♥.♥ Chapter 21 ~ New year (Part 2)

5.8K 199 2
                                    

Miko's Pov


"Kiss me Miko. Prove to me that you really love me."


I held Nathalia's waist and kissed her torridly at her lips. She snaked her arms around me and kissed me back harder. Then suddenly after several seconds of kissing an image of Sabrina popped into my mind remembering how I felt after I kissed her soft lips. I know that smack kiss was nothing compared to this kiss me and Nathalia was sharing now but I can't help it but to compare. Sabrina's fresh lips was softer compared to Nathalia's lips that was smothered by lipstick and oily lip gloss. And the way I felt after my lips touch to Sabrina's lips? It fell wonderful and sinfully delicious that I want to have a taste of it more to the point that I don't wanna kiss any other lips but hers. I pushed Nathalia away she give me a puzzled annoyed look.


"I'm sorry I can't do this. Ihahatid na kita." Pinagbuksan ko siya ng pinto sa shot gun seat.


"What's the problem is there something bothering you? May kinalaman na naman ba to sa panget na Sabrina na yon?"


"Sabrina is not ugly. So you better shut your filthy mouth okay?" I greeted my teeth. I hate it when she says bad things to my Sabrina. I mean my best friend Sabrina. What am I saying? Maybe I need a breath of fresh air.


"Nagusap na tayo tungkol kay Sabrina. " She smiled at me seductively the kind of smile na kinakabaliwan sa kanya ng mga lalaki but not me. Ewan ko ba pero walang epekto sakin ang ganyang ngiti niya. I prefer Sabrina's angelic smile. Linapit niya ang mukha niya sakin para muli akong halikan pero umiwas ako, nawala ang ngiti niya sabay tumalim ang tingin niya sakin. "Don't pushed me babe. You know what I can do to your poor little ugly Sabrina."


Nanggigil na hinawakan ko siya sa balikat. "And you also know what I can do pag may may ginawa kang hindi maganda kay Sabrina."


Parang may nakita siya sa bandang likod namin dahil saglit siyang tumingin ng matagal don then she smiled naughtily. What is she up to? "Then kissed me again. If ayaw mong magkaron tayo ng problema."


Galit na tinulak ko siya pasandal ng kotse ko saka marahas na hinalikan. Gusto ko iparamdam sa kanya ang galit ko at hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang pag mamanipula para makuha niya ang gusto niya. Pero mukhang di niya naramdaman ang galit ko dahil sinabayan pa niya ang mga halik ko. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na sinama ko siya dito para ipakikila sa magulang ko. Buti na lang tulog na ang mga tao sa bahay pagdating namin. Na bad vibes lang tuloy ang New Year ko. Dapat talaga di na ako pumunta sa New Year's party ng Eagles at nag pakasaya na lang ako kasama ng mga magulang ko at ni Sabrina....


~♥~


Pagkatapos ko ihatid si Nathalia sa kanila ay umuwi na ako. Papasok na ako sa gate namin ng dumako ang paningin ko sa bahay nina Sabrina. I remember when we were still kids sa bahay nila kami nag cecelebrate we were so happy back then lalo na pag sabay naming pinapanood ang nagagadahang fireworks sa garden nila. I missed those times. Dapat pala talaga dito na lang ako nag New Year. Pero di naman pwedeng mawala ako sa party namin dahil celebration din namin yon ng pagkapanalo ng Eagles. I don't wanna dissapoint my team dahil hindi ako pumuta sa New Year's party namin. I stopped my car's engine when an I idea popped into my mind. Hindi pa naman huli para mag celebrate ng New Years eve kasama si Sabrina diba? It is still 3:00 am. Bumaba ako ng sasakyan ko at pumunta kina Sabrina. Tinanguan naman ako ng guard na nag babantay sa gate nila.


"Nasan mga amo mo?" I asked.


"Sila Maam Samantha at Sir Grey tulog na po." sagot naman ng guard.


"Si Sabrina?"


"Tulog na din po."


Pumasok na lang ako sa bahay bukas pa ang front door nila. Abala pa ang mga katulong sa paglilinis at pag aayos ng kalat dahil sa new celebration na naganap sa bahay. Tinanguan nila ako at binati bago ako umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Sabrina. Pipihitin ko na sana ang doorknob sa sa kwarto ni Sabrina ng marinig ko si Tita Sam na tinawag ang pangalan ko. Kinakabahan na humarap naman ako sa kanya.


"Anong gingawa mo dito? It's already 3:00 am. Tapos na ang new year celebration." Nagtatakang tanong ni Tita Sam.


Nagaalangan naman na tumingin ako sa kanya. Paano ko ba ieexplain sa kanya na gusto ko lang ulit makasama si Sabrina ngayon New year?


"Ahmm... Ano po kasi Tita-"


"Sige na you don't need to explain pumasok ka na." She smiled at me knowingly na para bang alam niya yung reason ko kung bakit ako andito ngayon. "Wag mo na lang siya gisingin kasi nagpaalam samin kanina masama daw pakiramdam."


Nagaalang tumingin ako sa pinto ni Sabrina. Masama pakiramdam niya?


"Sige Hijo Babalik na ako sa kwarto. Ikaw na bahala kay Sabrina."


Papaalis na sana si Tita Sam ng muli ko siyang tinawag. "Ah.. Tita..." Lumingon naman siya ulit sakin. "Pwede po ba wag niyo na lang bangitin kay Sab na nag punta ako ngayon dito?"


Ayoko na bibigyan pa ng iisipin si Sabrina, gusto ko lang talaga siya makasama ngayon na New Year katulad dati ng mga bata pa kami.



Pag alis ni Tita Sam ay muli akong humarap sa pinto ng kwarto ni Sabrina at pumasok. Wala naman ako masyado makita dahil nakapatay na ang ilaw at lampshade mula sa bed side table ang nag sisilbing liwanag sa buong kwarto. Umupo ako sa tabi ng natutulog na si Sabrina at pinagmasdan siya. Wala na siyang suot na salamin kaya namam malinaw ng makikita ang maamo niyang mukha. Medyo dim pa ang ilaw kaya naman hindi masyadong halata ang mga pimples niya. I smiled she's beautiful sa unang tingin hindi maapreciate ang kagandahan niya dahil sa pimples, salamin, makapal na kilay at braces niya pero kung titigan mo siyang mabuti masasabi mo na meron siyang isang mukha mukha na tulad ng sa isang anghel.


I knotted my forehead ng mapansin ko ang isang butil ng luha sa gilid ng mata niya. Umiyak ba siya? Bakit kaya? Was it because of me again? Oo alam ko na lagi siyang nasasaktan dahil sakin hindi ako manhid para hindi maramdaman yon. I felt a stab of guilt in my heart as I looked at her ....



To be continued...










You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon