TnE 5: Unang Hakbang

30 4 0
                                    

📖 TUNGKULIN NI ELLAI 📖

|| Unang Hakbang ||

Mahinang tinig ng umaawit ang una kong narinig nang ako'y magising. Nakahiga ako sa malambot na kamang yari sa purong bulak. May ilang sandali kong ninamnam ang lambot nito. Dalawang araw din akong nagtiis sa matigas na damo at lupa roon sa gubat kaya't sinulit ko lamang ito.

Ngunit tila wala yatang balak tumigil ang nakakairitang tinig na kanina pa umaawit. Mabuti sana'y kung kasing ganda ng tinig ng mga ruwisenyor [nightingale] ang kaniya subali't hindi.

"Pwede ba, itikom mo sandali ang iyong bibig? Hindi mo ba nakikita na may taong natutulog? Hindi naman kagandahan ang boses mo," pikit mata at walang paggalaw kong ani. Maya-maya lamang ay may tumama'ng tela sa aking mukha kaya't ako'y napabangon na.

"Ano ba ang problema mo, Aliah!? Bakit nambabato ka ng tela sa mukha!? Gusto mo sa iyo ko ito ibato?!"

Pinandilatan ako ng buntis na si Aliah at ambang ibabalibag sa akin ang tabla na pakiwari ko'y pinaglagyan ng pagkain na kaniyang hawak.

"Eh kung itong tabla ang ibato ko sa mukha ko nang makita mo kung sinong sinasabihan mong hindi maganda ang boses!" asik nito na mas lalong nagpapangit sa kaniya. Mula noong nagbuntis nawalan na ng oras mag-ayos ng sarili, ni hindi man lang sinuklay ang puting buhok na parang hinipan ng hangin.

Tumayo ako sa kamang kinahihigaan at lumapit sa bilog na mesa sa gilid. Nasa ibabaw no'n ang mga pagkaing amoy pa lang ay tinawag na ang aking sikmura.

"Wala naman akong ibang intensyon sa aking sinabi kanina, Aliah. Sadyang nakakairita lang ang tinig mo at 'di magandang pambati sa taong kagigising lang," walang pagmamatamis kong sabi habang kumukuha ng pagkain sa mesa.

"Aba't! Hoy, Ellai! Para sabihin ko sa'yo ay ang ganda kaya ng tinig ko. Ang sabi nga ng mga nasa baryo natin ay napakalamig ng boses ko," bwelta niya pa para lang itaas ang dignidad ng kaniyang tinig.

"Niloloko ka lang nila, Aliah, masyado kang nagpapauto. Ang tunay na malamig ay ang kapangyarihan mong yelo at nyebe at hindi ang tinig mo."

Tinignan ko siya na akala mo'y batang iiyak na. Pinalo niya ang braso ko at kinurot ng sunod.

"Napakatabil talaga ng dila mo! Wala kang katamis-tamis sa iyong katawan!"

Natawa akong mahina at nirolyuhan siya ng mga mata.

"Hindi magandang may tamis sa katawan, Aliah, hindi mabilis gagaling ang iyong sugat kapag puro ka tamis sa katawan." Lalo lamang siyang na bwesit sa aking tinuran.

Totoo naman ah! Dyabetis ang aabutin ng taong puro tamis sa katawan. Ignorante!

"Kumain ka na nga lang diyan dahil napakarami mong kasalanan. Ikaw! Ikaw!" Bigla na lamang niya akong tinadtad ng kurot sa tagiliran.

"A-aray! Bakit ka nangungurot!?" Nalaglag tuloy ang tinapay sa aking bibig. Kanina pa siya.

Pinagmulagatan niya ako ng mata na akala niya'y  matatakot ako.

"Akala mo ba nakakatuwa ang iyong ginawa, ha!? Bakit dalawang araw ka raw nagtago at tumakas dito?! Alam mo ba na pinag-alala mo kami?" mataas ang boses niyang ani. Naninermon na naman ngunit ang mata'y namamasa na.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Ellai? Alam mo na ang sitwasyon mo pero pinipili mo pa ring tumakbo at lumayo kesa humingi ng tulong. Kung hindi ka pa nakita ni Ga'an, ano na lang mangyayari sa'yo? Baka... Baka ang kapangyarihan m-mo'y—"

"Ahh, oo si Ga'an! Bwesit ang lalaking iyon! Pinasinghot niya ako ng usok mula sa pawis niya kaya ako nakatulog! Makakatikim ang lalaking 'yun sa akin!" Nanggigil ako nang marinig ko ang pangalan ng gagong 'yun. Kanina ko pa pinipigil nang magising ako eh, alam ko naman na kung nasaan ako.

Tungkulin ni Ellai [Sansinukob Tales | BL]Where stories live. Discover now