31

7 1 0
                                    

Nagising ako na nasa ospital ako, may benda rin ang ulo ko. Senyales na nagkasugat ako dahil sa pagbagsak ng bato sa ulo ko.

Pero while checking myself sa tingin ko naman ay hindi ganuon kalala ang nangyari sa'kin, maybe nawalan lang ako ng malay because of the impact.

I'm expecting na marami ring pasyente sa paligid, and lahat ay busy because of what happened. Pero I'm surprised na nasa isang private room ako, maybe nakita nila na kaya kong magbayad para sa kwartong 'to?

I sighed, and napatingin ako sa pinto ng may pumasok na isang nurse. Ngumiti siya sa akin, so I smiled back.

"Nagising na po pala kayo," nakangiting sabi niya.

Marami siyang ginawa sa'kin, and she keeps on checking me, panay tanong nga rin siya sa'kin ng mga bagay-bagay like anong nararamdaman ko, masakit ba ulo ko.

Hindi naman niya na kinailangan tumawag ng doctor, because hindi naman daw ganuon kalala. Napatagal lang ako dito sa ospital dahil almost two days pala akong hindi nakita, buti na lang may rescue team.

Ngumiti ako sa nurse. "Ahm, Miss. May I ask bakit nandito ako? I mean, bakit nasa private room ako?"

She looked at me. "Kaibigan niyo raw po yung isa sa mga rescue team na dumating."

Natigilan ako saglit, because of what she said but I manage to smile.

"I see," sagot ko.

Ngumiti muna yung nurse bago lumabas ng kwarto ko, pinanuod ko siyang isinara ang pinto.

If I'm not mistaken, there's a big possibility na ang Alpha Team ang isa sa mga rescue team na nagpunta dito.

Napatingin ako sa kalangitan. "You could've just give me a sign, Lord. Hindi ka na sana gumawa pa ng lindol para magkita kami," nakangiting sabi ko.

Hindi ko na sinubukan tingnan ang paligid, dahil natatakot akong maging malungkot sa nangyari. I know na maswerte akong nakaligtas, and may mga taong minalas.

I looked at my room to find my phone, pero wala. Ni isang gamit ko ay wala akong makita, maybe nasira dahil sa nangyaring lindol. And hindi naman nila uunahin ang mga gamit na kunin bago ang tao, and I understand that.

Bumuntong hininga ako, I planned this vacation para hindi mabulelyaso. But here I am, nasa ospital.

I'm actually wondering kung ilang taon naba ang nakakalipas nang huling makapunta ako dito, I'm not saying na gusto kong pumunta rito.

But it feels odd now kasi hindi masakit ang puso ko, before sa tuwing nasa hospital ako masakit din ang puso ko. But now? I guess, I'm totally fine.

How I wish lang na sana may dumalaw sa'kin, if ever man na Alpha Team and nandito, I'm looking forward na makita sila.

Pero maliit ang chance na mangyari yun, because of what I did. I said lots of bad words against them, I wish them gone at huwag na magpakita sa akin. And I understand if hindi sila magpapakita sa'kin.

But I'm hoping lang na makita sila before ako umuwi ng Bataan, this is my chance din para humingi ng sorry and to say Goodbye forever.

Because I'm not planning to go back anymore after this...

Inuna ko lang talaga mag-bakasyon, at after nun is makita sila. Then after nun, hindi na'ko babalik pa. I'm actually planning na tumira sa ibang bansa, but I can't kasi may negosyo ako rito.

Napakaraming kong plano, but wala pa'kong natupad kahit isa. Pinaglalaruan nga yata ako ng tadhana, ayaw niyakong tigilan.

Dahan-dahan akong napatingin sa pinto nang bumukas ito, at ang pinaka inaasahan kong tao ang bumungad sa'kin.

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Where stories live. Discover now