Chapter 10

70 5 0
                                    

Thursday na. At sa kasalukuyan ay may guro kami ngayong last period ng umaga. Sa ngayon, nagkikipag-kwentohan lang muna siya sa amin dahil ayaw niya muna simulan ang pagdi-discuss dahil daw nagpapabago-bago pa ang lists of students bawat sections. Sabi pa niya, baka next week pa talaga magsisimula ng pormal ang mga klase.

Mahirap naman daw magturo na nagpapabago-bago pa ang mga estudyante niya. Kaya hihintayin niya muna raw ang final and official list of students ng bawat sections.

Habang nakikinig sa kwentuhan ng guro at ng mga kaklase ko, nagi-scroll ako sa news feed ng Facebook ko. Minsan kasi hindi ako maka-relate sa usapan nila. Yung tipong nagkakatuwaan na sila pero ako hindi ko alam kung anong gagawin kasi hindi ko naman sila magets.

Habang nagi-scroll ako sa Facebook, napansin ko na tila naging tahimik bigla ang paligid. Napalingon ako bigla sa paligid. Saktong lumabas ang guro namin.

Nang tumingin ako sa labas, nakita ko na nakatayo sa labas ng pintuan ang adviser ng section paminta. Nag-usap sila ng ilang sandali ng guro namin ngayon. Mayamaya lang ay bigla akong tinawag ng guro namin.

Napalingon ang mga kaklase ko sa akin.

"Andito si Ma'am Michelle Cinco. Gusto ka niya lang papuntahin ngayon sa room niya dahil nalipat ka na raw ng section, which is sa advisee niya ang section paminta," nakangiting paliwanag ng guro namin.

Unti-unti akong napangiti. Woah. Talagang nilipat nga ako ni ma'am ng section.

Pumasok si Ma'am Michelle at ngumiti sa akin. "Tara."

Tumango ako at agad na binitbit ang gamit ko.

"Swerte talaga ang mga nagiging advisee mo, Michelle," komento ng guro namin. "Talagang sinusundo mo pa."

"Syempre. Para madama nila na welcome sila sa akin," nakangiting sagot ni Ma'am Michelle.

Kumaway sa akin sila Madilyn at Mary Jane na malungkot. Kumaway din ako sa kanila bilang paalam as a classmate. Magkikita pa naman kami pero hindi na as classmates.

Pagkatapos ay tumungo na kami ni Ma'am Michelle sa classroom ng section paminta.

"Wala ka nang ipag-aalala. Lahat ng papers mo, okay na," ani ma'am habang naglalakad kami.

"Thank you po talaga ng marami, ma'am."

Mahinhin siyang tumawa, "You're welcome. Hindi ko kasi nahihindian ang ilang request ng mga nagiging advisee ko. Tapos itong batch niyo pa ngayon ay talagang almost buong section pa ang nag-request. Talagang eager silang makalipat ka ng section papunta sa kanila."

Napangiti ako. "Siguro talagang ganoon lang kami ka-close sa isa't isa," sabi ko. Kahit na minsan nag-aaway noon ang ilan sa amin.

"Trishaaaa," halos sabay-sabay na sumalubong sa akin ang section paminta nang makapasok kami sa room.

Hindi ko na alam kung sino na itong mga yumakap sa akin. Basta ang alam ko na lang ay pinagkumpulan nila ako at ang ingay na. Wala na akong maintindihan sa sinasabi nila dahil sa dami nila at halos nagsisigawan pa.

Mayamaya ay narinig ko ang boses ni ma'am. "Shh. May klase sa kabilang room."

"Sorry po," halos sabay naming sabi.

Tapos nang magkatinginan kami ng mga kaklase ko na ngayon na mga pamintas, nagtawanan kami. Saka ay nag-akbayan kami habang nagpapatalon-talon. Nakagawa kami ng isang malaking bilog habang magka-akbay at nagtatatalon sa tuwa.

"Kompleto na ulit tayo!"

"Solid!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mag-ingay rin. Ang saya lang kasi.

Paminta and SpecialWhere stories live. Discover now