Chapter 28: Stress

Start from the beginning
                                    

Actually, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi sa'kin ni Hagrid kanina. It might be very painful for her that she can't even have her own child. She sacrificed her future with Mr. Hagrid. Okay na sana ang lahat pero may kulang pa'rin.

"T-thank you for everything, Ate Faeya and Kuya Hagrid." she smiled and caressed my forehead to the top of my head.

"It's nothing. We would do anything for you, Mimi. Now sleep." she hummed again kaya napapakit ako kasi inaantok na'ko. Masarap pa ang simoy ng hangin. I liked the weather today kasi maaraw at mahangin. A perfect combination para makatulog ka. The weather here is different compared to Zuren Kingdom na taglamig.

I noticed that they both gave me the attention and love that I never had even in my previous life. Then, my father in this world is a piece of shit and on top of that, I have never met my mother. I know that she loves me but still... hindi ko siya nakita at naramdaman man lang ang pagmamahal ng isang ina.

Anyway, hindi naman sa sinasabi kong nagkulang sa'kin ang mga dati kong mga magulang pero they're always busy. Lumaki akong mga maids ang mga kasama ko sa bahay. Oo, my mother wants to have a simple life pero hindi niya pa'rin pwedeng pabayaan ang sariling negosyo niya at tulungan si daddy sa pagpapatakbo ng business nito. Dahil doon paminsan minsan ko lang sila nakikita at ang nagiging kapalit naman ng oras nila sa'kin ay lahat ng gusto ko ay binibigay nila but that's not enough.

"Mimi... Mimi gising na." Nagising ako nang may maramdaman akong tumatapik sa mukha ko. I stretched bago umupo.

"Where are we?" Napasilip ap ako sa labas at papalubog na ang araw.

"We're in Lumien. Dito muna tayo magpapalipas ng gabi bago tayo magpunta sa capital city. Plus... I want to show you how beautiful the parade is in this place!" She excitedly said while fixing my hair.

"Done! Tara na maghanap muna tayo ng makakainan. Hagrid already left to find some place for us to stay."

"Okay."

Lumabas kami ng carriage at naglakad. Wala namang masyadong bago sa lugar na ito pero kapansin pansin na maraming nagtitinda rito ng mga lantern na may ibat ibang laki at design.

Napahikab ako. Inaantok pa ako kaya medyo nalulutang ako at hindi namamalayang kanina pa nagsasalita si Ate Faeya.

Pumikit ako saglit pero may bumangga sa akin kaya ako napaupo. "Aray ko po!" Yung pwet ko ang sakit! Kitang kagigising ko lang eh!

"I'm sorry, Young Miss. Hindi kita napansin."

"Mimi! Are you okay?" Tinulungan niya akong tumayo. Tiningnan ko naman itong batang bansot na hanggang balikat ko lang.

"Watch where you are going kid! Are you blind? Ang lawak lawak ng side walk tapos nagawa mo pa akong banggain?" Hinawakan ako ni Ate Faeya sa balikat maybe to stop me.

"Sorry talaga. Nagmamadali kasi ako." Nakayuko lang itong bata na may mga hawak na libro.

"So what? Nagmamadali rin kami!" Nag-cross arms ako.

"Mimi! Behave ka. Don't be mean to other people especially hindi naman niya sinasadya ang nangyari."

"Pero-"

"Hindi ka ba nahihiya? Marami nang nakatingin sa'tin. Mind your reputation, Mimi," bulong niya sa'kin. Napatingin ako sa paligid at marami ngang nakatingin sa'min. Inirapan ko na lang sila. Hala sige! Manuod pa kayo wala naman kayong mapapala sa'kin, tch!

"I don't care. Kahit lumabas pa mata nila at lumaki ang tenga kakatsismis. Can't they just mind their own business?" Bulong ko rin. Nawala tuloy antok ko hays. Kahit saan talaga hindi nawawala ang mga tsismosa at tsismoso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as a Shameful NobleWhere stories live. Discover now