Chapter 8

60 4 3
                                    

"Hello, everyone. I am Trisha Gonzaga, 17 years of age. Last school year, nasa section Okra ako. Transferee din po pala ako nung Grade 11," pakilala ko.

"Hmm. Okay. Tell us more about yourself, Miss Trisha Gonzaga," sabi naman ng guro namin ngayon.

Muling nabalik ang tingin ng buong klase sa akin. Shemay. Kitang-kita mo talaga na nakikinig talaga sila.

Napakamot ako sa ulo ko. "Uhm... Ma'am, wala po akong... maisip kung ano sasabihin. Wala naman po kasing ganung interesting na info about me."

Napatango si ma'am at napaisip. Medyo hindi ako kinakabahan sa teacher namin ngayon dahil may pagka-mahinhin siya. Mukhang mabait. Mas kinakabahan ako sa mga tingin ng kaklase ko. Kasi naman, ang seryoso talaga nilang nakatingin sa akin.

"Okay, tell us na lang about sa hobbies, favorites, at kung ano ang gusto mong maging in the future. Para mas makilala ka namin," nakangiting sabi ni ma'am.

Tumango ako at saka nag-isip. May pa-tell us about yourself pa kasi itong pagpapakilala ni ma'am eh. Basta talaga may tanong na ganito, napapaisip ako kung ano ako. Like parang hindi ko kilala sarili ko.

"Uhm... My hobbies are..." Napahawak ako sa batok ko. Shems, ano nga pala hobbies ko? Mag scroll sa Facebook? "Ay wag na lang pala. Wala akong maisip kung ano hobbies ko eh," bawi ko.

Natawa ang mga kaklase ko. Natawa rin ako sa sarili ko.

"Sige sige. Wag kang kabahan. Relax lang," natatawang paalala ni ma'am sa akin.

"About na lang sa kung ano ang plan ko for the future. Hindi ko pa po alam kung anong kurso ang kukunin ko talaga sa college. Siguro mag-explore lang muna ako while nandito pa ako sa senior highschool."

Nagpatango-tango ang mga kaklase ko.

"That's a good plan. E-explore niyo sarili niyo ngayon sa iba't ibang fields para malaman niyo kung ano ang kukunin niyo sa college," pag-sang-ayon ni ma'am. "Thank you, Miss Trisha Gonzaga. Okay, next. Please introduce yourself."

Umupo na ako at nakahinga ng maluwag. Sa wakas ay tapos na. Ngayon ay ang susunod na na-row ang magi-introduce.

Second day na ngayon ng klase. Yung kahapon, isang teacher lang ang pumasok at nagpakilala. At siya pa ang adviser namin sa section na ito. Maliban din sa pagpapakilala kahapon ng adviser namin, idiniscuss din niya kahapon ang classroom rules niya mula sa paglilinis, pag-maintain ng classroom, at kung ano-ano pa. Yun lang.

Ngayon naman, siguro nga ay papasok na ang mga guro pero more on introduce yourself lang siguro gagawin.

Nagtuloy-tuloy ang pag-introduce ng kani-kanilang sarili ang mga kaklase ko hanggang sa maubos kami at saktong nag-time. Since first period pa lang namin iyon, nanatili lang muna kami sa room namin habang hinihintay ang susunod na guro kung papasok man.

Dala ko na ang phone ko ngayon kaya nag-scroll lang muna ako sa Facebook habang naghihintay. Mga ilang minuto ang lumipas.

"Uhm... Hi, Trisha."

Napatingin ako sa kaklase kong babae na naka-upo sa unahan ko. Nakangiti siya sa akin. Sa pagkakaalala ko, Madilyn pangalan niya.

Ngumiti rin ako sa kaniya. "Hello."

"Nacu-curious lang ako---" naputol ang sasabihin niya nang biglang sumingit naman ang babae na nasa unahan naman niya nakaupo.

"Actually kami. Nacu-curious kami." Si Mary Jane ata pangalan niya.

Napakurap ako. "A-ano---ba-bakit?"

"Kayo ba ni Dominic dun sa Special Section? I mean, may nababalitaan kami na may girlfriend na si Dominic pero hindi namin talaga alam kung sino or ano pangalan," tanong ni Madilyn.

Paminta and SpecialWhere stories live. Discover now