Chapter 15

85 3 0
                                    

Chapter 15

"Beer." sagot ni Alarik sa waiter ng kunin nito ang order niya.

First time iyon na pumunta siya ng Solteria na mag-isa. Wala din naman siyang balak ipaalam sa mga kaibigan ang bagay na pwedeng mamagitan sa kanila ni Simmon sakaling pumayag ito sa alok niya.

"Beer lang po sir?" tanong pa ng waiter na naghihintay pa ng sasabihin niya.

"May maiioffer ka ba na pampawala ng kaba?" aniya na tinawanan naman ng waiter.

"Sir naman, parang first time mo dito. Bigyan kita ng beer at two shots ng hard drinks. Pampainit lang saktong pampawala ng kaba pero hindi lasing."

Sumang-ayon na lang si Alarik sa sinabi ng waiter. Hindi niya talaga mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Makikipagkita lang ako kay Simmon daig ko pang ako ang babae. Bakit first time mo?" naiiling na lang si Alarik sa sarili.

Sinimulan kaagad inumin ni Alarik ang hard shot tapos ay isinunod ang beer. Mainit ang hagod noon sa lalamunan. Ngunit masarap at tamang-tama lang.

Ilang sandali pa ay nilapitan siya ng manager na siyang humahawak ng darkroom.

"Gusto mo ba ulit magtungo ng darkroom?" tanong ng manager na ikinatango niya. Pinaghintay naman muna ni Alarik ang manager, para maubos ang alak na order niya at basta na lang iniwan ang bayad sa table.

"Sino bang gusto mo?" nakangiti pang tanong ng manager ng makapasok sila sa pinaka opisina.

"Si Simmon."

"Si Simmon? Okay tingnan natin. Simmon. Alam mo namang mahal si Simmon di ba? Ikaw din ang pumili sa kanya noong isang linggo, natatandaan ko iyon. Malakas ang tama mo sa dalagang iyon no? Sabagay, pinag-aagawan si Simmon dito. Lalo na noong nakaraang araw, iisang lalaki lang ang nagbabayad para sa serbisyo ni Simmon." wika pa ng manager na siyang ikinakuyom ng kamao ni Alarik.

Hindi niya malaman kung bakit naiinis siya sa narinig. Nag-usap na sila ni Simmon na siya lang ang maaaring maging customer nito pagnatuloy ang deal niya. Pero hindi niya naisip na maaaring magkaroon ng ibang customer si Simmon sa durasyon bago sila muling magkita.

Napahilot pa siya ng noo sa isiping pinagpyestahang titigan ng ibang lalaki ang katawan ni Simmon habang isa-isang inaalis ang saplot. Higit sa lahat ang makita ng iba ang pribadong parte ng katawan ng dalaga. Hindi talaga niya malaman kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis.

"Isang milyon, ako lang ang magiging customer ni Simmon sa loob ng panahon na kapapalooban ng isang milyon na iyon." paghahamon ni Alarik sa manager.

"Wait lang mister manager lang ako, hindi ako ang may-ari nitong club. Sumunod ka sa akin."

Sumunod naman si Alarik paglabas nila ng opisina at hinayon ang isang madilim na daan. May pinasukan na naman silang isang wari mo ay opisina din. Doon niya nakita ang isang may edad na babae. Mababakas mo ang pagkaestrikta pero hindi mo naman masasabing mataray o matapang.

"Anong sa kanya?" tanong ng babaeng naabutan nila sa opisinang iyon.

"Iyong pinasok ni Marione, babayaran daw niya ng isang milyon. Kung ilang araw papasok ang isang milyon siya lang daw ang pwedeng maging customer ni Simmon."

Napahinga naman ng malalim si Alarik dahil hindi talaga niya alam ang pinapasok niya. Nag-offer na nga siya ng isang milyon kay Simmon tapos ay isang milyon din sa club. "Hindi ko na talaga alam kung para saan itong pagsasayang ko ng pera." aniya ng marinig niya ang pagtikhim ng babae.

"Ako nga pala si Soraya. Sa akin itong club. Bilang stripper alam mo naman siguro ang trabaho lang ni Simmon. Pero kung may ibang agenda ka sa pagbili ng serbisyo ni Simmon ay wala kaming pakialam sa usapan ninyo. Basta hindi labag sa stripper namin at hindi mapapahamak ang club ay wala kang maririnig sa akin. Isang beses ng nalagay sa alanganin ang Solteria at ayaw ko ng maulit pa. Kaya naman wag kang gagawa ng labag sa stripper ko. Dahil once na magsumbong si Simmon, mababan ka dito ng isang taon or worst hindi ka na makabalik. Hindi refundable ang isang milyon na ibibigay mo. Sampung araw? Gagawin kong labing lima. Hindi na siguro iyon masama, kapalit ng isang milyong ibabayad mo. At kapalit ng walang ibang customer si Simmon sa loob ng mga gabing iyon. Deal?" mahabang paliwanag ni Madam Soraya kay Alarik.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now