29

11 1 1
                                    

Dahan-dahan akong lumapit sa kabaong ni Ranne, at napapikit na lang ako nang makita siyang nakahiga, nakapikit at wala ng buhay sa loob ng kabaong.

Pinipigilan kong umiyak na naman, kasi sawang-sawa na'ko pero ang sakit talaga.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kabao niya kasabay ng walang sawang pagbuhos na ng luha ko.

"RANNNNEE!" malakas na malakas na sigaw ko, at niyakap ang kabao niya. "B-bakit? R-ranne ... B-bakit!" Napatalon-talon pa'ko na akala mo once na mag-tantrums ako ay magigising ang kapatid ko.

Sinilip ko sa gilid ang urn ni Papa, at hindi ko na talaga mapigilan na umiling.

"H-hindi ... N-no, p-pleaasee ... P-papa! H-hindi ... A-ayokoo... A-ayokong tanggapin ... T-tama naa... A-ayoko na." Umiiyak na kinuha ko ang urn ni Papa, at mahigpit na niyakap yun.

Napaupo ako sa sobrang sakit habang yakap ko ang urn ni Papa, at patuloy akong umiiyak.

"A-ayoko na... G-gusto ko nang sumunod sa inyo... P-pagod na pagod na'ko ... T-tama na..." Tumingin ako sa urn ni Papa at ngumiti, pinunasan ko iyon kasi nabasa ng luha ko. "N-natakot ka ba habang h-hinihintay na s-sumabog yung bomba?" umiiyak na tanong ko. "M-mag-isa ka lang, Pa.... P-patawad kung wala ako n-nung mga o-oras na tumatakbo ka p-palayo para maligtas ang iba...." Mahigpit na niyakap kong muli ang urn ni Papa. "P-patawad k-kung parati kang n-nasasaktan ng dahil sa akin .... P-papa, patawad at n-namatay kayo ni Ranne ng dahil sa akin..."

Maya-maya pa ay itinayo na'ko ni Dred, at inilayo sa akin ang urn ni Papa. Inalalayan niyako papunta sa isa sa mga upuan, hindi na'ko nagreklamo dahil pagod ako.

Umupo siya sa tabi ko, at dahan-dahang inihilig ni Dred ang ulo ko sa balikat niya, at hinawakan ang kamay ko. Hindi na rin ako tumanggi, dahil alam kong kailangan ko siya sa mga oras na'to.

Nakatulala lang ako habang nakatingin kila Ranne at Papa, hindi pa'ko tuluyang nakakapag-pahinga nang marinig ko ang napaka-ingay na boses ni Mama at Ella.

"ROANNE!" malakas na sigaw ni Mama. "U-umalis ka rito... W-wala kang karapatan mag-luksa para sa kanila!"

"Just leave, Roanne! Hindi gugustuhin nila Ranne at tito na makita ka rito!" galit na sabi ni Ella.

Narealize ko na lang na nasa harap ko na silang dalawa, walang emosyon akong tumingin sa kanila. Hindi pa'ko nakakatayo ng malakas akong sampalin ni mama.

Napatingin ako sa paligid ko, at nakita ko ang pagtayo ng lahat. Gusto kong matawa nang makita kong hinawakan ng buong Alpha Team, at ang babaeng sundalo na kasama nila ang kanilang mga baril, na akala mo anumang oras babarilin ang dalawang basura sa harap ko.

"Wala kang kwenta! Malas ka! Sana hindi ka na lang nabuhay!" malakas na sigaw ni Mama.

Galit na tumingin si Ella sa'kin, at sasampalin na sana niya ako ulit nang hawakan ni Dred ang braso niya at inilayo ako. Inilagay ako ni Dred sa likod niya, para protektahan.

Galit na tumingin si Dred sa kanila, at lumapit. "How dare you?" galit ngunit mahinang tanong ni Dred. "WHO THE HELL ARE YOU?" mas malakas na sigaw ni Dred this time.

Malakas na sinampal siya ni Mama at natawa. "Huwag mokong sigawan! Dahil putangina kayo ang dahilan bakit namatay ang mag-ama ko! Dapat kayo ang mamatay!"

Galit na tumingin si Ella sa'kin. "Mula noon hanggang ngayon, malas ka pa rin ... Sana ikaw na lang yung nandiyan———"

Hindi na'ko nagulat nang may sumampal kay Ella, kasi deserve naman niya. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang sila dahil pagod na'ko.

Napatingin kaming lahat sa gumawa, at ganuon na lang ang gulat ko nang makita si Aiken na nasa unahan na namin.

Si Aiken ang sumampal kay Ella ng malakas, at gaganti na sana nang sampal si Ella kay Aiken nang mabilis na nasalag ni Maxine ang sampal na yun.

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz