Pag-amin sa kaganapan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo sinanabi niya. At ang totoo niyan, ayaw ka niyang malagay sa panganib, tayong lahat na mga malalapit sa kaniya. Alam mo namang madaling baliktarin ng pera ang hustisiya sa bansang ito 'di ba?" hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang mga ito pero isa lang ang sigurado ko, may binabalak itong bestfriend ni Noel na si Jestoni dahil kanina pa ito nananahimik sa isang tabi kasama ni Sir. Sa lahat pa naman ng maiingay hindi pupwedeng hindi siya kasama. "Ano Ryan? Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako sinagot hanggang sa umalis na lang siya ng walang pasabi. "Ryan naman!" pahabol ko pa pero nakalayo na siya ng konti.

"Kailangan nating isama ang lalaking yun bukas." Napalinga ako kay sir Matt at nakita kong natigil din si Ryan.

"Bakit pa?" malamig ang boses ni Ryan ng sabihin niya iyon. Parang may galit pa rin sa loob niya at ng tingnan ko nga ang mga kamao niya ay doon ko na patunayan ang napagtanto ko.

"Dahil doon lang natin mababantayan ng mabuti ang James na 'yun." Seryoso si Matt doon sa sinabi niya pero ako ang bumasag ng plano niyang iyon gamit ang isang pangungutya.

"Wow ha. Nagiisip ka rin pala? Bakit hindi mo yan ginawa kanina?" tinaasan lang niya ako ng kilay tapos tumitig sa akin ng ilang segundo.

Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niyang pagtitig sa akin kaya agad ko ng iniiwas ang tingin ko sa kaniya.

"Je-Jestoni, tara na nga. Gagawa tayo ng plano tungkol sa pagliligtas sa kapatid ko!" hindi pa man nakakapayag si Jestoni, ay agad ko na siyang hinila.

Hinila ko siya hanggang makarating kami sa isang parke. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero bahala na. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Para siyang tanga. Matapos ng lahat titingnan niya ako na parang nasusuka na siya sa presesnsiya ko. Siya nga itong... Sh!t. bakit ko pa ba iniisip ang ganitong bagay. Buwisit naman oh.

"Ano bang problema mo? Pag-aalala lang ba yan kay Noe o ibang bagay?" Natigil ako sa paglalakad ng sabihin niya iyon.

Agad ko siyang hinarap at nakita kong nakatingin lang sa akin ang mga mata niyang naghahanap ng kasagutan sa nauna niyang katanungan sa akin.

"A-Ano bang pinagsasa.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan na niya ako.

"Kilala na kita. Kahit ilang linggo pa lang kitang nakakausap, alam ko na kung kelan ka inis, masaya, o nababagot kaya alam kong hindi talaga ang pangyayari kay Noel ang inaalala mo kundi ang mga nangyayari sa'yo nitong nakaraan matapos nating magkita." Napalunok ako ng laway sa sinabing iyon ni Jestoni.

Hindi. Hindi niya maaring malaman! Paano kung sabihin niya kay Papa? Kay mama? Kay Noel? Ano na lang mangyayari sa akin? Paano pa ako magugustuhan ni Ryan?

"Na-Nakita mo ba?" hindi ako makatingin sa mga mata niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at ilang sandali pang nakatayo ako dito ay matutumba na ako.

Pero agad kinuha ni Jestoni ang kamay ko at hinikit ako ng sapilitan sa isang upuan. Namumula naman akong tumatanggi pero hindi ko siya malabanan ng mabuti dahil sa iniisip ko.

Paano naman niya nakita? Paano niya nalaman? Nagpunta ba siya doon? Pero paano?

Nakaupo na ako sa kanan niya ng magtanong siya. "Totoo ba?" balisa akong napatingin sa kaniya at hindi mapakali.

Sa hindi ko malamang dahilan niyakap niya ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. Napapikit ako dahil doon tapos tumulo ang aking luha.

"Paano mo nalaman?" tanong ko habang humikbi.

"Nakita kita sa bar na yun, matapos nating mag-usap. Naiwan mo ang Jacket mo sa kotse ko kaya hinabol kita hanggang sa pumasok ka sa isang lugar na ang ilaw ay patay-sindi. Pumasok din ako doon pero hindi kita makita. Nagtagal ako ng ilang minuto sa paghahanap sa'yo hanggang sa may magintro ng isang kathang pangalan at doon kita nakita. Nakasuot ng maid's outfit at sumasayaw sa isang pole." Doon na ako tuluyang napaiyak at yumakap sa kaniya.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon