Chapter 12

33 2 0
                                    

Monday. Medyo nakakatamad gumising ng maaga. Medyo nasanay kasi ako nitong summer vacation na talagang tirik na ang araw ako nagigising lalo na kung Lunes. Anyway, wala na akong magagawa dahil balik eskwela na. Kailangan na talagang bumangon ng sobrang aga.

"Wow! May TV!"

"OMG. May ikinabit na TV sa room natin? Sure ba yan?"

"Hala um-improve tayo. May TV na!"

Yan ang ilan sa mga narinig kong komento ng mga kaklase ko nang makapasok na kami sa classroom galing sa flag ceremony. Halos lahat kami nakatingin sa nakakabit na TV sa may bandang taas ng blackboard.

Mayamaya ay dumating na si Ma'am Michelle. Dumeritso siya sa unahan nang mapansin niya na nakatingin kami sa TV na parang first time lang makakita.

"Good morning, class," bati niya sa amin.

"Good morning, ma'am."

"Kitang-kita na talagang naagaw ang pansin niyo sa TV na nakakabit dito sa taas ng blackboard no?"

"Yes, ma'am. Ikaw po ba nagpakabit niyan?" Tanong ni Niño.

"Hindi. Ang paaralan mismo," sagot ni ma'am. "Hindi rin ako ang bumili nitong TV. Bigay iyan mismo ng DepEd. At halos lahat ng classrooms dito sa buong paaralan ay binigyan at kinabitan ng TV. Maliban sa mga special sections dahil sila-sila na mismo ang nagpro-provide ng mga gusto nila."

Napatango kami. So lahat pala ng classrooms ay may ganitong TV na pala.

"At hindi lang paaralan natin ang binigyan ng ganitong mga TV. Maraming paaralan din dahil unti-unti na nating ina-adapt ang paggamit ng technology sa pag-aaral at pagtuturo. Since marami na ang gumagamit ng powerpoint sa pagre-report, mainam ang TV na ito para mas mapabuti ang reporting. Kung may mga learning materials naman na digitalized, pwede na naming ipakita sa inyo gamit ang TV."

"Ah. Ibig sabihin, kahit hindi na kami magsulat sa manila paper ng mga ire-report namin?" Tanong ni Rose Ann.

Tumango si ma'am. "Yes. Basta may powerpoint kayo. Pero depende pa rin iyan sa mga guro ninyo kung ano ang ipapa-require nila."

"Hay salamat naman. Hindi na ako mahihirapan na mabasa yung mga nakasulat sa manila paper na ang liliit tapos minsan parang kinahig pa ng manok yung pagkakasulat," komento ni Mark.

Natawa kami sa sinabi niya.

"Ang main na gamit ng TV na ito ay ma-enhance at for convenience para dito sa paaralan. Ma-enhance like pagpapakita ng mga video ang photos para mas ma-visualize ninyo ang tinuturo which is very helpful para sa mga visual learners. Mga ganun."

Nagtaas ng kamay si Claire. "Uhm. Ma'am, what if po vacant time namin, pwede po ba kami niyan gumamit?"

Napapitik ng kaniyang mga daliri si Joel. "Ay oo nga! Like manonood po kami ng mga movies."

Tumango si ma'am. "Pwede."

Nagsaya kami sa isinagot ni ma'am. Syempre, ibig sabihin nun ay mayroon na kaming magagawa maliban sa kakaselpon at kakachika para iwas bored.

"Pero make sure na vacant time niyo talaga. Make sure din na hindi kayo makaka-istorbo sa ibang classrooms. At hindi palaging gagamit ng TV. Baka mamaya halos buong araw niyo nang gamitin itong TV," paalala ni ma'am. "Dapat maalagaan niyo itong TV dahil sa DepEd mismo ito. Dapat mag-last ito ng ilang years dahil hindi lang ito para sa inyo. Ang main na gamit nito ay para sa pag-aaral ng mga estudyante."

"Yes, ma'am."

"Sige. Ngayon naman, gusto ko kamustahin kung lahat na ba ay may foot rug?"

Halos lahat kami ay sumagot at lahat naman ay may foot rug.

Pagkatapos ni ma'am ay sakto naman dumating ang guro namin para sa first subject ngayong umaga. Hanggang sa nagsunod-sunod na. Talagang nagsimula na ang klase dahil may final lists of students na ang lahat ng sections.

***

Halos wala kaming naging vacant time maliban sa recess at lunch time. Maghapon na mga discussions lang. Magkasabay kami ni Dominic nang mag-uwian.

"Tinanong kami kanina kung ano-ano ang mga naaalala namin na mga lessons last school year. Kaso wala akong halos maalala sa mga lessons. Scores ko nga sa mga exam halos makalimutan ko na after a week, yung lessons pa kaya na months ago na," kuwento ko na may halong pagbibiro.

Natawa siya.

Kasalukuyan kaming nasa park habang kumakain ng fishball. Nakaupo lang kami sa isang bench dito sa park. Marami-rami ring mga studyante ang narito na galing sa iba't ibang paaralan.

Nagkwekwetuhan lang kami rito ni Dominic habang kumakain ng mga street foods. Hindi ko na alam kung gaano karami nakain ko habang kung saan-saan naman napapadpad usapan namin.

"Sya nga pala, busy ka this weekend? Sa Saturday to be exact," tanong niya sa akin.

"Hmm. Hindi."

"Uhm... Naalala mo yung kinwekwento ko sayo na movie?" Tanong niya ulit sabay subo ng isang fishball.

"Ah. Yung favorite mo? Yung may detective tas yung isa parang clown yung personality?"

Natawa siya at tumango. "Nag-release na kasi ng season 2 tapos showing siya this week. So, gusto ko sana manood sa cinema... na kasama ka."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Movie date tayo this Saturday?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Agad akong tumango. "Sure sure."

May isang movie siya na talagang favorite niya. Minsan niyang kwenekwento sa akin. Dahil kay Dominic, nanood din ako ng movie na yun at nagustuhan ko rin. Kaya for sure excited na siyang mapanood ang season 2 nun.

"Alam mo ba na magbubukas ang Granpaul ng bagong special section next school year?" Aniya.

Umiling ako at ngayon isinubo ang huling fishball na nasa plastic cup ko.

"Magkakaroon ng bagong special section next school year. Para daw sa TVL track. Kasi talagang marami nang nag-request na mga special section ng junior high na magkaroon na ng special section din sa TVL, para sa mga may gusto na mag TVL sa senior high."

Napa-isip ako. Oo nga. Parang kaming HUMSS pa lang ang naririnig ko na may special section sa senior high. Or baka meron ang ibang strand kaso wala lang talaga akong pake.

Napakibit balikat ako sa naisip ko at napalingon sa lalagyan ng fishball na hawak ni Dominic. May natitira pa siyang dalawa. Agad kung tinusok ang isa at kinain.

Natawa siya sa ginawa ko at nahinto sa sinasabi niya. "Kulang pa sayo?"

Tumango ako habang ngumunguya. "Isa pa," sabi ko sabay turo sa street food vendor na malapit sa amin.

"Nakarami ka na," paalala niya.

"Minsan lang naman. Sige na."

Napailing siya. "Last na ha. Hindi maganda na ganun karami nakakaing mga ganito."

Tumango ako. "Last na talaga."

Tumango siya na parang napipilitan saka binilhan ako. Sorry naman. Ngayon lang naman eh. Napasarap lang sa kain ng street foods.

"Last na talaga yan ha," aniya habang iniaabot sa akin ang pagkain na binili niya.

Natawa ako. "Oo nga. Promise."

*****

Paminta and SpecialWhere stories live. Discover now