Chapter 3

74 8 8
                                    

Lumipas ang ilang araw hanggang sa umabot na ang naka-schedule kong araw para magbrigada. Papunta na ako ngayon sa school campus. May ilan akong nakakasabay at nakakasalubong na mga kasing-edad ko kagaya sa usual na mga scenario sa ibang paaralan tuwing brigada.

Napahinto ako sa paglalakad saglit nang nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko muna ito at nakita ko na nag-text sa akin si Dominic.


Dominic Michaels

[Ingat ka sa brigada niyo.]


Nag-reply ako sa kaniya.

"Trisha!"

Napalingon ako sa kung sino man ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko sila Steven, Arnold, at Claire sa may gate. Kumaway sa akin si Claire kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Long time no see, Trisha," nakangiting bungad sa akin ni Arnold.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Lapit raw Mark," biglang saad ni Steven na nakatingin sa kaniyang phone.

"Ha?" Kaso hindi siya naintindihan ni Claire.

"Lapit na Mark."

"Malapit na raw si Mark," ani Arnold. "Ayusin mo na kasi pananalita mo, Steven."

"Sorry. Ganito ako lang," ani Steven.

"Ewan ko sayo," kunot noong sabi ni Claire.

"Ayo! Andito na ako. Namiss niyo ko?"

Napalingon kami sa nagsalita. Si Mark. Andito na siya.

"Hindi," deritsong sagot ni Claire.

"Aray naman. Hindi niyo man lang ako namiss kahit kunti? Hindi niyo namiss ang minsan nang nagpangiti sa buong okra?"

"Namiss kita, pre," nakangiting saad ni Arnold. "Namiss ko kagagohan mo."

Ngumiti si Mark. "Yeah! Namiss din kita, pare!" At yinakap niya si Arnold.

Masayang nag-akbayan silang dalawa.

"Akala mo naman hindi kayo nagkakausap sa group chat," ani Claire.

Napangiti ako. Ramdam ko pa rin ang kagaya noon sa Okras.

"Oh! Si Nancy ata yun," ani Claire at may itinuro.

Napalingon kami sa deriksyon kung saan siya nakaturo.

"Si Nancy nga," sabi ko nang makita ko siya na naglalakad na patungo sa deriksyon namin.

Nang mapansin niya kami, nagmadali siya.

"Hello! Hi, Trisha! Hi, Claire! Kyaah," agad niya akong yinakap at si Claire. "Picture muna tayo."

"Jusmeyo. Picture na naman? Hanggang ba naman ngayon adik ka sa kaka-picture?" Ani Mark.

"Wag ka na lang magreklamo. Smile ka na. Sisend ko sa group chat natin," sagot ni Nancy at itinaas na ang phone niya habang naka-open na ang camera nito (front).

Ngumiti kaming anim at saka nag-take ng ilang photo si Nancy. Pagkatapos ay agad niyang sinend sa group chat namin na okras.

"Anim lang tayo?" Tanong ko kay Arnold.

"Oo. Tara na sa loob."

Tumango kami at saka pumasok na sa campus mismo. Sinundan lang namin sila Arnold at Mark. Sila raw maghahanap ng pwede naming mabrigadahan.

Marami kaming nadadaanan na mga nagbribrigada. Mga estudyante ay may ilang mga magulang din.

"Dito tayo," ani Arnold.

Paminta and SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon