Chapter 24

72 2 0
                                    

Chapter 24

Nakaupo lang si Tamar sa may garden sa bahay ni Alarik. Nakatingin lang siya sa mga bulaklak na nandoon. Tulala at hindi alam kung ano ang dapat gawin.

Mula ng sabihin sa kanila ng doktor na kailangang isakripisyo ni Tamar ang bata sa kanyang sinapupunan ay hindi na siya napilit ni Alarik na magstay pa ng ospital. Si Tamar na ang nag-ayang umuwi kinabukasan. Kaya wala na siyang nagawa kundi sundin ang dalaga. Isa sa bagay na kanyang iniiwasan ang sumama ang kalooban nito.

Gusto sana niyang ipilit na magpagamot si Tamar, pero hindi naman niya kayang isakripisyo ang batang nasa sinapupunan nito. Masakit para sa kanya ang sinabi ng doktor. Ayaw niyang mawala ang sino man sa dalawa. Ang anak man niya o si Tamar. Wala siyang pipiliin. Gusto niyang makasama ang dalawa, habang buhay.

"Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang mas naging maingat sana ako," ani Alarik sa sarili.

Nakaupo siya sa may terrace ng bahay niya habang nakatingin sa likuran ng dalagang nakatingin sa mga bulaklak sa kanyang hardin. Wala itong kibo kaya naman binabantayan na lang niya. Kahit hindi nito nararamdaman na nandoon lang siya at nakamasid dito.

Kung alam lang sana niya ang pinagdadaanan ng dalaga, mas naging maingat pa sana siya sa panahong may nangyayari sa kanila. Hindi sana ito ngayon nahihirapan na magdesisyon. Pagpapagamot na sana kaagad ang maiisip nito. Pero dahil nga sa nangyari, nag-aalala pa ito sa kanilang anak tulad din niya na nag-aalala sa kanyang mag-ina.

Napatayo si Alarik ng biglang bumukas ang gate at pumasok mula doon si Caroline. Napakunot noo pa ito ng makita ang babaeng kasunod nito na siyang nagbukas ng gate para naman makapasok ang kotseng sinakyan ng mga ito.

Napatingin naman siya kay Tamar na wala pa ring kibo sa pwesto nito at nakatingin pa rin sa mga bulaklak na nandoon.

"Hon," masayang wika ni Caroline ng bigla siya nitong lapitan at halikan sa labi.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya naman hindi na nagawang makaiwas pa ni Alarik.

"Hi son, I miss you." wika ng kanyang ina ng makalapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Dad," ani Alarik ng makalapit sa pwesto nila ang ama. "A-anong ginagawa ninyo dito?" tanong niya ng mag-abresyete pa sa kanya si Caroline.

"Magstay kami dito sa bahay mo. Total naman, malapit na ang kasal ninyo ni Caroline kaya naman wala namang masama na dito na rin siya magstay. Hmm," sagot ng mommy niya kaya bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkainis.

"Anong karapatan ninyong magstay dito sa pamamahay ko ng walang pahintulot ko? Bigla na lang kayong darating tapos ganyan. Opo at anak lang ninyo ako. Pero may karapatan akong tumanggi at magdesisyon, para sa sarili ko. Hindi na ako batang musmos na hindi alam ang tama o mali."

"We know that anak. Kaya nga itinaon namin ng mommy mo na nandito ka sa bahay bago kami nagtungo dito." wika pa ng kanyang ama.

"Pero hindi ako pumapayag na pati si Caroline ay magstay dito. Isa pa hindi ko siya pakakasalan," matatag niyang sagot at inalis ang kamay ni Caroline na nakapulupot sa braso niya.

"Nangako ka sa akin noon at hindi mo na iyon pwedeng baliin. Umasa ako hon na pakakasalan mo ako. Alam din iyon ng mga kaibigan nina Tito Aleck at Tita Dayes. Same nina mommy at daddy." sabat ni Caroline.

"Hindi naman ako sumasang-,"

"May babae dito sa bahay mo? Katulong mo?"

Hindi natapos ni Alarik ang sasabihin ng magtanong bigla ang mommy niya na nakatingin kay Tamar na nasa garden. Sa tingin naman niya ay hindi pa rin napapansin ng dalaga na may unwanted visitors siya.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now