Chapter 13

54 3 0
                                    

"Escano, Alvin."

"Present, ma'am."

Kasalukuyang naga-attendance ang guro namin.

"Espinosa, Arnold."

"Present po."

"Gonzaga, Trisha."

"Present."

Sandaling napahinto ang guro namin sa paga-attendance at liningon ako. Medyo kinabahan ako. May nagawa ba akong mali or what?

"Gonzaga apelyido mo? Kilala mo ba si Aileen Gonzaga?" Tanong sa akin ni ma'am.

Dahan-dahan akong napailing. "Hindi po, ma'am."

Wala naman akong maalala na pangalan 'Aileen'.

"Ah. Student ko siya last school year. Grumaduate siya last year," ani ma'am. "Akala ko kapatid mo."

"Ah. Wala po akong kapatid eh," sabi ko sabay pilit na ngiti.

"Eh si Arvin Gonzaga, kilala mo?" Sunod na tanong ni ma'am.

At sino naman yan?

Umiling ulit ako. "Hindi rin po, ma'am."

"Ah. Akala ko kilala mo. Baka relative mo. Kaklase ko yun nung highschool ako."

Napatango na lang ako. Medyo nakakaramdam ako ng pagka-awkward lalo na't palipat-lipat ang tingin ng mga kaklase ko sa akin at kay ma'am. Eh hindi ko naman mga kilala mga itinatanong ni ma'am.

Natawa na lang si ma'am. "Anyway, continue tayo sa attendance." Saka nagpatuloy siya sa paga-attendance.

Mahina akong siniko ni Maria na katabi ko sabay bulong sa akin ng, "I feel you. Ang awkward kapag tinatanong ka about sa mga tao na hindi mo kilala pero same ang apelyido sayo."

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya at napakamot sa ulo ko.

Nang matapos ang attendance, ipina-submit naman ni ma'am ang homework namin na kahapon niya ibinigay.

"By the way, class. Magdala kayo ng index card sa susunod na meeting natin," ani ma'am habang kino-collect ang homeworks namin.

"Para saan po, ma'am?" Tanong ni Tom.

"Isusulat niyo ang pangalan niyo doon at section. Tapos kapag magpapa-recitation ako, bubunot or pipili na lang ako mula sa index cards kung sino tatawagin ko."

Halos mapasinghap kaming lahat at kaniya-kaniyang labas ng komento.

"Hala, ma'am."

"Kakatakot naman."

"Atay ako nito."

Pumunta na si ma'am sa harapan at inilagay sa mesa ang mga nakolekta na niyang homeworks namin. "Oh bakit? Anong nakakatakot? Eh magre-recite lang naman kayo, hindi naman ako kumakain ng estudyante," natatawang sabi ni ma'am. "Saka isa pa, malaki ang maitutulong ng index cards niyo para makita ko kung sino-sino pa ang hindi pa nakaka-recite. Alalahanin niyo na may points din ang pagre-recite."

Kaso umaangal ang karamihan sa amin.

"Basta. Next meeting, magdala kayo ng index card. Yan ang next assignment ko sa inyo."

Wala nang nagawa ang klase namin.

"Oh sya. Since wala pang index card, sinong gustong mag-volunteer mag-recite ngayon? Ire-recite niyo kung ano ang mga naalala niyo sa homework niyo. Tingnan ko kung kayo ba talaga gumawa ng homework niyo o baka sakto lang na kinopya niyo lang sa Google."

Agad na nagtaas ng kamay si Steven. Napalingon kami agad sa kaniya. Naka-smile pa siya na tila excited mag-recite.

"Aba, rerecite na siya," ani Mark kay Steven.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paminta and SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon