Chapter 9

79 4 0
                                    

"Oi! Sino nga ulit yung magkokolekta ng papers?" Rinig kong tanong ng isa kong lalaking kaklase.

Magtataas na sana ako ng kamay nang may magsalita. "Si Trisha. Dito oh," sagot ni Madilyn sabay turo sa akin.

Napatingin sa akin ang lalaki at napangiti. "Ay oo. Siya nga. Heto na papel ko," aniya habang palapit sa akin.

Hanggang sa sunod-sunod na ang mga nagbigay ng kanilang papel.

Binigyan kami ng activity kanina ng isa naming guro at ngayong 4pm ang deadline. Isa siya sa mga naging guro ko last school year at nakilala niya ako na dati akong secretary ng section okra. Kaya nung magbigay siya ng activity at need ng magkokolekta, pangalan ko agad ang binanggit ng guro namin.

Hindi naman ako umangal.

Ina-arrange ko alphabetically agad ang mga papers while hinihintay ang iba pa para kapag nakolekta ko na lahat, deritso na submit.

"Hello. Andito na papel ko."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Enrico. Ngayong second day lang siya pumasok.

Kinuha ko ang papel niya saka in-insert sa iba pang papers.

Nang matapos na ang lahat at nag-submit na sa akin, saka na ako lumabas ng classroom.

Since maga-alas-kwatro pa lang, siguro ay nasa last period pa ang guro namin. Sabi kasi niya ay may klase siya between 3:00pm to 4:00pm sa Grade 12 HUMSS 4 Luya. Paniguradong andoon pa siya ngayon kaya doon ako pupunta. At hindi naman ako nagkamali, talagang nandoon nga ang guro namin at saktong patapos na ang klase niya. Saktong sakto lang talaga.

Nang lumabas na ako ng classroom ng section luya, napalingon ako sa gawi sa classroom ng section paminta dahil katabi lang. Tahimik pa sa kanila at may guro pa sa loob. Mukhang hindi pa tapos klase nila. Kaya bumalik na lang ako sa classroom namin.

Sakto namang nagswe-sweep na ang mga kaklase ko kaya tumulong na ako.

Mabilis lang naman kaming natapos mag-sweep since halos lahat tumulong at hindi pa naman ganoong kadumi ang room.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko, tila may nahagip na pamilyar na tao ang mga mata ko sa labas ng bintana. Nang tingnan ko nang maayos, si Maria. Nasa may lobby siya namin at tila may hinahanap sa loob ng classroom namin.

Agad akong lumabas at lumapit sa kaniya. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa kamay.

"Tara. Punta ka muna sa room namin," aniya.

"Bakit? Anong meron?"

Ngumiti siya. "Ipapakilala kita sa adviser namin. Basta. Sama ka muna sa akin. Wala naman kayong klase eh."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin na niya ako papunta sa room nila. Pero hindi naman ako umangal since gusto ko rin naman na pumunta sa kanila kanina.

"Yey! Andito na si Trisha, ma'am!" Sigaw ni Rose Ann na nag-aabang sa may pintuan.

Shemay. Nandito rin pala siya sa section paminta. Huhu.

Pero nakakamiss din siya. Ngayon ko lang siya ulit nakita.

Deri-deritso si Maria papunta sa loob habang hila-hila ako. Nang makapasok kami sa room nila, nagsaya ang mga dati kong kaklase. Tuwang-tuwa sila nang makita ako.

Alam kong nagkita palang kami kahapon pero ang marinig at madama ko ulit ang ganitong energy nila na magkakasama sa loob ng iisang classroom ay talaga nga namang nakakamiss. Yung vibes nila ay talagang kaparehong-kapareho pa rin talaga nung Grade 11 kami.

Nang ilibot ko ang paningin ko, may isa o dalawa akong nakitang tila bagong dagdag sa kanila. Nakatingin sila sa deriksyon ko habang nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Tila pinagmamasdan nila ako.

Paminta and Specialحيث تعيش القصص. اكتشف الآن