Chapter 33

75 3 0
                                    

Chapter 33

"Tamar, di ba sabi sayo ni Clea ay magpahinga ka muna ano yang ginagawa mo? Alagaan mo ang sarili mong bata ka," sermon ni Madam Soraya ng isumbong ni Bruno ang dalaga sa kanya na hindi magpaawat sa paglilinis.

"Sino po nagsumbong sa inyo? Si Kuya Bruno? Napakatigas talaga ng lalaki na iyon. Sabi ng kaunti lang  naman pong tulong ang aking ginagawa. Winawalisan ko lang naman po ang sahig."

"Oi, nadamay ako dyan? Galing akong labas ha. Kumuha ako ng mop at timba na may sabon at tubig," sabay taas ng dala nito.

"Asus kuya kita, kitang kasunod ni madam. Kaya nayari ako. Madam kaunti lang po ito. Gusto ko lang pong tumulong gusto ko po sanang mamasyal. May bibilihin daw po kasi si Kuya Kristan para sa asawa niya sa mall. Sasama po sana ako," nahihiyang sambit ni Tamar na ikinatungo niya.

"Sige na hindi na kita pipigilan pero itong pagwawalis lang ang gagawin mo. Tapos magpaalam ka sa akin pag-aalis na kayo. Hindi naman pwede na basta ka lang sasama at mamamasyal. Paano kung may magustuhan ka? Bibigyan kita ng pera."

"Wag na po madam, gusto ko lang po talagang mamasyal at sumama. Sabi ni Kuya Bruno sasama din daw po kasi siya. Kaya po may kasabay po ako pag-uwi dito pag-umuwi na po si Kuya Kristan sa kanila."

"Hayaan mo na madam, ako na lang ang bahala kay Simmon. Libre ko na ito sa magugustuhan niya."

"Sige pero magpaalam kayo sa akin pag-aalis na kayo ha. Ikaw Bruno naiintindihan ko iyang ibig mong sabihin." Nakangiti pang sambit ni Madam Soraya bago sila nito muling iniwan.

Kahit walang maalala si Tamar, ay nagpresinta si Marione, Bruno at Kristan na maging ninong at ninang ng anak nitong si Alrick. Ganoon din si Andrei. Pero saka na lang nila sasabihin pag nakaalala na si Tamar. Habang si Dra. Clea at Madam Soraya ay tumayo ng lola ni Alrick kahit hindi pa rin alam ni Tamar.

Napatingin sila sa kapapasok lang na si Kristan sa loob club galing sa pagtatapon ng basura.

"Kuya, heto pa!" sigaw dito ni Tamar sabay turo ng mga basura na nasa garbage bag.

Mabilis din naman silang nakatapos sa paglilinis dahil dumating na rin ang ibang bouncer na kasamahan nila.

Nagpaalam muna si Tamar kay Madam Soraya. Pero hindi rin nakatanggi si Tamar sa perang bigay nito ng sabihin ni madam na may ipinapabili ito, at sa kanya na ang sukli.

"Thank you po madam, magpapasama po ako kay Kuya Bruno sa bilihan po ng ensaymada na gusto po ninyo."

Dumating na rin naman si Bruno at Kristan at kinakaun na si Tamar.

"Kayo na ang bahala kay Tamar, ingatan ninyo yan ha."

"Oo naman madam, safe na safe," sabay pang wika ni Kristan at Bruno bago tuluyang nagpaalam kay madam.

Namangha naman si Tamar ng makarating ng mall. Hindi niya alam kung nakarating na ba siya doon noon, o talagang bago lang sa kanya ang makarating  ng mall. Pakiramdam niya ay para siyang bata na napagbigyan ng magulang.

Pero agad din naman siyang nalungkot na kahit ang mga magulang niya ay hindi niya maalala. Nalaman lang niya kay Madam Soraya at Dra. Clea na mag-isa na lang siya sa buhay. Dahil na kwento daw niya noon. Pero hindi man lang niya maalala ang kahit na ano tungkol sa mga ito.

Humugot siya ng hangin para alisin ang kung anong kalungkutan na kayang nadarama. Gusto niyang maging masaya, sa araw na iyon. Pakiramdam niya kakaibang experience ang mamasyal ng mall.

"Kuya Bruno wag mong kakalimutan ensaymada ni madam ha."

"Oo naman po kararating lang natin dito, mag-enjoy ka muna. Pwede kang mag-uli kung saan mo gusto. Basta pag sa tingin mo nawawala ka, lapit ka lang sa mga gwardiya dito and ipatawag mo lang kami." natatawa pang wika ni Bruno kaya naman mas ikinatuwa ni Tamar.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora