Chapter 2

110 9 5
                                    

Kinagabihan, nag-online ako sa Facebook at tiningnan ko ang group chat namin ng section okra. Marami na sa kanila ang nagpa-enroll na. Yung ilan naman ay bukas o sa mga susunod na araw basta ngayong week. Habang sila Rose Ann at Maria, talagang sa first day of school pa sila magpapa-enroll. Nag-chat ako habang maingay sila sa group chat.

Trisha Gonzaga
[Nagpa-enroll na ako kanina.]

Marami agad ang nag-seen. Ngunit walang may nag-reply. Naging tahimik sila bigla. Kinabahan tuloy ako. Kung sa personal lang ito, ramdam ko ang mga seryosong tingin nila sa akin. Yung tipong nagkakatuwaan sila tapos bigla silang lahat lumingon sayo ng seryoso. Shems.

Mga ilang minutong walang may nag-reply. Puro sila seen lang lahat. Ang awkward tuloy. I-unsent ko na lang.

Then nakita ko na 'typing' bigla si Rose Ann.

Rose Ann Pablo
[Bakit ka nagpa-enroll ngayon? (emoji)(emoji) ]

Yung emoji na gamit niya is yung naka-smile na parang creepy tapos kutsilyo. Huhu. Katakot naman niya.

Trisha Gonzaga
[Sorry. Nagaalangan kasi ako na magpa-enroll sa first day of class. Hindi ako sanay magpa-enroll ng late. Sorry talaga.]

Then nag-seen lang silang lahat. Nang magseen si Maria, siya ang nag-reply.

Maria Agres
[Ayos lang. Nakapagpa-enroll ka na pala. (sad face emoji) ]

Huhu. Sorry talaga sa inyo. Hindi talaga ako sanay na magpa-late enroll.

After siguro ng five minutes, biglang nag-reply na ang karamihan. Tinadtad na nila ako.

Nancy Enacay
[Wag ka kasing matakot, Trisha. Late enrollee ka lang naman kung sa first day of school ka pa magpa-enroll. Hindi ka pa mamamatay.]

Pauline Magsilong
[Trueee. Dapat naghintay ka lang. Andiyan naman sila Rose Ann at Maria na makakasabay mo e.]

Kevin Capranca
[Ano ba kayo. Alam niyo namang mabait at masunurin sa kung anong itinakdang deadlines iyang si Trisha. And bad influence niyo---natin pala. HAHAHA.]

Tom Molina
[Asahan na lang natin na mapupunta sa first section si Trisha.]

Mario Solamo
[Hays. Sayang. Mukhang wala na tayong source of answers.]

Napakamot na lang ako sa ulo ko habang binabasa ko ang mga chat nila sa group chat.

Maria Agres
[Kung mapunta man si Trisha sa ibang section, baka pwede tayo makagawa ng paraan na mailipat siya. Diba?]

Rose Ann Pablo
[Yah yah. Sino nga pala kasama mo sa pag-enroll @Trisha?]

Trisha Gonzaga
[Si Dominic.]

Actually, nag-aalangan ako na sabihin. Alam naman natin na hindi talaga magkasundo ang section namin dati na okra at ang special section.

Rose Ann Pablo
[Ayooooon. Kasalanan niya 'to!]

Angelica Almocera
[Tama tama! Kasalanan ito ni Dominic!]

Darwin Ignacio
[Oo nga. Paniguradong pinilit niya si Trisha na mag-enroll kanina para mailayo niya siya sa atin.]

Trisha Gonzaga
[Uy hindi ah.]

Napaangal ako agad. Hays. Heto na naman tayo.

Paminta and SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon