Note

12 0 0
                                    

Hello,

Matagal na rin ang huli kong update ng chapter ng Gangsters In Disguise. Pasensya na po dahil marami lang pong gawain sa school noong mga panahon na iyon. At isa pa, nahirapan po akong bumalik sa pagsusulat. Kailangan talaga ng oras dahil hindi madali na isulat ng biglaan ang mga ideas na pumapasok sa isip ko. Ngayon po ay nalalapit na po akong magtapos ng senior high school kaya hindi ko po maipapangako na makakapag-update po ako. Pero sa ngayon po ay gumagawa na po ako ng paraan para makapagsulat muli. 

Isa pa pong dahilan kung bakit sinusulat ko po ito ay para ipaalam sa inyo na balak ko pong i-revise o i-edit ang kabuoan ng libro. Alam ko pong wala pa sa kalahati ang libro at pabago-bago na ito noon pa man pero kapag nire-reread ko po ito ay hindi po ako nasa-satisfy sa gawa ko noon :)

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi sakto ang attitude at personality ng bida, madaming kulang sa mga scenes, corny at wala rin buhay ang mga binabatong lines, at madami pa akong napansin. Para sa akin, ang libro na ito ay puno dapat ng aksyon at bakbakan pero napansin ko na wala akong naisulat na ganoon. Kaya naman naisipan kong ayusin ang lahat. May idadagdag ako at ibabawas na mga scene at kung ano-ano pa man. Hindi ko alam pero posible rin na may mabago sa pangalan ng mga bida. 

Hindi ko pa po alam kung kailan ko sisimulan i-update ang Gangsters In Disguise dahil sa baluktod na schedule sa school pero sinisimulan ko na po ang pagsusulat sa draft ko. Huwag po kayong mag-alala. Opo, mag-iiba ang ang takbo ng story pero sisiguraduhin ko pong mas magugustuhan niyo ang bagong version nito.

Salamat po sa pagbabasa at pagsuporta sa librong ito. 

- EverlastingInk

Gangsters in Disguise [On-hold]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن