♥.♥ Chapter 1 ~ Dream

11.1K 320 10
                                    

Miko's Pov

Binuksan ko ang ilaw sa kwarto at pagod na nahiga sa kama. I sighed. I'm tired and bored of my life. Kung tutuusin maswerte ako dahil na sa akin na ng lahat. I have a good life our family owns one of the largest chains of restaurants and hotels in the country. I am a Varsity Basketball heartthrob sa Western University kung saan ako nag aaral. At higit sa lahat I have a beautiful and hot girlfriend na sikat din sa (WU) Western University as a cheerleader. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko may kulang? It's like there is a missing piece in my heart...

I closed my eyes trying to remove this nonsense thoughts running into my mind but later I found myself falling into a deep sleep.

"Ang ganda ng mga stars noh?"

Lumingon ako sa katabi kung batang babae. Andito kami ngayon nakaupo sa isang malaking sanga ng puno ng acacia na nasa gita ng magkatapat lang namin na kwarto. Sinalubong ako ng nakangiting niyang mukha at ng mga mata niya na kumikislap katulad ng sa mga bituin. I felt something warm inside as I smiled back at her. Sa mura kong edad alam ko na espesyal ang nararamdaman ko sa batang babae na ito.

"Kwento sakin ng lola ko nahuhulog daw ang mga stars. At pag daw may nakita akong star na nahuhulog mula sa langit mag wish daw ako." Sabi pa niya saka muling tumingin sa langit.

I frowned. "Naniniwala ka don? Hindi naman totoo yun eh. Kwentong bata lang yon na inimbento ng mga matatanda para maniwala tayo sa mga bagay na hindi naman talaga totoo!"

Hinawakan niya ang nakakunot kung mga kilay saka marahan niyang hinaplos. "Wag ka ngang sumimangot. Hindi bagay sayo." Hinawakan pa niya ang magkabilang gilid ng labi ko saka sapilitang binanat. "Bagay sayo ang naka smile. Ayoko na nakikita kang nakakunot ang noo o kaya malungkot. Gusto ko palagi kitang nakikitang masaya."

Hinawakan ko ang isang kamay niya na nakahawak pa din sa isang gilid ng labi ko. Bahagya naman siyang natigilan. "Makasama lang kita masaya na ako." And that's the truth she is my happiness.

Nginitian lang niya ako saka muling tumingin sa langit. "Diba sabi mo hindi totoo na may mga stars na nahuhulog sa langit? At kwento lang yon ng mga matatanda? Maghintay tayo ng falling stars ngayon gabi. At pag may nakita tayo na falling star. Pwede ka mag wish sakin ng kahit ano promise tutupadin ko basta kaya ko."



Saglit akong nagisip kahit ano pwede ako mag wish sa kanya? Then I remembered something that I promised to myself since we were toddlers so I enthusiastically nodded my head. "Deal!"

Naghintay kami. Pinanghihinaan na nga ako ng loob kasi maghahating gabi na ngunit wla pa ding pumapatak na star mula sa langit. Naramdam ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na pala siya kaka intay. Marahan kong hinaplos ang ulo niya at inayos ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa maganda niyang mukha. Kung totoo man ang mga falling stars sana magpakita naman sila samin ngayon gabi. Wala namang masama maniwala diba?

Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng isang bituwin na bumabagsak mula sa langit . Para lang yon kidlat sa bilis. Nanghinayang ako sana nakita niya to lahat. Muli namang nanlaki ang mga mata ko ng naging sunod sunod ang pag bagsak ng mga bituwin. Tila naman naalimpungatan ang batang babaeng katabi ko namamangha naman siya ng masilayan niya ang langit.

"Wow! Ang ganda Miko" Nangingiti pa niyang sabi habang patuloy na namamangha, ako naman ay nanatiling nakatingin na lang sa kanya. I found her reaction amusing.

"Oo nga ang ganda" Pero sa kanya pa din ako nakatingin. I just couldn't take my eyes away from her pretty angelic face. Nakapikit siya na parang may hinihiling, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng puso ko ngayon. This moment really feels like magic.

Me looking at her while she was wishing under the hundreds of falling stars.

"Ano ang wish mo?" I curiously asked.

"Ayoko nga sabihin. Baka hindi matupad pag sinabi ko" Nagpout pa siya ang cute niya tingnan.

"Ganon ba yon? Pag sinabi yong winish hindi matutupad?"

"Yup, ganon ng ang sabi ni lola. Ikaw ano winish mo?"

Ngumiwi naman ako. Masyado ako na mesmerize sa ganda niya kanina habang humihiling nakalimutan ko tuloy humiling. "Hindi naman ako naniniwala sa mga wishes na yan. Masyadong pambata." pa lusot ko pa then naalala ko yung sinabi niya kanina."Saka hindi naman kayang tuparin ng mga falling stars na yan yung wish ko. Kasi ikaw yung makakatupad ng wish ko. Diba sabi mo kanina. Pag may nakita tayong falling stars. Pwede ako humiling sayo ng kahit ano?"

Mukhang kinabahan naman siya. "Oo, pero yung madali lang ah? At saka yung kaya ko!"

"Oo naman! Kayang kaya mong tuparin yung wish ko."

"Eh? ano ba yung wish mo?"

"Saka na paglaki natin hindi mo pa naman yun matutupad ngayon eh. Basta Promise mo tutuparin mo yun ah?"

"Ayoko magpromise mamaya hindi ko pala kaya yang iwiwish mo. Pilyo ka pa naman saka lagi mo kong pinagtitripan!"

"Anu ka ba kaya mo yun! Sige na mag promise ka na dali."

Saglit muna siyang nagisip. Saka pabuntong hiningang humarap sakin.

"Okay! I promise!"

Sunod sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko ang gumising sakin.

Then I realized, panaginip lang pala. ....

But still It felt surreal.

"Anak kakain na malelate ka na." tawag sakin ni mommy mula sa pinto.

"Yes mom."

Bumangon na ako mula sa kama. That little girl from my dream, she's my childhood bestfriend. Na sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang niya ako linayuan at nalaman ko na lang umalis na pala sila sa bahay nila at lumipat na ng probinsiya. Napakatagal na non. Pero ewan ko ba sa sarili ko at napanagipan ko pa siya. Siguro dahil naging espesyal siya sakin noong mga bata pa kami sobrang nalungkot pa nga ako noong nalaman ko na umalis pala sila ng family niya at iniwan niya ako ng hindi man lang nagpapaalam.

Hinawi ko ang kurtina sa bintana ng kwarto ko para lang matigilan sa nakita ko. May isang babae sa katapat na bintana ng kwarto ko. Nakatalikod siya mula sakin. I gulped in what I saw. Nakahubad siya at mukhang nagbibihis. Balingkinitan ang katawan niya. Makinis din at maputi ang malaporselanang balat. And I really feel hot all over. Ewan ko ba pero alam kung paninilip tong gingawa ko. Pero hindi ko maialis ang tingin ko sa nakatalikod na babae . Sa kinis at sexy niya siguradong meron siyang napaka gandang mukha pag humarap.

Who is she? At bakit siya nasa kwarto ng dati kong best friend? Teka hindi kaya....???

Lumakas ang pintig ng puso ko, hoping na siya nga ang babaeng nakikita ko ngayon. Nang makapag bihis na siya ay parang slow motion sa mga paningin ko na humarap sa direksiyon ko. Alam ko na mahuhuli niya akong naninilip sa kanya pero gusto kong malaman kung siya nga ito. Kaya hindi ako gumalaw mula pwesto ko.

Nagsalubong ang mga tingin namin. Nagulat pa siya ng nakita akong nakatingin sa kanya.

POKER FACE yan ang reaction ko.

Hindi siya kasing ganda tulad ng nasa isip ko. May malaki siyang eye glasses na nakatakip sa mga mata nito. Makakapal na kilay at konting mga taghiyawat.

Mukhang napahiya siya ng makita akong nakatingin sa kanya at ngumiti ng pilit. Muntik na akong mapangiwi ng makita ko ang mga braces sa ngipin niya. Konti na lang hawig na niya si Betty La fea.



Eto na ba si.....



Sabrina?





My childhood best friend....



You Belong With Me ♥(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon