Chapter 10

67 7 0
                                    

Artemis Zephyra's POV

Ugh! Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Iminulat ko ang mata ko. Where am I? Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa langit na ba ako? Nilibot ng tingin ko at napagtanto na nasa ospital ako. Geez! I thought I'm patay na! Pero teka, ano ba'ng nangyari sa'kin? Bakit ako nandito sa ospital at naka-confine?

Nakita ko na may lalaking mahimbing na natutulog sa sofa. Natatakpan ng libro ang mukha nito kaya hindi ko mawari kung sino ito. Nalaman ko lamang na lalaki ito dahil sa postura ng kanyang katawan. Teka, ang devil na twin brother ko ba 'to na si Apollo? O kaya naman si kuya Ares? O si Lucas? Pero wala naman sinabi sa'kin si Lucas na uuwi sila. Tsaka diba sabi niya may inaasikaso pa daw sila kaya hindi pa sila makakauwi. Kaya imposible na isa sa mga nabanggit ko ang lalaki na ito. Then, who is he?

Nakaramdam ako bigla ng uhaw. Oh my gosh! Hindi ako makatayo, I need help! Tapos ang layo pa ng fridge dito. Ugh! No choice but to wake up that mysterious guy.

"Pssst!" pag-gising ko dito. Ngunit hindi ito nagising. "Hey, wake up!" pag-tawag ko muli dito. "Wake up, sleepy head!" Ayaw pa rin. Argh! Naiinis na ako ah. Gustong gusto ko na talagang uminom! "You're not really going to wake up? Try me," nahagip ng mata ko ang mga unan sa gilid ko. Naisipan kong batuhin siya ng unan para magising. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa 'to magising.

In a count of three, babatuhin ko na tong tulog mantika na 'to.

1...








2...








3!

*BOOOOOOGSH!*

Boom! Sapul sa ulo! Haha! I'm pretty good at this. Bigla siyang napabalikwas ng upo dahil sa pagbato ko ng unan sa kanya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Ikaw naman kasi, e. Tulog-mantika. Kanina pa kita ginigising pero wala pa rin. Ayan tuloy na pala mo," sabi ko. Unti-unti siyang humarap sakin. I suddenly flinched when I saw his face. What the hell-?!

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito!?" sigaw ko.

"Binabantayan ka," seryosong sagot nito. What?
"Salamat naman at gising ka na. Kamusta pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin o ipabili?" nag-aalalang tanong nito. Wait, nag-aalala? Nag-aalala siya sakin? Why would he get worried about me? Bigla na naman akong nakaramdam ng pagka-uhaw.

"T-tubig. Nauuhaw ako," sabi ko. Nag-lakad siya papuntang fridge at kumuha ng tubig. Nagsalin siya ng tubig sa baso at binigay ito sa akin. Agad ko itong kinuha at ininom.

"Oh, dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka," aniya. Nang maubos ko ay binigay ko na sa kanya ang baso. "Kamusta na pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" muli nitong tanong.

"Medyo nahihilo pero okay na naman," sagot ko. "Bakit pala ikaw ang nandito? Nasan sina Yuichi?"

"Ah, pinauwi ko muna sila sa school. Magdamag kasi sang nagbantay sayo kagabi. Sabi ko na lang ako na magbabantay sayo para makapagpahinga na sila. Nung una nag-insist pa sila pero agad din naman pumayag dahil sa sobrang pagod nila. Pinahatid ko na lang sila kina Phoenix para hindi na sila magbyahe pa," mahabang wika nito. Tumango-tango ako.

"Gaano ako katagal tulog?" tanong ko. Tumingin siya sa relo niya.

"About 24 hours? Yeah, you're like a sleeping beauty earlier." sagot nito. WHAT?! Ba't isang araw naman akong tulog? Pfft. Nasapo ko ang noo ko. "Are you really sure you're okay?"

"Yes, I am," sagot ko. "Oo nga pala. Hindi ko pa rin naiintindihan. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ako nandito sa ospital?" tanong ko.

Takang tinignan niya ako. "Hindi mo maalala?" umiling ako. "Nakita namin kayo sa storage room. Wala ka ng malay nang dalhin ka namin dito sa Selene Hospital. Ang sabi ng mga kaibigan mo, si Faye daw ang gumawa nun. Is that true?" paliwanag nito.

Gangsters in Disguise [On-hold]Where stories live. Discover now