♥.♥ Chapter 23 ~ Magic

6.5K 219 10
                                    

Sabrina's Pov


"Wait? Was that Miko the basket ball MVP in WU?"


Mabilis kong linapitan si Bella na nakatingin ngayon sa bintana ng kwarto ko na kitang kita si Miko na naglalaro ng xbox sa kabilang kwarto. Like me malungkot din ang naging New Year niya kaya naisipan ko na iinvite siya sa bahay namin to hang out. Hinawi ko agad ang kurtina bago man mahalata ni Miko na may tumitingin na sa kanya mula dito sa kwarto ko.


"Magkapitbahay pala kayo?" tanong ni Bella sakin sabay kuha ng cookies sa bedside table.


"Yeah" walang gana at malungkot kong sagot.


Tinitigan naman ako ni Bella na parang curious sa naging reaction ko."I smell something fishy. Close ba kayo?"


"Hindi mo naman kami nakikita ni Miko sa school na naguusap diba. So paano naman kami naging close?" Defensive ko na sagot sa kanya.


Nag umpisa na akong maiilang dahil nakakatitig pa din siya sakin na para bang sinasabi niya na nababasa ko iniisip mo wag ka magsisinungaling okay? Sumusukong napabuntong hininga na lang ako.


"Okay fine! He's my ex-"


"Ex boyfriend!?" She exclaimed with matching nanalalaking eyes pa.


Inirapan ko naman siya. "Of course not! Patapusin mo muna ako pwede?"


"Okay fine! Tuloy mo na, so as you were saying he was your ex... what?"


"My exbestfriend. We used to be closed when we were still kids but now? We are not. " malungkot na sagot ko.


Curious na tumingin lang siya sa bintana na ngayon ay natatakpan na ng kurtina. Then binalik niya ang tingin niya sakin.


"Bakit naman?" .


"Tingin mo ba dapat ba na nakikipag close pa ang tulad ko na panget at nerd sa katulad niya na basket ball heartthrob, tinitiilian at pinapangarap ng bawat girls students sa WU?"


"I don't see anything wrong with that besides don't call yourself ugly because you are not." She smiled and looked at me from head to toe saka nagaalangan na ngumiwi. "Well...Siguro, hindi ka lang marunong mag ayos ng sarili mo."



"Look Bell, siguro para sa inyo hindi ako panget kasi mga friends ko kayo. Pero sa iba I looked terrible."


"Correction, you look terrible kasi di ka nag aayos ng sarili mo but believe me pag nag ayos ka? I'm sure mas maganda ka pa sa mga girls sa campus and you know Nathalia the cheerleading bitch na girlfriend ni Miko? I'm sure mas magagandahan mo pa siya believe me.


I almost rolled my eyes at her. Kung kami ni Nicole parehas na hindi pala ayos ng sarili, well Bella is like one of the girls in WU only nicer. Mahilig mag ayos sa sarili. Kikay and all girly stuff. Elegante din siya kumilos na sometimes we think na hindi siya mahirap o scholar lang ng WU. Yung tipo na para siyang prinsesa? Kung hindi lang dahil sa mga suot niya na murang damit masasabi namin galing siya sa isang mayaman at prominenteng pamilya.

You Belong With Me ♥(Complete)Where stories live. Discover now