Chapter 13

76 7 1
                                    

Artemis Zephyra's POV

After ng nangyari sa cafeteria, mas lalong nagbulungan ang mga tao tungkol sakin. What's wrong ba? Why do they keep murmuring about me?! Pfft.

Ang mas nakakainis pa, nabubully na naman kami. I mean, kumpara sa nangyari for the past month, mas binubully nila kami. And of course, puro babae yon. One time, pinagtanggol kami ng grupo nina Natasha. Pero imbes na matuwa sa ginawa nila, mukhang mas naging komplikado pa ang lahat. Nagthank you naman kami pero nagsorry na rin dahil kailangan talaga namin hindi muna magpansinan para na rin hindi na lumala pa ang sitwasyon.

I'm so sorry, Queens. Ayoko lang talaga na lumala pa ang sitwasyon dahil kinakausap niyo pa rin kami.

Pabalik na kami ng room nang may humarang sa amin na mga kababaihan. Pang-ilan na ba sila sa mga nagtangkang ibully kami? Tss.

"What?" naiiritang tanong ko sa kanila.

"Wag na wag kang lalapit sa Papa Zeus namen. Malandi ka!" sigaw sakin ng nasa gitnang babae at sinabunutan ako.

"What the hell!?" sigaw ko at gumanti ng sabunot. Akala mo, ha! Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakikipag-sabunutan din sina Yui, Clem, at Bea sa kanila.

Bigla niya akong tinulak kaya napa-upo ako sa sahig. Agad na naman niya akong sinugod at pinagsasampal. Napahiga na ako sa sahig at siya naman ay naka-paibabaw sa akin. Patuloy lang siya sa pag-sampal sa akin at ako naman pilit na gumaganti pero mukhang mas malakas siya sa akin ngayon. Ewan ko ba kung saan napunta ang lakas ko bilang Artemis at ang weak na Zephyra ang nakikipag-away sa kanila ngayon. Psh.

"WHAT IS HAPPENING IN HERE?!" sigaw ng kung sino. Napatigil naman yung babae sa pagsampal sakin, pati ang mga kaibigan ko sa pananabunot nila sa iba.

"Everyone back to your room, now!" muli nitong sigaw kaya bigla kaming napatayo. Lalakad na sana kami pabalik sa room ng tinawag niya muli kami.

"Stay." Excuse me? Aso ba kami para sabihan ng ganyan? Tss. I mentally rolled my eyes.

"You, you, you, you, you, you, you, you, and you. To my office. NOW!" sabi niya samin. Oh, i'm scared. Tss.

Naglakad na kami papunta sa office niya. Oh, wait. This is a Supreme Student Government's office. So, she may be the SSG Adviser. Oh! Ibig sabihin, ang SSG Adviser pa ang nakakita ng pangyayari kanina? How come!

Pumasok na kami sa office niya. May mga sumalubong sa amin na officer ng SSG pero kalaunan naman ay inalis na nila sa amin ang atensyon nila.

"Where is Mr President?" tanong niya sa kanila.

May lumapit sa kanyang babae. "Hindi pa po sila bumabalik after ng lunch time. Sasabihan ko na lang po sila na may problema na naman po ngayon dito," sabi nito. Tumango siya at hinarap kami.

"Kayong apat dito kayo sa kanan. Kayo namang lima, sa kaliwa kayo," sabi niya sa amin. Umiiling na umupo kami sa kanang sofa. Samantala, tinignan muna kami ng masama ng mga bruha bago sila umupo sa kaliwa. Ano ba kasi problema ng mga 'to? Tss.

Maya maya bumukas ang pinto ng office ng SSG at may pumasok na lalaki. Oh my god! What is he doing in here?

Napalingon siya samin. Kunot noong tinignan niya kami. "Mr President. Glad you're here already," sulpot ni maam sa kung saan. Wait, Mr President? Siya ang president ng SSG ng HA?

"What are they doing in here?" tanong niya sa SSG Adviser.

"Well, nagkakagulo po ang grupo nila at ang grupo ni Miss Michelle kanina sa hallway kaya pinapunta ko muna sila dito. Didiretso ko na sana sila sa Detention Room kaso wala pang approval mo kaya diniretso ko muna dito. Bilang SSG president, hindi ba't tungkulin ninyo na disiplinahin ang mga kapwa studyante ninyo? Pero bakit mayroon na naman akong nadatnan na problema patungkol sa mga nagkakagulong studyante sa hallway?" aniya.

Gangsters in Disguise [On-hold]Where stories live. Discover now