ⓢmⓘlⓘnⓖ_Aⓒe

78 10 0
                                    

♤ To my Aces ♤

Hi everyone! Bago ang lahat, isa munang naglulupasay na pagbati sa inyong lahat! Ito ang inyong hamak but cuteness overload na author na ngayo'y isa nang ganap na diwatang marikit, dalisay, at puro na tambay sa tabing sapa. Yes, opo, ako nga po, ang nag-iisang Smiling_Ace. *palakpakan, everyone*

KIMMY!!

Hoy! Ito na nga, jusko matapos ang mahaba-habang prosesyon finally at nakabalik na muli ang ating bagong uke para sa unang story ng ating [Sansinukob Tales]; ang ating Maaram na may attitude problem, walang iba kundi si Ellai.

Very special sa akin ang story na ito ni Ellai dahil bukod sa ibibigay na lessons ng mga magiging adventures ni Ellai towards his story, lingid na rin sa kaalaman ng ilan sa inyo na ako po ay isang "healer fanatic", opo.

If tatanungin niyo ako kung anong powers ang gusto ko, healing powers po talaga, opo. Kaya sa story po na ito, dito ko po ilalabas 'yung pagiging fan ko sa mga healers na hindi lang pang-suporta kundi pwede ring pangdigma.

Kaya super excited ako sa story na ito at ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na biased talaga ako sa kwento ni Ellai lalo na sa kaniyang character and power development. Ito 'yung pangarap kong matutupad ko sa kwentong ito— ang maging Sacred Healer.

At para nga pala sa maliligaw rito na bagong readers, I highly advice na mauna niyo pong basahin ang ANDRESS. Bakit? Dahil kahit na wala naman na pong kinalaman ang kwento ng mga Book Bearer dito, may mga scenes and characters po kasi na mame-mention sa story na nangyari na sa story ni Andress, 'yun ay dahil sa kontinente ng Istenföld o "Lupain ng mga Bathala" ang setting ng story.

Also, si Ellai rin po, along with other characters here ay malapit o nagkaroon ng encounter kay Andress so mas maganda talaga na mabasa niyo muna ang story ni Andress for better reading experience. Kung ayaw niyo naman, aba problema niyo na 'yan basta ako nasabihan ko na kayo. Huuyy! Nagtaray?

At sa mga dati ko ng mga reader na nag-aabang na ng ilang "siglo" sa Jian: The Last Bearer, mauunawaan niyo rin kung bakit ito ang inuna ko, mga accla. Inuna ko ang story ni Ellai dahil sa timeline ng story niya. Ang pagdating kasi nila Jian sa Sansinukob ay two years after lang ng story ni Ellai so para mas maganda nga ang flow ay mas unahin natin ito para maunawaan ninyo ng husto ang ganap sa JTLB.

Ayon lang, wala naman na akong idadagdag pa bukod sa taos-puso at walang katapusang pasasalamat para sa mga patuloy na sumusuporta. Sa mga OG Aces ko na since day one ay nandiyan na at hanggang ngayon ay nandito pa rin, hindi ko na kayo kailangan isa-isahin pa dahil kilala na ninyo kung sino kayo.

At sa mga bagong Aces ko na naligaw lang at na-enjoy ang pagbabasa ng mga gawa ko, maraming salamat at babalaan ko na kayo na mas mabagal pa sa snail ang author na ito sa pag-update, pero nag-uumapaw naman ang cuteness niya tapos very irresistible pa. Taray, 'no? Sana kayo rin.

KIMMY!

Ayon lang, ang update ay subukan natin every weekend kung maka-ilan tayo.

Muli, maraming thankies sa inyo and welcome again. Sama-sama nating samahan si Ellai sa kaniyang paglalakbay patungo sa kaniyang sagradong tungkulin sa kontinente ng Istenföld.


Spreading Love and Laughter...
Smiling_Ace | JhayemmJVR
[ 12/10/2023 ]

Tungkulin ni Ellai [Sansinukob Tales | BL]Where stories live. Discover now