko kung saan ka nanggaling. Pero sa sitwasyon ko, Clea ayoko na siyang maging parte ng buhay ko o ng anak ko."

"Hindi ba unfair 'yon kay John? Lalaki siya nang walang makikilang Tatay. Mabilis ang panahon. Next time, he'll ask about him."

"Pinag-isipan ko rin naman 'yan, pero hindi pa ako handa."

"Kailan ka ba magiging ready? Kapag malaki na si John? Kapag naghanap na siya ng Papa niya?"

Napakagat labi ako saka tumingin sa malawak na kalangitan. Minsan talaga naiisip ko kung paano ko haharapin ang ama ni John. Alam ko naman iyon, na deserve niya na malaman na may anak siya na tatlong taong gulang na, pero masisisi niya ba ako? Hindi na niya kailangan pang malaman pa.

"Sasabihin ko rin sa kanya, pero hindi pa ngayon."

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Nang medyo malamok na ay pumasok na kaming pareho sa loob.

Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising para maghanap na naman ng trabaho. Si John ay nagising at umiiyak kaya naalarma ako.

"Mama!" Iyak nito. Kinarga ko pa ito kahit mabigat.

Faithfully Kept  (FK Series #4)Where stories live. Discover now