25

10 1 1
                                    

Pilit akong gumalaw para makawala ako sa pagkakagapos ng braso ko, pinilit kong umalis. Pinilit kong makawa para puntahan si Ranne.

"I'm begging you...  Kung sino ka man... H-huwag ang kapatid ko!" malakas na sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga bagay na nakatali sa'kin.

Tumawa siya at unti-unting tinanggal ang mga kadena sa katawan ni Ranne. "Tumatakbong lumapit sa Alpha Team ang kapatid ko." Nakangiti siyang tumingin sa'kin. "Ano kayang mararamdaman mo habang tumatakbo papalapit sa'yo ang kapatid mo at binabaril mo——"

"Hayoppo ka!! Huwag ang kapatid ko!" malakas na malakas na sigaw ko. "Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid kooo!" galit at umiiyak na sabi ko.

Ngumiti lang siya at hinawakan si Ranne sa uli. "Wake up! Gumising ka dyan!" malakas na sigaw niya, at pilit na ginigising si Ranne.

"N-no, huwag siya! Ako na lang!" malakas na sigaw ko. "Gagawin ko lahat! Ako na lang please ... Huwag ang kapatid ko, huwag ang pamilya ko."

Ang pagmamamakaawa na lang ang tanging magagawa ko sa mga oras na ito, pero habang tinitingnan ko siya ay alam kong sarado na ang isip niya at buo na yung plano niya.

Lalo akong nanghina nang makita kong unti-unting gumising si Ranne, sigaw ako nang sigaw na huwag siyang gagalaw. Lahat ng Santo at Diyos sa mga oras na ito ay tinawag ko na.

Umatras yung lalaki at nagtago sa madilim na parte ng kuwarto habang unti-unting umaayos si Ranne sa pagkakaupo.

"R-rannee, h-huwag kang gagalaw please. M-makinig ka na lang sa'kin... Please, makinig kaaa."

Kunot noong napatingin si Ranne sa'kin, tila hindi pa yata nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyayare. Umiling-iling ako at umiyak na lang sa harap niya.

"Huwag si Ranne," umiiyak na sabi ko. "Huwag ang kapatid ko."

Napalitan nang galit at pagaalala ang muka ni Ranne nang makita ako at tila napakabagal ng oras habang nakikita ko siyang tumatayo at handa nang lumapit sa'kin.

"RANNNNNE!" malakas na sigaw ko, kasabay nang pagtakbo niya papalapit sa'kin.

Tila naging mabagal ang oras para sa akin nang magsimula nang tumakbo si Ranne at tanging tatlong bagay lang ang narinig ko sa mga sumunod na nangyari.

Ang malakas na pag-iyak at sigaw ko, ang malakas na limang beses na putok ng baril, at ang maingay na pagbagsak ng katawan ni Ranne.

"A-ate," nahihirapang sabi niya habang pilit na lumalapit sa akin.

Umiling-iling na nagwawala ako habang nakatingin kay Ranne na pilit na gumagapang papunta sa'kin.

"RAAAANNNNEE!" malakas na malakas na sigaw ko.

Lalo akong nagwala sa galit nang makitang sumuka siya ng dugo, habang pilit na inaabot ako. Ginawa ko ang lahat para makalapit sa kaniya kahit pa ang sakit-sakit na ng mga nakagapos sa'kin.

Pilit ko siyang inaabot gamit ang ulo ko, at pilit din akong inaabot ni Ranne gamit ang kamay niya na puno na ngayo'y ng dugo.

"R-ranne, I'm sorry. R-ranne," umiiyak na sabi ko nang maabot ng mga kamay niya ang muka ko.

"A-ate," nahihirapang sabi niya kasabay nang pagtulo ng luha niya. "G-gusto ko ulit kumain ng biko——"

"RANNNNNEEE!" mas malakas na sigaw ko ng barilin siya sa ulo ng lalaki sa mismong harap ko. "R-raannnnee! Tangina, Ranne gumising ka diyannnn! Rannne!" malakas na malakas ang sigaw ko.

Napapikit na lang ako nang barilin niyang muli ang kapatid ko sa likod.

"TIGILAN MO YUNG KAPATID KO! T-TAMAA NAAA!" galit na galit at puno ng luhang sigaw ko. "H-halimaawww kaaa! D-demonyo kaa."

After All The Raindrops (MOST PAINFUL BATTLE #1)Where stories live. Discover now