Chapter 11

58 7 0
                                    

Artemis Zephyra's POV

Wow! Ang ganda naman dito!

Pagpasok namin ng Amusement park, ganyan na ang reaksiyon ko. Take note: hindi lang ako. Pati sina Yuichi, Clementine, at Beatrix. Hindi naman halata na hindi pa kami nakakapunta dito.

Nagpunta muna kami sa ticket-an para bumili ng ticket. Sina Zeus na ang bumili ng amin para daw hindi na kami gumastos. Pagkatapos namin sa ticket ay naglibot libot na kami.

Una naming sinakyan is yung hinahagis ka tapos paikot ikot. Sabi nina Mia, flying fiesta daw ata tawag dun. Oo, yun nga! Nakalimutan kong may dala nga pala kaming map. Libre daw kasi 'to kapag bumili ka ng ticket. Tsaka para hindi ka daw maligaw at malaman mo kung ano ang susunod na sasakyan niyo.

Sumakay na kami ng flying fiesta. Pinili naming apat yung tig-isang upuan para masarap ang experience namin dito. Ilang sandali pa at nagsimula na ang ride.

"Wooooooohooooooooooooooooo!" sabay sabay naming sigaw nina Clem.

"Ang sayaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko.

Pagkatapos ng ride namin sa flying fiesta, naglibot libot ulit kami. Nadaanan namin yunh naikot-ikot na ride. Tinignan ko iyon sa mapa. Oh! Ito pala ang tinatawag nilang roller coaster. Gusto ko dun!

"Guys! Roller coaster tayo!" sabi ko sa kanila.

"What? No!" pagtanggi ni Zeus. Napa-pout tuloy ako ng wala sa oras.

"Dali na! Diba, ako naman nagyaya nito, e. Dali na. Please?" nagpuppy eyes pa ako. He looked away. Tapos tinignan niya ulit ako. "Please?"

"Ugh! Fine!"

"Yey!" sabi ko na, eh. Di niya ako matitiis. Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Tsk.

Agad kaming nagpunta sa roller coaster. Pinakita lang namin sa kanila ang ticket namin tapos tsaka kami pinasakay. Hindi naman masyadong mahaba yung pila kaya pinasakay na kami. Humaba lang siya nung pumila na kami. Hehehehe.

Sa unahan ako pumwesto. Tapos katabi ko si Clem. Parehas kasi namin gustong i-try 'to.

"Sigurado ba kayong diyan kayo pwepwesto?" tanong nina Yui samin. Sabay kaming tumango ni Clem.

Kita ko ang panginginig ni Yui mula rito. Mukhang natatakot ata siya. Sabagay, we never experience this kaya hindi kami sure kung safe 'to. Pero ang sabi naman ni Zeus ay safe ito. Teka, bakit ba kanina pa ako Zeus ng zeus? Ano ba kasing nangyayari sakin?

Bahala na nga! Ie-enjoy ko na lang ito. Dahil for sure, hindi na namin ito mararanasan pag-alis namin ng HA. At gaya ng sabi ko, enjoy-in ko lang ang araw na ito. Kakalimutan ko muna sandali ang totoong intesyon namin sa pagtransfer ng school.

Nagsimula na ulit ang ride. Oh my gosh! Mukhang hindi dapat kami dito pumwesto. Sobrang nakakalula!

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sabay sabay na sigaw namin.

"Mamaaaaaaaaaa! Sorryyyyyy naaaaaaaaa! Mahal na mahal kita, mamaaaaaaaaa!" rinig kong sigaw sa oras na iikot ang coaster. Akala ko isa sa amin. Yung nasa likuran pala ng boys yun! Hahahahaha!

Tawa tuloy kami ng tawa sa buong ride. Buong ride din kasong sumisigaw ng ganyan yung lalaki. Pagtapos ng ride namin sa roller coaster, sa horror house daw kami sabi ni Natasha. Agad namang hindi sinang-ayunan ng boys.

"Dali na kuya. Gusto ko talaga pumasok dun, e. Please?" pagmamakaawa ni Nat sa kuya niya. Hindi pa rin siya pumapayag. At dahil hindi pa ako nakakapasok ng horror house, nakisingit na rin ako. [Nakikita ko lang siya sa mga tv series and movies pero hindi pa talaga ako nakakapasok. Actually, kapag may school fair sa school, may mga nagb-booth na horror house kaso dahil may mga mata ang elders namin samin, hindi na naman kami nakaranas na makapasok sa horror houses.]

Gangsters in Disguise [On-hold]Where stories live. Discover now