Chapter 6: Future Wife

30 0 0
                                    

MISTY's POINT OF VIEW

"Ito na nga bang sinasabi ko, Sebastian. Panagutan mo ang anak ng Tita Oliver mo!"

"What?"

"Hoy, mare! Huwag kang OA d'yan!"

"Sabihin mong walang nangyare sa inyo, Seb!"

"Nothing, Ma. Stop overreacting for goodness' sake!"

"Hon, masyado ka naman sa anak natin."

"Tigilan mo ko, Tristan. Ganyan na ganyan ang nangyare sa'kin noon!"

"Mare, kumalma ka nga, hahaha! Wala nga daw nangyare sa kanila!"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng paligid. Napakamot ako sa ulo't naimulat ang mata. Mabilis nagsalubong ang kilay ko nang makita sila Mama at ang magulang ni Seb na mukhang nagtatalo. Nasa dulo sila ng hinihigaan ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko sila Christine at Christian na nakatingin sa mga matatanda. Salubong ang kilay nilang dalawa pero may nababasa akong pagka-mangha sa mata nila. Nakaupo silang dalawa sa sofa na nasa kanan ko.

"Walang nangyare my ass! Ganyan din ang nangyare sa'kin pero tignan mo may nabuong Sebastian!"

What the? Nanlalaki mata kong nailipat ang tingin sa Mama ni Seb, kay Tita Sabina.

"Argh, Ma!" Nalipat naman ang paningin ko kay Seb na nakapikit at hinihilot ang sintido ng noo.

"What? Why don't you tell us the truth then? Tatahimik ako kapag sinabi mo sa'kin kung bakit nasa kwarto mo si Misty kahapon!"

Nanlaki ang mata ko't mabilis gumawi ang paningin ko kila Christine na ngayo'y nanlalaki rin ang mga mata. Shutek, hindi nila pwedeng malaman!

Napalunok ako't napahinga ng malalim bago dahan-dahang umupo. Naagaw ko naman ang atensyon ni Seb na nakaharap sa gawi ko kaya kaagad siyang napatingin sa'kin. Mabilis ko siyang nilakihan ng mata't umiling, itinuro ko pa gamit ng mata sila Christine. Mag-isip siya ng ibang alibi, jusko.

Napahinga siya ng malalim, pero mabilis nagsalubong ang kilay ko nang bigla siyang ngumisi. What the heck is that?

"We are... dating, Ma," aniya habang diretso ang tingin sa Mama niya. "That's why it's just normal to see us both together inside my room," dagdag niya pa. Potah?!

Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Natahimik ang mga tao sa loob ng silid, at tanging ugong lang ng aircon ang maririnig.

Napalunok ako saka binalikan ng tingin si Seb na nakatingin na pala ulit sa'kin. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko habang pinapatay siya sa tingin. Siya nama'y mas lumawak ang pagkakangisi. Anak ng, pinagtitripan niya ba ako?!

"Finally, Misty!" Nabalik ako sa sarili nang marinig ang boses ni Mama. Mabilis siyang lumapit sa'kin dahilan para maagaw namin ang atensyon ng lahat.

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Napatingin ako kay Papa na hinaplos ang buhok ko.

"Okay na po ako," sagot ko rito.

"Misty." Napalunok ako't napatingin sa Mama ni Seb na seryoso ang mukha. "Tell me the truth, are you two dating?" tanong niya habang nakaturo sa anak niya sabay lipat ng turo sa'kin.

"Mare, kakagising lang ng anak ko, kumalma ka," natatawang ani Mama rito.

"Hon, iwan na muna natin sila." Mabilis nahila ni Tito Tristan si Tita Sabina na hindi kaagad nakapalag. Lumabas sila ng silid kasunod si Seb.

"Labas na rin muna kami, Odette." Napatingin ako kila Christine at Christian na parehong nakangisi sa'kin.

Napangiwi nalang ako't tumango sa mga 'to. Nang makalabas sila'y saka ko binalingan ng tingin sila Mama.

Dance with the ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon