Kumunot ang noo ko dahil hindi ko magets ang gusto niyang ipahiwatig. Masyado din kasing lumilipad ang isip ko sa nakayuko at tahimik kong kaibigan sa gilid ko.






Muli ay itinuro niya ang likuran namin gamit ang hintuturo niya kasabay nang mabilis na pagsenyas ng ulo niya sa likuran namin kaya lumingon ako agad at laking gulat ko na lang nang makita ko ang isang taong seryosong naglalakad nang tuwid at mariing nakatitig sa nagdadrama kong kaibigan. Bumalik ang tingin ko sa girlfriend ko at ngumiti nang nakakaloko kaya napatawa ito ng bahagya na animo'y kinikilig.








Napagdesisyunan naming huminto sa paglalakad kasabay non ang pagtikhim ko. Nagtaka naman si Bridge sa biglaan naming paghinto kaya naman mabilis siyang tumingin sa akin na may pagtataka.









"Bakit? Bibili mo na ba ako non?!" She hopefully said, lumiwanag din ang awra niya at nanumbalik ang ngiti sa mga labi niya. Hay nako, kahit kailan talaga.








"Aaah! Oh my god! Hindi mo talaga ako matiis, Beshy ko! Sabi ko na nga ba love na love mo ko eh!" Napayakap pa ito sakin nang sobrang higpit at impit na tumili dahil sa sobrang saya.









Napangiwi na naman ako sa pagkapit niya kaya tinulak ko siya sa noo at mabilis na umiling, "Hindi kita bibilhan noh! Asa ka naman, namihasa ka na talaga masyado." Seryoso kong sambit habang pinipigilan kong matawa dahil sa mabilis na paglungkot ng ekspresyon niya dahil sa sinabi ko.







"Ano ba yan," ngumuso na naman ito at yumuko. "Babalik na lang ako sa hotel—"







Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya at dali dali siyang napatulala sa brasong lumahad sa harapan niya. Bitbit nito ang isang plastic bag na naglalaman ng strap na bestida na tie-dye style at ang mga kulay ay pinaghalo-halong yellow, orange at pink. Tantsa kong hindi aabot sa tuhod niya ang haba sa harap dahil mas mahaba ang likurang bahagi nito at may ruffles din ito sa ilalim.







Agad na nanlaki ang mga mata niya sa napagtanto at mabilis na umangat ang tingin niya para suriin kung sino ang nagmamay-ari ng brasong nag abot sa kanya ng damit na iniiyakan niya kanina pa.







Lumandas ang mabilis na pamumula ng pisngi ng kaibigan ko habang bahagyang nakabuka ang bibig nito dahil sa pagkabigla niya sa taong nakatayo sa harapan niya ngayon.

Nakapamulsa ang isang kamay nito sa likod ng suot niyang pantalon at seryosong nakatitig lang sa mukha ng kaibigan ko pero mababakas mo rin ang pamumula ng pisngi niya kahit walang mababakas na emosyon sa mga mata nito.







Walang nagsalita sa aming lahat, nanatili pa ring nakalahad ang braso ni Ma'am Levine sa harapan ni Bridgette habang nakatitig naman ang kaibigan ko sa kanya nang may galak sa mga mata nito.







Nakaramdam naman ako ng pagpisil sa kamay kong nakasiklop sa kamay ng katabi ko kaya mabilis kong itinuon ang atensyon ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin, "Come on, let them be." She whispered and wink at me kaya sumang-ayon agad ako dito. Mabilis at tahimik namin silang iniwan sa kanilang moment together dahil kami naman ang magmomoment ngayon.







Finally, nasolo rin! Kanina pa kasi may pasulpot sulpot na nakikisabit samin. Kung hindi sila Nervana, Sabrina, Olivia, AZ, Brandon, Lewis at Kylie ay si Bridgette naman na pinaka nagtagal sa pagsabit sa moment namin. Grrrr!







Nang makalayo kami sa kanila ay mabilis niya akong hinatak papunta sa mga food stalls na nakapwesto sa dulo ng mga boots para sa pasalubong at gamit.







This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now