♥.♥ Chapter 26 ~ Jealous

7K 239 6
                                    

cookies note: (pasingit) Sa mga nag rerequest po ng update. don't worry susubukan ko na talaga tapusin ito in 3 days. Kaka pressure din kaya. Anyway thank you po sa lahat ng readers na nag vovote and comment. Sa mga silent readers diyan please don't be a silent reader. vote po and comment please lang po . Tumaas na naman ang ranking ng you belong with me. #199 konti na lang nasa top 100 na yehey. Hindi ko talaga ito ineexpect kasi noong sinulat ko to sinulat ko lang siya for my hobby. Love you guys. ♥

~♥~

Miko's Pov

"Nasan si Captain Trigger? Bakit wala siya sa practice kanina? " tanong ko kay kevin na may hawak pa din na bola ng basketball kahit na tapos na ang practice at pauwi na kami.

"Hindi mo alam? Busy siya ngayon. Nagpaalam kay couch kahapon may dinner daw ngayon kasama ng family ng nililigawan. Muhang sobrang pinaghahandaan yun ni captain at nag miss pa sa practice "Sagot nito habang sinusubakang paikutin ang bola sa daliri niya.

Bakit parang di maganda ang pakiramdam ko sa nililigawan na yan. Kunot noong humarap ako sa kanya. "Sino ba nililigawan niya ngayon?"

"Si Sabrina yung dating nerd na hot chick na ngayon. Teka hindi mo alam? Sila na bagong usap-usapan ngayon sa buong WU. Maraming nag sasabi bagay sila."

Si Trigger nililigawan si Sabrina? Parang mas sumama pa ang pakiramdam ko don ah!?

"Hindi pwede yon!"

"Oh? Bakit bakit ganyan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa promise!" Tinapunan ko ng masamang tingin si Kevin na tinatawanan ako ngayon.

"Chill dude! Wag mo sabihing nag seselos ka? May gusto ka kay Sabrina ano? Edi akin na lang si Nathalia?"

Hindi na ako sumagot sa halip ay nagmamadaling nag lakad na lang ako papuntang parking lot.

"Hey! Kala ko mag ba-bar tayo ngayon!" Sigaw pa niya mula sa likod ko pero hindi ko na lang siya pinansin at diretsong sumakay sa kotse ko.

Sabrina's Pov

"Mommy , Daddy. Si Trigger po. Nanliligaw sakin."

Nagkatinginan muna ang parents ko pago tumingin kay Trigger. Kinakabahan ako. Andito kami ngayon sa living room hindi ko pa sana ipapakilala si Trigger kaso nakiusap siya na makilala ang parents ko para mapatunayan daw niya sakin na malinis ang intensiyon niya at respeto na din sa mga magulang ko. Na touch naman ako dahil hindi naman niya yon kelangan gawin dahil iba na din ang panahon ngayon. Hindi na uso mag paalam sa magulang ang nanliligaw. Madalas pag boyfriend na. Minsan nga kung kelan buntis na saka pa lang ipapakilala. Trigger is a really good guy right?

Ngumiti si Mommy kay Trigger at nakipag beso si daddy naman ay nakipag shake hands.

"Good eve po Tito Grey and Tita Sam. Hi Sabrina."

Sabay-sabay naman kami napalingon sa pinangalingan ng boses. Nagulat ako ng makita si Miko. Teka? Anong gingawa niya dito? Bihira lang naman siya pumunta dito ah? Madalas ng pinipilit pa siya ni Tita Elaine para dumalaw sa bahay namin.

"Miko hijo? Anong gingawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni mommy. Lumapit si Miko kay mommy at niyakap ito sabay halik sa pisngi.

Miko smiled at my mom. Yung klase ng ngiti na tinitilian sa kanya ng mga babae. "Na miss ko lang po ang napakasarap na luto ni Tita Samantha. Pwede po bang makikain sa inyo? If you don't mind?" nag pout pa siya na waring nagpapa cute kay mommy. Seriously? Ganon ba niya ka miss luto ni mommy para mag pa cute ng ganyan? Hindi naman sa minamaliit ko ang mommy ko pag dating sa cooking pero kasi si Tita Elaine mas masarap talaga siya mag luto kesa kay Mom.

You Belong With Me ♥(Complete)Where stories live. Discover now