Chapter 5: Unwell Swan

20 0 0
                                    

MISTY's POINT OF VIEW

"Oh, ang aga mo, iha."

Napatingin ako sa taong pumasok sa kusina. "Good morning, Manang Felly," bati ko rito.

"Gutom ka na ba, iha? Anong gusto mong almusal?" tanong nito matapos maghugas ng kamay.

"Hindi na po, Manang. Kakatapos ko lang din po kumain ng tinapay." Napahikab ako't tumungo sa breakfast bar table.

"Oh, mukhang inaantok ka pa, iha. Hindi ba mamaya pang ala siete ang pasok mo?"

Napahinga ako ng malalim saka sinilip ang wall clock sa kanan ko. 4:30 palang, tsk. Sinadya ko talagang gumising ng maaga kahit late na kaming nakauwi kagabi galing sa homecoming party. Hinihintay ko ang tawag ni Christine dahil inaasahan ko nang ngayon niya mababalitaan ang tungkol sa pagkamatay ni David. Kahit na alam kong hindi 'yon binabalita sa radyo o television, alam kong makakarating 'yon sa kanya lalo na't may koneksyon din ang pamilya nila.

"Maaga po 'kong aalis, Manang," sagot ko rito. "Baka hindi po ako abutan nila Mama kaya pasabi nalang din po n'yan."

"Oh sige, iha," aniya saka itinuloy ang pagluluto.

Hindi ko alam kung nanghihina ako dahil sa guilt na pinatay ko ang ex-boyfriend ng kumare ko o dahil sa puyat mula sa kagabing party. Argh, nonetheless, I need to move. Umayos ako ng upo't dineretso ng inom ang kapeng malamig na.

"Mag-intindi na po ako, Manang," paalam ko rito.

"Sige, iha."

Umakyat ako ng kwarto saka dumiretso ng ligo. Mabilis lang din akong nag-intindi ng sarili pero natagalan talaga ako sa pagpalit ng benda sa braso ko pati na rin ang pagsusuot ng uniform. Kaninang madaling araw pa ang benda na nasa braso ko't si Seb pa ang pinagbenda ko nito bago kami umuwi. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong kila Mama at baka parusahan lang nila ako. Napahinga ako ng malalim nang matapos.

Lumabas din kaagad ako ng kwarto, pero dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ulit ng tinapay at juice. Alam kong gugutumin ako mamaya.

"Manang, alis na po ako. Pasabi nalang po kila Mama, ah."

"Oh sige, iha. Ingat ka!" rinig kong sigaw niya nang makalabas ako ng kusina.

Mabilis akong dumiretso sa parking lot at doon naghihintay ang isang kotse na nakabukas ang likod na pinto. "Sa bahay po ni Christine, Butler Sync," ani ko nang makasakay.

Mabilis din naman kaming umalis at habang nasa biyahe ay kaagad kong tinawagan si Christine. Paniguradong tulog pa 'to. Napailing ako nang dalawang beses ko na itong tinawagan na puro ring lang, hanggang sa pangatlong tawag ko'y doon palang niya nasagot.

"Ang aga mong mangbulabog, Odette!"

Natawa ako dahil sa irita niyang boses. "Papunta na 'ko d'yan."

"What?!" Napangiti ako nang makarinig ng kung anong kalabog sa kabilang linya. "Teka, hoy! 5:30 palang ng umaga!" Mukhang nawala na ang antok niya sa pagkakasigaw palang niya sa'kin.

"So? Malapit na kami sa inyo," ani ko habang nakatanaw sa labas. "Pasabi pabukas nalang ng gate, ah."

"Hoy, Odette, anong pakulo 'to--"

"Ba-bush!"

Natatawa kong pinatay ang tawag saka ibinaba ang bintana sa may kanan ko nang tumapat kami sa may gate nila. "Hello po, kuya!" bati ko sa guard.

"Good morning po, Ma'am Misty! Pasok po kayo!" May pinindot lang siya sa loob ng guard house saka automatic na bumukas ang mataas na gate ng mansyon nila Christine.

Dance with the ReaperWhere stories live. Discover now