CHAPTER 3: Side Hustle

15 0 0
                                    

MISTY's POINT OF VIEW

Pumikit na 'ko at hindi na siya binalingan pa ng tingin dahil lalo lang sumasakit ang tama ko.

"Kung papatayin mo 'ko, diretsuhin mo na sa ulo," ani ko habang iniinda ang sakit ng kanang braso.

Shutek, kung dito lang din ako mamamatay, gawin na niya nang hindi ko na maramdaman ang sakit ng balang nasa loob ng braso ko.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang yabag ng paa nito. Napaangat ako ng tingin nang matanggal ang hood na suot ko, na tinanggal niya.

"Odette," banggit niya pa sa pangalan ko. Tsk, ano 'to, sinigurado lang niya na ako 'to bago niya ako patayin o ipahuli, gano'n?

"Oo, ako 'to. Ako nga 'to, gulat ka?" Nakagat ko ang labi nang maramdaman ang sakit ng braso, shutek talaga. Kunot noo ko siyang tinignan. "Hindi mo pa ba ako papatayin--hoy! Anong ginagawa mo?! Aw!" napadaing ako nang tumama ang braso ko sa dibdib niya.

Binuhat ba naman ako ng timang na pa-bridal style eh talagang mararamdaman ko ng sobra ang sakit ng balang nasa braso ko. Tsk, patayin niya nalang ako!

Napapikit ako nang mariin, pinipigilan ang sariling magmura dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong si President Sebastian, bahala siya d'yan. Masyadong masakit 'tong nararamdaman ko para isipin ang paligid ko.

Naimulat ko ang mata nang ibinaba niya ako sa isang malambot na upuan. Napalibot ako ng tingin at napagtantong nasa isang kwarto kami't nakaupo ako sa gilid ng kama. Nawala si Pres sa paligid pero kaagad din siyang lumabas galing sa isang pinto at may dala ng medicine box.

Kumunot ang noo ko nang ilapag niya sa gilid ko ang medicine box, really?

"Sa tingin mo kaya kong alisin mag-isa 'tong bala sa braso ko?" Hindi ko na napigilang mag-taray. To think na sa likod pa ito tumama, tingin ba nito maaabot ko? Aba'y siraulo 'to.

"It's not my problem, Odette," aniya't tinalikuran ako.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya bago pa siya makalayo, kahit masakit ang nararamdaman ko'y buong pwersa kong ibinato sa kanya ang unan na nakuha. Napahinto naman siya sa paglalakad at humarap sa'kin.

"Siraulo ka, tulungan mo ko," ani ko rito't nilakihan na ito ng mata. Makuha ka sa tingin, Pres. Huwag mo kong bwisitin.

Sabi ko sa kanya patayin niya nalang ako. Dadalhin-dalhin niya ko dito tapos hindi naman pala ako tutulungan sa pagtanggal ng bala at gamot sa'kin. Shutek talaga.

Nangunot ang noo ko nang bigla itong ngumiti ng maliit at may mahinang tawa na kumawala sa bibig niya. Aba'y abnoy din ang isang 'to.

"Alright," aniya saka lumapit sa'kin.

"Marunong ka magtanggal ng bala?" tanong ko rito nang maupo siya sa tabi ko.

Kinuha naman niya ang medicine box sa tabi ko't hinalungkat ang loob nito. "Uh, yeah?"

"Shutek ka, ayusin mo sagot mo."

Narinig ko naman itong natawa habang inilalapag sa kama ang mga kailangan niya. "Don't worry, I know how," aniya pa. "Let me see your right arm."

Dahan-dahan akong umayos ng upo saka tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko na ikina-daing ko naman nang mahawakan niya ang parte kung saan may bala.

"Bilisan nalang natin 'to at baka hinahanap na 'ko ni Christine," ani ko rito habang napapapikit sa sakit ng nararamdaman. "Pakitanggal nalang ng hoodie ko, baka lalo 'tong malagyan ng dugo," dagdag ko pa.

Dance with the ReaperWhere stories live. Discover now