Chapter 7: New Member

36 0 0
                                    

MISTY's POINT OF VIEW

"Misty, tawag ka sa studio."

Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

"Oh, Vester," bati ko rito. "Bakit daw?"

"May practice tayo. May program kasi next week para sa mga freshmen. Hindi mo ba nabasa sa group chat?"

Kinunotan niya ako ng noo na ikinakamot ko nalang sa ulo. Hindi na naman pala ako nakapag-open.

"Nakalimutan ko," ani ko rito.

Napailing nalang ito't natawa. "Ikaw talaga. Oh sige, mauuna na ko sayo. May ipapakilala palang bagong members si Madam sa'tin kaya sumunod ka kaagad, ah."

"Sige." Tumango naman ito bago tuluyang umalis.

Ibinalik ko ang tingin kay Christine at Christian na parehong nakataas ang kilay sa'kin.

"What?" tanong ko.

"Hindi ka pa rin nagbubukas ng messenger?" sabay nilang tanong.

"Nakalimutan ko nga dahil sa nangyare sa'kin kahapon." Napairap ako't itinuloy ang pag-aayos ng gamit sa bag.

"Oh, right, muntik ko ng makalimutan. Hindi ka pa nagkukwento sa'min!"

Isinakbit ko ang bag sa balikat at binalikan sila ng tingin. "Anong ikukwento ko?"

"Hello, mare?! Wala kaming kaalam-alam na may something sa inyo ni pres! As in, ni president Sebastian! Ang ating student council president!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Christine.

Mabuti nalang talaga at kami nalang ang tao sa classroom. Uwian na namin at mukhang trap 'tong naiwan ako sa dalawa kong best friend.

"Don't worry. I'll be a good husband to you." I shook my head matapos maalala ang mga salitang 'yon.

Parang naririnig ko pa ang boses niya na malapit sa'kin. Damn. Bakit kasi kailangan pang magsabi ng mga ganong linyahan? Aish!

"Oo nga naman, Misty, bakit di ka manlang nagkwento sa'min? Parang di mo naman kami best friend n'yan, oh." Nalipat ang paningin ko kay Christian na nakanguso na.

Nasapo ko ang noo't napailing matapos makita ang mukha nilang dalawa na nagtatampo. Kung alam niyo lang, guys. I would love to share everything with them, but not this one, not the story behind us. Baka itakwil pa nila ako bilang kaibigan, lalo na ni Christine.

Napahinga nalang ako ng malalim saka lumapit sa kanila't walang salita na yumakap. Ramdam ko ang gulat nila na hindi ko naman pinansin. Kailan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon para sabihin sa kanila ang totoo nang hindi nila ako kamumuhian?

"Oh, tignan mo! Nasa dating stage palang kayo ni Pres pero mukhang broken ka na!"

Nabalik ako sa sarili't natatawang napahiwalay sa kanila matapos marinig ang sinabi ni Christine. Sira talaga 'to.

"Masyado mo namang sinesermonan, Sis. Kaya hindi nagsasabi sa'tin, eh," ani Christian saka ako inakbayan. "Hayaan mo lang kami't overprotective lang kami sayo, Misty. Next time kasi magsabi ka na para di ka nababaril ng isa d'yan," aniya pa na may ngisi sa labi.

Mabilis pa sa alas kwatrong humiwalay sa'kin si Christian at patakbong lumabas ng classroom nang ambahan siya ni Christine ng libro. "Siraulo," bulong nito saka pairap na tumingin sa'kin. "Tara na nga."

Natatawa ko naman siyang sinundan palabas ng silid. Hindi na namin nakita si Christian na paniguradong umuwi na. Dumiretso kami sa building ng faculty at umakyat sa second floor kung nasaan ang studio ng dance troupe.

Dance with the ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon