30

7 1 0
                                    

Napatingin ako sa labas ng bahay namin at malungkot iyong pinagmasdan. Dugo at pawis nila Papa at Mama ang bahay na'to, para sa amin ni Ranne. Ako lang ang nagpa-ayos at bumili nung katabing lupa para mas lumaki pa ang bahay namin.

Pero dahil wala na yung dalawang taong pinaka-mamahal ko, wala na rin akong dahilan para manatili pa rito. Tanggap ko na ang buhay na haharapin ko nang ilibing silang dalawa.

Buong buhay ko ay dito ako nakatira, saksi ang bahay na'to sa lungkot, luha, galit, saya at pagod ko. Saksi ang bahay na'to sa malulungkot na ala-ala, at sa masasaya.

Pero ang bahay na minsa'y naging tahanan ko ay nawala na lang bigla. Malungkot akong tumingin sa bahay namin na binuo ng sipag, tyaga at pagod namin nila Papa at Mama, na ngayo'y sira na.

Nang dahil sa kanila...

Wasak ang pinto ng bahay namin, at basag ang mga bintana, dahil sa nangyaring laban nila Dred at tauhan ni Leo.

Niyakap ko ang sarili ko at muling pinakatitigan ang bahay sa muling pagkakataon. Bumuntong hininga ako bago tiningnan ang sulat na bigay ni Raiko.

Kinakabahan at dahan-dahan ko siyang binuksan kasabay nang muling pagpatak ng luha.

Hello, ate. Si Ranne 'to.

If you're reading this now, I guess wala na'ko o may nangyaring masama sa akin. When you called na umuwi agad ako despite na nasa school ako, duon pa lang nakakutob na'ko. Naiinis pa nga ako nuon at sinisisi ang Rmall's Massacre sa nangyari.

I'd be lying if I told you I wasn't mad at you. Since the Rmall's Massacre case came to you, bad things have happened to us one after the other. But even so, I know you will do everything for me and Papa.

Ayoko talagang mabasa mo'to, Ate kasi ayoko pa talagang mawala. Natatakot na talaga ako...

I'm afraid of what's happening, but the last time you called, tapos si kuya Dred told me to go home, duon ko na narealize na may mangyayari talaga. Kaya naisip kong gawin 'to. Okay na, tanggap ko na.

Maybe at this time you are mad with everyone and hurt, maybe you will torture yourself for the rest of your life. Kasi nawala yung pinaka pogi mong kapatid, at pinaka mamahal na kapatid.

Ate, huwag mong gagawin 'yan. I will be sad here when I see you punishing yourself. I don't want you to suffer,

Ate. Do me a favor,

Please live in a way that you can get rid of the pain. Because if not? I feel like watching you up here will just hurt me.

Maging masaya kayo nila Papa diyan, mahal ko kayo.

Ate, ngiti na.

Mabilis na nagpaunahan ang mga luha ko habang binabasa ang buong sulat ni Ranne, walang mapaglagyan ang sakit ng mawalan.

Namatay si Ranne na hindi alam na namatay si Papa, at ganuon din si Papa.

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang