"Maupo muna kayo dyan. Kukuha lang ako ng maiinom niyo." Sabi ko naman sa kanila saka sila naupo.

Nag tuloy naman ako sa kusina saka ako kumuha ng maiinom nila.

"San mo dadalhin yan.?" Biglang tanong ni jacob. Nagulat naman. Bigla lang kase sumulpot sa likuran ko. May pinto pa kase dito sa may kusina papunta sa garden.

"Kay khella." Maikling sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Eh bat ang dami niyan kong kay khella yan.?" Tanong niya pa. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Kasama niya si jiro saka si erzo at chad." Sagot ko sa kanya. Lalo naman sumama ang mukha niya.

"Si khella nag invite sa kanilang tatlo. Nagulat din ako na nan dito sila." Pag sisinungaling ko naman.

"Siguradohin mo lang. Malilintikan ka pag ikaw mismo nag aya sa kanila." Sabi niya pa. Napalunok naman ako ng wala sa oras. Nakakatakot talaga ang isang to.

"Pahalik nga ako. Napapagud na ako kakabuhat ng mesa." Sabi niya naman. Umiling naman ako sa kanya. Napakunot noo nanaman siya.

"Ano kaba. Nan dyan si mama sa mga pinsan ko." Mahinang sabi ko naman sa kanya. Pero bigla niya naman ako hinapit sa bewang ko ang walang sabi na hinalikan ako sa labi, pero mabilis lang naman.

"Don kaya kayo sa kwarto." Biglang sabi naman ni mama. Kaya nahampas ko si jacob sa braso niya pero si loko tumawa lang.

Dinala kuna sa sala ang mga inumin, nag dala rin ako ng cake. Saka ako naupo sa tabi ni khella.

"Pag nag tanong ni jacob kong sino nag aya sa kanila sabihin ko ikaw ha." Mahinang sabi ko naman kay khella kaya napatingin siya sakin.

"Malalagot kase ako kay jacob pag nalaman niya na ako nag aya sa kanila." Dugtong ko pa.

"Yan tayo eh. Ako nanaman mapapagalitan non." Sabi naman niya.

"Hindi yan. Saka sinabi kuna naman sa kanya na ikaw eh." Sabi ko pa saka ako nag peace sign sa kanya.

Lunapit naman samin si kuya alex habang may tinuturo sa labas.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nan dyan na sila." Sagot niya naman.

"Sinong sila?" Tanong ko pa sa kanya.

"Mga kaibigan ko." Sagot niya saka ito ngumiti.

"Paki ko sa mga kaibigan mo eh hindi ko naman mga kilala yan." Mataray na sabi ko naman sa kanya.

"Pero si marro kilala mo diba.?" Tanong niya naman.

"Naka chat ko lang siya ng isang beses tapos wala na." Sagot ko sa kanya.

"Tsk. Lumabas ka muna kase kahit saglit lang." Sabi pa ni kuya alex. Kaya inis naman ako na tumayo. Pero sumilip muna ako kong nan dyan si jacob.

"Mabilis lang ako. Baka makita ako ni jacob malalagot ako don." Sabi naman kay kuya alex. Umakbay naman siya sakin pero inalis ko agad ang kamay niya.

"Oo mabilis lang." Sabi niya naman.

Nan dito na kami sa may garden. Napatigil pa ako dahil baka nan dito si jacob kase nga diba sila nag aayos dito. Napansin naman ako ni kuya alex kaya lumapit siya sakin at umakbay nanaman. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya inalis niya naman ang kamay niya.

"Hey mar." Tawag ni kuya alex sa isang lalaki na maputi. Oo maputi siya ang mabalahibo ang braso. Makapal din ang buhok na kulay itim. Humarap naman ito samin at whaaaa ang gwapooo... Ehem wag pahalata baka mapansin niya nakakahiya.

"Ito yong sinasabi ko sayo na pinsan ko si red." Biglang sabi naman ni kuya alex kay marro.  Ngumiti naman ito sakin. Na lalo naman nag pagwapo sa kanya.

"Diba nabanggit mo siya sakin dati kong may kilala ko siya. Sabi ko sayo oo kase pinsan ko siya pero hindi ka naman naniwala kaya ayan hinarap kuna siya sayo." Sabi pa ni kuya alex sa kanya.

"Hi!" Biglang sabi nito sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito. Mag sasalita na sana ako ng may bigla nanaman umakbay sakin. Tumingin ako kay kuya alex saka ko siya sinamaan ng tingin pero umiling naman siya sakin kaya tumingin ako sa kabila ko at nakita ko ang galit na galit na mukha ni jacob. Napalunok naman ako ng laway saka ko binitawan ang kamay ni marro.

"J-jacob.." kinakabahang banggit ko sa pangalan. Lumapit naman siya sakin saka bumulong.

"Hon! Hindi Jacob." Inis na sabi niya. Inalis niya pagkakaakbay niya saka pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Kilala mo ang mga to.?" Tanong niya.

"Mga kaibigan siya ni kuya alex." Sagot ko sa kanya.

"Bakit mo naman pinapakilala ang asawa ko sa ibang lalaki.?!" Tanong naman ni jacob kay kuya alex na halatang may inis sa tuno ng boses nito. Napahawak naman ako sa damit niya kaya napatingin siya sakin.

"Ayoko makitang lumapit pa ulit kayo sa asawa. Baka ano pa magawa ko sa inyo.!" Galit na sabi pa ni jacob sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako nito papasok sa loob. Tinawag pa ako ni khella pero tuloy lang kami hanggang makapasok sa kwarto ko. Nilock niya pa ang pinto saka ako nito tinulak sa kama kaya napahiga naman ako. Kinakabagan naman ako na naka tingin sa kanya.

"Diba akin ka lang.!" Galit na sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.

"Eh ano yong nakita ko? Nakikipag landian ka sa ibang lalaki!?" Galit na tanong niya pa. Napapalakas na rin ang boses niya. Umiling ako sa kanya.

"H-hindi sa g-ganon. Mali yang iniisip mo." Nauutal na sagot ko naman sa kanya. Ito na nga bang sinasabi ko.

"T*ng'in* naman red. Nahuli kana mag sisinungaling kapa!" Sabi niya pa.

"Jacob hindi ako nakikipag landian. Pinakilala lang siya ni kuya alex sakin." Sabi ko naman da kanya.

"Eh g*g• pala yang alex na yan eh. Bakit ka ipapakilala sa ibang lalaki eh alam niya naman na gf kita. Nag iisip ba siya o sadyang wala siyang utak kaya hindi niya naisip yon!?" Tanong naman naman. Hindi naman ako naka imik.

"F*ck!" Inis na sabi niya pa. Tama naman siya. ako naman to si tanga hindi rin nag iisip. Napatakip nalang ako sa mukha ko. Pag alis ko ng kamay ko sa mukha ko naka bihis na siya ng unipormi niya sabay kuha sa gamit niya at helmet niya.

"Mag landi ka kong gusto mo. T*ng'in*ng yan." Sabi niya sabay bagsak ng pinto at nawala na siya sa paningin ko. Napadapa nalang ako sa kama ko at hindi kuna napigilan ang luha ko.

Wala akong magagawa kong aalis siya. Kasalanan ko naman talaga.

•••••••
Itutuloy.....

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now