Pagpihit niya ng seradura ay bumungad sa kanya sina Alex Farr, Tristan Simpson at ang direktor na si Direk Anne Avillanoza na pare-parehong abala sa pag-uusap. Agad na ibinaling ng tatlo ang kanilang atensyon nang pumasok siya.

"Here she is. Maupo ka, Jessica," alok ni Direk. May kaunting hiya man ay naupo si Jess sa tabi ng direk habang kaharap naman ang dalawang artista. Para siyang maiihi sa kaba! "I guess you know them," saad ni Direk kay Jess patungkol sa dalawang artista.

Tumango si Jess bilang tugon. Hindi ito ang unang beses na makakakita si Jess ng artista sa mismong harapan niya. Ang kaba marahil na kanyang nararamdaman ay dulot ng takot nab aka ay mapahiya sa harap ng mga ito.

"By the way guys, this is Jessica Stone, the writer for Red Tape 2," pakilala ni Direk Anne. Inabot naman ni Jessica ang kanyang kamay para makipagkamay sa dalawang artista.

"Alam kong alam na ito ni Alex but Red Tape is a movie about real-life monsters. And Jessica had a unique experience of that thing," ani Direk. "Jessica will help me about the scenarios and heavy dramas needed for the movie."

Tumatango naman bilang tugon ang dalawang artista. Samantala, mariing nakikinig lamang si Jess at tahimik na nakaupo. Hindi mapakali ang kanyang mga mata na parehong nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang artista.

Inabot sila ng kalahating-oras sa pag-uusap tungkol sa ilang bagay na kailangang ikonsidera bago simulan ang taping ng pelikula. Masaya si Jess sa kadahilanang wala siyang nararamdamang magiging problema sa shooting.

"So that's all for now," ani Direk matapos ang halos isang oras na pag-uusap.

Muli ay nakipagkamay si Jess sa dalawang artista at kay Direk bilang pasasalamat.

"Thank you. I hope we would create a very well job," nakangiti niyang turan.

Ngumiti naman sa kanya si Alex. "Yes for sure. You were a friend of Celine before. I guess magiging maganda nga ang samahan natin."

Nakaramdam ng kakaiba si Jess – parang may mali. Base sa tono ng pananalita ni Alex, hindi mo malalaman kung isang paunlak o pagbabanta ang pahayag nito. Pinilit na lang niya ang ngumiti upang hindi mapansin ang pagtataka.

Nagpaalam na sa kanya ang mga kasama kanina dahil may mga importante pa itong pupuntahan. Bumalik na siya sa kanyang sasakyan ngunit nakapagtatakang wala na ang nakahandusay na pusa. Naiwan na lamang roon ang natuyong dugo nito na ebidensya ng kanyang pagkamatay.

Naisipan na lang niya na marahil ay kinuha na ng mga janitor ang kawawang pusa at itinapon sa basurahan. Napailing na lang siya at sumakay na sa sasakyan.

Bago sumakay ay naramdaman niya ang panginginig ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa. Pagbukas niya ay isang hindi rehistradong numero ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

"Mag-iingat ka," basa niya sa nakuhang mensahe.

***

"AND this will be a great project," ani Tristan habang nagmamaneho. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay magkakasama muli ang dalawa sa iisang proyekto. Ang una nilang palabas ay talaga namang naging pinilahang-tabing na siyang naging dahilan din upang sila ay sumikat.

Natigilan ito nang mapansing tila wala sa kanyang tabi si Alex – lumilipad ang utak sa alapaap sa kung saan man ito dalhin. "Hey, are you listening to me?" nakakunot-noo nitong tanong.

Bumalik naman sa kanyang ulirat si Alex at umaktong nakikinig sa kanina pang nagkwe-kwentong si Tristan. "Y-yes! Yes. Where are we?"

"Like what I've said, this will surely be a great hit. We will be the greatest loveteam of all time. Isn't great? Maganda 'to para sa career natin pareho" ani ng binata.

