Chapter 1

128 11 11
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo rito sa isang bench sa tapat ng isang tindahan. Katapat din ng tindahan na ito ang gate ng mismong paaralan namin sa kabilang kalsada. Maraming mga tao ngayon na labas-pasok sa paaralan naming dahil ngayon ang enrolment. May nakikita akong ilang magulang na kasama ang kanilang anak na siguro'y incoming Grade 7.

Napabuntonghinga ako. Napapaisip ako kung ngayon na ba ako magpapa-enroll o sasabay na lang ako kina Rose Ann at Maria. May plinaplano kasi sila.

May tatlong lalaki na siguro ay kasing edad ko ang lumapit sa akin. May dala-dala rin silang brown envelop. For sure mga nagpapa-enroll din ito.

"Hello po," bati sa akin ng isang lalaki. Medyo cute siya.

Ngumiti ako para hindi magmukhang masungit.

"Hi. Ano po pangalan niyo?" Nahihiyang tanong niya sa akin.

"Trisha."

"Pwede raw pong makahingi ng number? Nahihiya kasing lumapit sayo yung kaibigan namin," sabat naman ng pangalawang lalaki sabay turo sa ikatlo na nakatayo lang at nakatingin sa ibang deriksyon.

Natahimik ako saglit.

Number? Okay. Alam ko na ibig sabihin nito. May Dominic na ako. Tsaka hindi naman ako nagbibigay ng number ko ng basta-basta lalo na sa hindi ko kakilala at sa hindi naman requirement para sa mga importante para sa akin.

Uhm... Paano ko ba sasabihin na hindi pwede? 'Sorry, hindi pwede'? Hindi ako comfortable na sabihin ng ganun.

Nananatiling nakatayo sa harapan ko ang mga lalaki at naghihintay ng sagot.

"Uhm... P-Pasensiya na. Hindi ko memorize number ko. Saka wala sa akin phone ko. N-Nasa boyfriend ko," yun na lang sinabi ko.

"Oww," sabay silang nagreact. "Sige po. Pasensiya na," ani ng unang lalaki.

"Sige po, ate. Salamat po. Mauna na po kami," paalam ng ikalawa.

Habang ang ikatlong lalaki naman ay awkward na ngumiti at saka siya hinila ng dalawa niyang kasama palayo.

"May jowa na pala," rinig kong komento ng pangalawang lalaki habang naglalakad sila palayo.

Nakahinga ako nang makalayo na sila. Nasa bulsa ko talaga ang phone ko hehe.

Nagpalinga-linga ako sa paligid kung nandto na ba si Dominic. Hinihintay ko kasi siya. Actually malapit na siya kanina rito kaso bumalik muna siya sa bahay nila kasi nakalimutan niya ang isa pa niyang paper na requirement sa pagpapa-enroll.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at chineck ang messages sa phone ko at sa Messenger ko. Nakaraming chat na pala si Dominic sa akin. Puro panghihingi ng sorry kasi naghihintay ako rito at on the way na raw siya pabalik.

Magre-reply na sana ako nang marinig ko boses niya. "Trisha, sorry."

Napatingin ako sa harapan ko at bumungad sa akin si Dominic na nakatayo. "Pasensiya na talaga sa paghihintay," aniya.

Tumayo ako. "Kanina ka pa ngso-sorry sa chat. Ayos lang."

Huminga muna siya ng malalim. "So, tara na. Paenroll na tayo," yaya niya.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Bakit? May problema ba?"

"Ano kasi... Nagaalangan ako kung ngayon ba ako magpapa-enroll o sasabay na lang kina Maria."

Bahagyang naningkit ang mga mata niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan ko siya sa braso niya at bahagyang hinila siya palapit pa sa akin nang makita kong may dadaan---para mabigyan sila ng sapat na madadaanan since maraming tao rito sa may tindahan. "May plano kasi sila Rose Ann at Maria na magpapa-late enroll sila para kaklase pa rin daw nila yung mga kaklase namin sa Okra."

Paminta and SpecialKde žijí příběhy. Začni objevovat