CHAPTER 4: Be Careful

19 0 0
                                    

MISTY's POINT OF VIEW

Bumalik ako sa sarili at parang nawala ang sakit na iniinda ko nang marinig ang boses na 'yon. Napamulat ako ng mata't mabilis natulak si Seb paalis sa ibabaw ko saka napatayo ng tuwid.

"Ma!" gulat kong turan.

"Ma!" Napatingin naman ako kay Seb na parang inis ang boses. May kunot ang noo nito habang diretso ang tingin sa tinawag niyang Ma.

Napa-igtad ako nang may kumot na biglang yumakap sa katawan ko. Doon ko lang din napagtantong naka-sports bra nga lang pala ako, saka biglang sumagi sa isipan ko ang itsura namin kanina ni Seb. Potek, for sure iba iniisip ng mga 'to. Napapikit ako ng mariin at lihim na napamura sa sarili.

"What the heck, Sebastian?! Anong ginawa mo sa anak ng Tita Oliver mo?!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng Mama niya.

"Wala po, Tita! Tinulungan lang po ako ni Seb gamutin 'yung sugat ko, kasi na--nabangga po 'ko sa matulis na bagay!" mabilis kong depensa bago pa makapag-salita si Seb.

Napalunok ako't napahawak sa kanan kong braso nang maramdaman ang pag-sakit nito.

"Are you sure, 'nak?" Tinignan ko si Mama saka ito nilakihan ng mata't tinaasan ng kilay. Nalipat naman ang tingin niya kay Seb bago bumalik ulit ng tingin sa'kin. Minataan niya muna ako bago tumango-tango't tinignan ang Mama ni Seb.

"Kaya na nila 'yan, mare. Matatanda na ang mga 'yan! Ay sya, lumabas nalang kayong dalawa, ah. Sinilip lang talaga namin si Seb at dumadami na ang bisita niya," ani Mama na ikinahinga ko ng maluwag. "Halika na, Sabina." Mabilis niyang hinila palabas ng kwarto ang Mama ni Seb saka isinara ang pinto.

Nanghihina akong napaupo sa kama habang hawak pa rin ang kanang braso. "Shutek talaga," bulong ko sa hangin.

Napahinga ako ng malalim. Para akong tinakasan ng lakas sa ginawa kong biglaang pagtayo kanina, tsk. Maling-mali, Misty!

"I'm sorry, I didn't know my Mom will barge in here." Napaangat ako ng tingin kay Seb na hinihilot ang sintido ng ulo niya.

"Ayos lang, uh, pwede mo bang tignan 'yung lagay nito? Ang sakit kasi eh," ani ko habang nakaturo sa kanang braso ko.

Mabilis naman siyang tumalima at sinuri ang likod ng kanang braso ko. "I'll change the gauze, wait here."

Napahinga nalang ako ng malalim at paupong dumapa sa kama. Naramdaman ko naman ang yabag ng paa ni Seb pati na rin ang paglubog sa gilid ko, hudyat na naupo siya.

"Paki-gising nalang ako kapag tapos na, ah," inaantok kong ani rito't hinayaan ang sariling makatulog.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip pero naalimpungatan nalang ako dahil sa presensya sa gilid ko pati na rin sa matang nakatingin. Tuluyan kong naimulat ang mata nang mapagtantong nakaayos na 'ko ng pagkakahiga sa kama.

Kinapa ko naman ang braso ko't doon ko lang din napansin na may suot na 'kong damit, pang-lalaking t-shirt dahil sa luwag nito sa'kin.

"How do you feel?" Umangat ang tingin ko't napabaling sa may gilid nang marinig ang tinig ni Seb.

"Okay na," sagot ko rito. "Kanina mo pa ba ako tinitignan?" tanong ko't di napigilang pagtaasan siya ng kilay. Masyadong malakas ang presensya niya, to the point na nagising niya ako sa pagkakatulog.

"Not long enough." Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa naging sagot niya. Mangha ko itong tinignan dahil hindi ko inaasahang aamin siya. Iba din.

Napailing nalang ako saka bumaba sa kama. "Ilang oras akong nakatulog?" tanong ko rito.

"30 minutes," sagot niya na ikinahinto ko talaga.

Dance with the ReaperWhere stories live. Discover now