Tumango naman si Alex. "Yes. Yes..." maikling tugon niya at saka binaling ang tingin sa labas ng bintana. Tila nasa alapaap pa rin ang kanyang isipan, sumasabay sa agos ng mga tubig sa ilog at tinatangay ng mainit-init na hangin mula sa himpapawid. Wala ang sarili niya sa realidad.

Nag-aagaw kasi ang saya at takot sa kanyang dibdib, saya dahil sa bagong proyektong pagbibidahan ngunit takot dahil sa nakaraang pangyayari kung saan nawala ang bangkay ng kanyang Tiya Jennifer. Isama pa ang mga bantang nakukuha niya.

Malaking eskandalo ang mangyayari kung matutuklasan ng mga pulis ang pagkawala ng kanyang Tiya at tiyak na sa kanya mabubunton ang sisi. Hindi lang 'yon ang kanyang ikinakabahala. Marahil ay maugnay din siya sa pagkamatay noon ni Celine na sa totoo naman ay may kinalaman siya.

Dahil sa kasakiman. Dahil sa paghahangad ng mataas. Ang puno't dulo ng kasamaan ni Alex ay sagad na sagad na.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan, pinapakiramdaman ang sarili kung nasa sariling katinuan pa. Bakit nga ba siya umabot sa ganito? Ah! Alam niya pala ang sagot. Ang tamang tanong ay kung bakit hindi pa rin siya makawala sa masalimuot na mundong ito?

Dahil hinagkan na siya? Dahil ginugusto na niya? Dahil ito na ang buhay niya.

"Here we are," ani Tristan.

Sa tagal nilang bumabiyahe ay wala siyang kaalam-alam sa kanilang pupuntahan. Nagulat na lang siya na nasa kanilang harapan ang isang hotel. Nakaramdam siya na may hindi magandang mangyayari.

"B-Bakit tayo nandito?" tanong niya.

Inilapat ni Tristan ang kanyang kanang kamay sa makinis na hita ni Alex. Hinihimas nito na punong-puno ng pagnanasa ang malambot na parte ng katawan ng dalaga. "Let's just say, quality time," saad nito sa nakalolokong tono.

Napalunok si Alex, kasabay ang pag-iinit ng kanyang katawan na parang naglalagablab na apoy. "I-I'm not ready," kinakabahan niyang sabi.

"Pang-apat na beses na natin itong sinubukan at 'yan na lang lagi ang sinasabi mo. Hindi na ako makapaghintay," anito at saka sinunggaban ng halik ang leeg ni Alex habang hindi inaalis ang malikot na kamay sa hita ng dalaga. Napasandal naman sa bintana si Alex dahil sa sensasyong nararamdaman.

Gusto mang pigilan ni Alex ang makamundong pagnanasa, para pa siyang tinutulak ng nauuhaw niyang katawan na subukan ang makalangit na sarap, sarap na hahanap-hanapin nang sinuman. Napapaiktad siya sa tuwing makikiliti ang kanyang leeg sa mapusok na paghalik ni Tristan.

Nakapanghihina na tila umaagaw ng lakas. Gusto na niyang makawala. Gusto na niyang itigil. Pero paano? Kung pati ang kanyang mga kamay ay siya ring humihila upang lumapit si Tristan sa nauuhaw niyang katawan?

"L-Let's stop this..." nanghihina niyang sabi.

Humarap sa kanya si Tristan at saka ngumisi. "Is that what you really want? Tila iba 'ata ang gusto ng katawan mo?" at saka ngumiti nang nakakaloko.

"Hindi naman tayo, e. Hindi ako isang bayarang babaeng pwede mong kantihin anumang oras," may diin na sabi ni Alex ngunit hindi matitigan sa mata si Tristan. Huminga siya nang malalim at sinubukan ianalisa ang lahat. Hindi niya pwedeng gawin ito dahil pwedeng isa ito sa ikasira ng kanyang pangalan.

"Bababa na lang ako. Maghahanap ako ng taxi," aniya at saka hinawakan ang pinto ng sasakyan.

Bago pa man makalabas ay hinawakan siya ni Tristan. "Hindi pa tayo tapos," at saka bumitaw din pagkatapos.

Sinulyapan na lamang ni Alex ang nakangising si Tristan habang papalayo.

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon