Chapter 9

92 8 1
                                    

Artemis Zephyra's POV

Monday. Jeez! Monday really sucks! Kasi naman, monday na monday, may pinagawa samin na group project. Tapos ang nakakainis pa, magkakahiwalay kaming apat! Well, magkagrupo kami ni Yuichi, tapos magkagrupo naman sina Beatrix at Clementine. But, still! Hindi kami sanay na hindi magkakasama. Kahit sa mga groupings magkakasama pa rin kami. Tsk.

Ha! Eto pa pala. Ka-grupo pa namin yung tatlong gunggong. Kasama pa yung lider nila. Nakakainis, diba?

"Paki bilisan naman. Nabobored na kami dito," walang buhay na wika ni Nicholas. I glared at him.

"Wow, ha! Kung gusto niyo kasi na matapos agad tayo, tumulong kayo," pagtataray ko.

"Tss," rinig kong bulong nito. Napaikot ko tuloy ng wala sa oras ang mata ko. Totoo naman, e. Tumulong na lang kasi sila kung gusto nilang matapos agad kami.

"How can we help?" biglang tanong ni Phoenix. Teka, bago yon, ah. Tinatanong niya kami kung paano sila makakatulong, hindi ba? Kung sabagay, grade conscious din siya kagaya ni Yuichi. Kaya hindi na ako magtataka na nagtanong siya sa amin kung paano sila makakatulong. Pero ang mas kinagugulat ko lang ay ang pag sang-ayon ng lider nila sa tinanong ni Phoenix sa amin.

"Teka, totoo ba 'to? Hindi naman ako nananaginip, diba? Wait. Tinatanong niyo ba talaga kami kung paano kayo makakatulong?" paninigurado ni Yuichi sa kanila. Kung ako rin naman ay tatanungin ko rin sila para makasigurado ako sa narinig.

"Oo. Totoo nga," sagot ni Phoenix sa kanya. Oh my god! I'm must be dreaming!

"Don't be overdramatic. We can study, too," aniya. I arched an brow.

"I'm not overdramatic. I'm just a bit, no, I am really shocked that the so-called bad boys will help the pretty nerds in their group project," I muttered.

"Eww! 'Pretty nerds'? Not really. Pathetic nerds, I guess. You should know the differences between 'pretty' nerds and 'pathetic' nerds," Nico murmured. Geez! This guy, I don't know if I still can hold my anger towards him! Ugh!

Mukhang napansin ni Yuichi ang pagkulo ng dugo ko at kapag hindi pa tumigil ang kausap ko ay baka maibuhos ko sa kanya ng wala sa oras ang kumukulong dugo ko kaya pinisil nito ang kamay ko sa ibaba ng mesa.

"Well, I honestly know the differences of it, so, please don't compare us to the pathetic nerds. Why, because we are beautiful. You can't see it, can you? Then I suggest you better make an appointment to your doctor to check your eyes and buy a very thick glasses so you can see clearly how beautiful our faces," mahaba kong wika na nagpabuka ng bibig nila. Did i forgot to say something important?

"Y-yeah. A very thick glasses, kasing kapal ng mukha mo!" aniya.

"Shhhh. Silence, please," saway ng librarian samin. Napalakas kasi ang pagsalita ni Nicholas kanina. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"It's your fault," sisi nito sa akin. I rolled my eyes. Wow! Sa akin pa sinisi, eh, siya naman yung huling nagsalita bago kami sawayin ng librarian. Hmpf!

"Sisi pa, mamaya ka sa 'kin," bulong ko sapat na para marinig niya.

Nang matapos kami sa pagreresearch sa library, napag-isipan namin na dumiretso muna sa cafeteria para bumili ng meryenda. Nakakapagod rin kaya ang pagreresearch doon. Sana pala sa computer lab na lang kami nagresearch. Mas madali doon, eh. Nakalimutan kong high-tech na nga pala ngayon. Kanina ko lang kasi naalala. Napadali pa sana ang pagreresearch namin. Psh.

"Lalim ng iniisip natin, ah. Iniisip mo ba kung pano makakaganti kay Nico mamaya?" tanong ni Yui na nasa likod ko. Nakapila kasi kami. Hinampas ko siya ng mahina sa braso. Oo, iniisip ko nga kung paano ako makakaganti sa kanya, pero hindi. Hindi yun yung iniisip ko kanina.

Gangsters in Disguise [On-hold]Where stories live. Discover now