17

6 1 0
                                    

I couldn't stop looking outside at 711, watching each drop of rain. I can't help but feel sad for the people who live on the streets while it's raining.

I think about how lucky I am in my life, and I'm really thankful for that right now.

"Pasensya na ngayon lang break ko," nakangiting sabi ni Aiken at napatingin din sa labas. "Ang swerte na'tin at may nasisilungan tayo, ano?" tanong niya at tumingin sa braso ko at bumuntong hininga. "Maling-maling pakielaman ang Rmall's Massacre," malungkot na sabi niya. "Nakikiusap naman na'ko, Roanne. Gawin mo lahat para lumayo sa gulo. Ako na napapagod masaktan sayo."

Ngumiti ako sa kaniya. "Don't worry, hindi ko na babalikan ang Rmall's Massacre." Natawa ako. "I learned my mistakes. By the way, kaya pala ako nandito. Babalik na'ko sa trabaho ko bukas, kaya baka madalang na ulit ako makabisita."

Ngumiti si Aiken sa'kin. "Ayos lang, sa katunayan nga nahihiya ako sa tuwing bibisita ka sa'kin. Hindi man lang kita malibre ng kahit anong inumin o hindi man lang kita mapuntahan sa trabaho mo."

Natawa ako at pabirong hinampas ang kamay niya. "Don't worry, I don't mind."

Ilang minuto pa kami nag-usap ni Aiken bago siya bumalik sa counter kaya naiwan akong magisa at pinagmamasdan ang labas, nanf makita ko si Dred na bumabasa kotse.

Napangiti ako nang makitang parang hinahanap niya'ko, pero agad din nawala ang ngiti ko kasi naka-uniform siya ngayon. Alam ko na agad na aalis na siya ulit.

Kumaway ako para maagaw ko ang atensyon niya, tumingin siya sa akin at mabilis na pumasok sa 711.

"May biglaang misyon kami," seryoso niyang sabi. "Ayos lang ba kung hindi kita maihatid sa inyo ngayon? Tatawagan ko na lang sila tito at Ranne para sunduin ka dito," sabi niya at nilabas ang cellphone niya.

Magsasalita na sana ako nang makita kong tumakbo si Spartha papunta sa amin. "Pepe, bilisan mo at baka magsimula na sa Mizake's Port," seryosong sabi niya ag lumingon sa'kin. "Pasensya na, Roanne."

Tumango lang ako. "Sana, itinatawag o tinext mo na lang. Mag-ingat ka duon ha?" nakangiti kong sabi, at hinalikan siya sa pisngi.

Inabot ko sa kaniya yung tinapay at juice na binili ko para may makain siya habang nasa byahe.

Ngumiti si Dred at hinalikan din ako sa pisngi na ikinangiti ko. "Text me, okay? Kahit hindi ako makapag-reply agad. Text me."

Nakangiti akong tumango at mabilis na pinanuod silang umalis sa harapan ko. Napatingin ako kay Aiken nang hawakan niya ang kamay ko.

"Huwag ka magalala, malalakas sila," nakangiti niyang sabi.

MABILIS na lumipas ang linggo, same around pa din walang pagbabago. Pinapanuod ko ngayon ang balita kung paano nabuko ng Alpha Team ang droga na binagsak dito gamit ang Mizake's Port.

Napatunayan namang walamg kinalaman ang mga Mizake dahil nagkataon lang daw na ibinaba sa port nila ang mga epektus.

Hindi ko alam pero mediyo naawa ako kay Marven Afin siguro dahil naging mabait siya sa'kin, pero illegal din kasi ang negosyo niya.

"Morning!"

Napalingon ako kay Dred nang makita siya. Mabilis na hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang kamay ko.

"Pinapanuod mo yung balita tungkol sa Mizake?" tanong niya at tumabi sa akin.

Tumango ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya nang akbayan niya ako.

"I heard naging madugo daw ingkwentro niyo sa kanila?" tanong ko habang nanunuod ng balita about sa kanila.

Tumango siya. "Sa amin hindi, kay Alas ang naging madugo." Tumingin siya sa phone ko at nakinuod din. "Hindi ko din alam din kung bakit ganuon ang nangyari."

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Where stories live. Discover now