Chapter 9: Punishment

12 0 0
                                    

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

"Wake her up," ani ng babaeng nakaupo sa madilim na sulok ng silid.

Mabilis namang tumalima ang isang lalaki't kinuha ang isang timba na may lamang malamig na tubig sa isang tabi saka ito ibinuhos sa walang malay na si Misty.

Mabilis pa sa alas kwatrong nagising ang dalaga dahil sa lamig ng tubig na naramdaman. Hindi kaagad siya nakagalaw at naramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng paa't kamay sa inuupuan.

Nang mapamilyaran ni Misty ang paligid ay kaagad itong kumalma. Pamilyar na siya sa lugar na 'to, at hindi niya inaasahan na makakabalik siya rito. Napatungo ang dalaga at lihim na napangisi.

"Alam mo naman siguro kung bakit ka nandito, Jack." Napa-angat ng tingin si Misty sa madilim na sulok ng silid.

Hindi na siya nagulat nang maaninag niya mula sa dilim ang napaka-pamilyar sa kanyang tao. Walang mababasang emosyon sa mukha ng ginang na kaharap ni Misty, dahilan para mapagtanto niyang hindi basta-bastang parusa ang matatanggap niya ngayong araw.

"Ilang araw palang ang lumilipas, Jack, and here you are again," ani ng ginang na tumayo sa pagkaka-upo sa mono block. Lumapit ito sa lamesang nasa gilid at kumuha ng latigo.

Napalunok ang dalaga't hindi naiwasang mapailing. Nakaramdam siya ng panlalamig dahil sa ibinuhos sa kanya kanina habang sinusundan ng tingin ang ginang na nasa harapan niya. Pinakiramdaman ni Misty ang pagpunta ng ginang sa likuran niya. Hinihintay niya ang paghataw ng latigo sa likuran niya pero ilang segundo ang lumipas at hindi niya ito naramdaman. What's taking her so long?

"Eyes up here, son." Nangunot ang noo ni Misty nang mag-salita ang ginang na halatang hindi siya ang kausap. "This is how you do it."

Nanlaki ang mata ni Misty saka napagawi sa kaliwang bahagi ng silid. Napa-singhal siya nang makita ang taong hindi niya inaasahan. And again, I didn't feel his presence. Gustong matawa ni Misty habang masama ang tingin sa lalaking naka-upo sa isang mono block. Kahit madilim sa gawi ng lalaki'y naaaninag naman siya ni Misty ng walang hirap.

"Hmp!"

Mabilis nagising ang diwa ng dalaga nang bigla siyang hatawin ng latigo. Impit ang bawat daing niya kada hinahataw siya ng ginang. For the first time in Misty's life, she feel humiliated... hindi naman ganito ang nararamdaman niya kahit pa may ibang nanonood sa pagpaparusa sa kanya. Ngunit bakit ngayo'y ganito ang kanyang pakiramdam?

"Now..." Napahinga ng malalim si Misty at naimulat ang mata nang huminto ang paglatigo sa kanya. "You should try it." Napantig ang tenga ng dalaga nang marinig ang sinabi ng ginang.

Mabilis pumaling ang ulo ni Misty sa lalaking nakaupo sa kaliwa niya. Nagtama ang tingin nilang dalawa, pero nauna nang mag-iwas ng tingin si Misty. Napatungo nalang ang dalaga't napangisi. So, minumulat na pala siya. And I am the best example for that, haha. Naikuyom nalang ng dalaga ang kamao dahil sa naisip.

"Maybe next time," ani ng binata. Napaangat ang tingin ni Misty rito nang marinig ang pag-urong ng upuan. "Bring her to me once your done," ani pa nito bago pamulsang lumabas ng silid.

What? Just like that? Hindi naalis ni Misty ang mata sa pintong pinaglabasan ng binata. Hindi siya makapaniwala. She's expecting worst. Alam niya ang pinasok niya, delikado ito't madugo. There's no mercy in this organization, na pati ang sarili niyang magulang ay hindi siya sina-santo.

Napailing nalang si Misty saka ibinalik ang tingin sa ginang na nasa gilid niya. Katulad niya kanina'y nakatitig lamang ito sa pintuang pinaglabasan ng binata. Napangisi ang dalaga ng sa wakas ay makakita na siya ng emosyon sa mga mata ng ginang. She's confuse... just like me.

Dance with the ReaperWhere stories live. Discover now