11

12 2 1
                                    

It's been less than a week since I got out of the hospital. My hand is still bandaged, pero medyo magaling naman na siya. Hindi naman siya kailangan pang tahiin, because I stabbed myself too superficially kaya mabilis din gumaling.

I'm thankful for that even though I did it to myself. I also told Direct that the reason I was absent was because I got sick, I guess mamomroblema na lang ako sa ihahanap kong rason once na makita nila at magtanong sila about sa braso ko.

"Aalis ka?" Napa-tingin ako sa nag-salita si mama.

"Pupunta ako mamaya," I said, simply.

Naghahanap kasi ako nang susuotin na damit, dahil pupunta ako mamaya sa wedding anniversary nila Ella at Bage.

Hindi ako pupunta duon para saktan ang sarili ko, pupunta ako duon para tapusin na ang lahat.

Nakita ko ang malaking pagngiti ni Mama sa sinabi ko, at mabilis na lumapit sa akin.

"Magandang ideya 'yan, Roanne. Tara hanap tayo ng isusuot mo."

Mabilis pa sa alas kuwatro na hinila niya ako at nag-hanap ng mga damit. Tinitigan ko lang siya habang naghahalungkat nang isusuot sa cabinet ko. Masaya akong makitang masaya si Mama ngayon.

Humarap siya sa'kin, at nawala ang ngiti niya nang makita ang braso ko. "Ano ba 'yang braso mo? Hindi babagay 'yan sa event eh. Engrande yun, magiging panira pa yung braso mo sa event."

Huh? What?

Napatitig ako kay Mama ng wala sa oras, dahil nawala din lahat ng saya ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ako nakapag-salita at yumuko na lang.

"Pupunta din ako duon, isasabay sana kita kaso yung braso mo." Lumapit siya sa akin bitbit ang white dress ko. "Ito na lang suotin mo. Kita na lang tayo sa party." Then she left.

Mapait na natawa ako sa mga narinig ko at sa expression na nakita ko kay Mama.

Pinagmasdan ko ang braso ko at hinaplos yun. "Alam mong si Ella ang dahilan kung bakit ako ganito, pero ganiyan ka pa rin." Kinagat ko ang labi ko. "Bakit, Ma?"

"PUPUNTA ka pa din?" Tumango ako kay Aiken, ngumiti siya. "Tama 'yan, sa tingin ko kailangan niyo na din mag-ayos ng pinsan mo."

Natawa ako sa sinabi ni Aiken at kinuwento ko sa kaniya yung pinanuod ko sa flashdrive at ang buong nangyari sa braso ko.

Malungkot na tumingin sa'kin si Aiken at niyakap ako. "Kapag masakit na, umiyak ka na lang... Huwag mo na saktan sarili mo. Andito ako, Roanne. Makikinig sayo."

Ngumiti ako at umalis sa pagkakayakap niya. "Gusto ko lang naman tumakbo palayo," makahulugan kong sagot.

"Hindi mo naman matatakbuhan ang problema." Tinitigan ko siya. "Sa tingin mo pagnamatay ka, makakapag-pahinga ka na? Huwag kang matakot alamin ang lahat. Maging matapang kang masaktan."

Pilit akong ngumiti. "Hindi ganuon kadali yun, Aiken."

"Sino bang nag-sabi na madali? Walang madali sa lahat, Roanne."

Matagal ko siyang pinagmasdan, bago sumagot. "Why do I have this feeling na pilit mong iniintindi ang lahat?" tanong ko.

"Wala din naman kasing mangyayari kung hindi mo iintindihin." Ngumiti siya sa akin. "Hindi ko sinasabi na intindihin mo ang nangyari, ang gusto ko ay intindihin mo sarili mo." Hinawakan ni Aiken ang kamay ko at ngumiti. "Gawan ka ng tama, ibalik mo. Pero kapag binigyan ka ng sakit, ng lungkot. Umiyak ka lang, tapos hayaan--"

"Kapag ba ikaw binato ng itlog habang nag-lalakad ka hahayaan mo na lang?" seryoso kong tanong kay Aiken.

"H-hindi naman iyon ang punto ko, Roanne."

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Where stories live. Discover now