Chapter 5

100 4 0
                                    

Chapter 5

Sabado ng araw na iyon at kumakanta pa si Tamar. Gusto niyang alisin ang kaba na nananahan sa kanyang puso. Masyado siyang nag-aalala sa magiging resulta ng pakikipagharap niya sa doktor na inirekomenda ni Dra. Reyes. Ang doktor na tumingin sa kanya noong nakaraan.

Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan, bago ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mga bintana.

Napahawak pa siya sa sentido ng medyo kumirot ang kanyang ulo. Nitong nakaraan pa niya iyon napapansin. Pero hindi na lang niya iniintindi. Sa tingin niya ay gawa ng gabi na siyang matulog, samahan pa ng maagap siyang magising. Kaya napupuyat din siya minsan, na kasalanan din naman niya.

Papaalis na si Alarik ng mapansin niya ang nakatayong si Tamar sa harapan ng bintana. Maputi ang dalaga, kaya hindi niya ito kaagad mapaniwalaang taga probinsya, at  nakatira sa liblib na lugar. Pero naniwala din naman siya, ng mapatunayan nitong wala talaga itong alam sa Maynila. Natuto lang ito ng pagsakay-sakay ng dyip dahil palagi niyang tinuturo dito kung saan ito sasakay, kung saan bababa, kung ano ang sasakyan. Tinuro din niya kung paano sasakay ng taxi, pagmamamalengke ito. Sa ilang buwan ng dalaga sa poder niya, nasanay na rin ito sa lugar na iyon.

"Tamar." Tawag niya dito dahil mukhang hindi siya napansin ng dalaga.

"Papasok ka na boss? Ingat po." Anito at ipinagpatuloy ang paglilinis ng bintana.

Napakunot noo naman si Alarik ng mapansin ang pasa nito sa may binti. Maliit lang iyon pero kitang-kita lalo na at maputi ito. Naka tokong shorts kasi ito na lampas tuhod.

Mabilis niyang nilapitan ang dalaga at hinaplos ang parte ng binti nitong may pasa.

"Pusang nalaglag sa talagà!" Gulat na sigaw ni Tamar ng muntik na siyang mahulog sa kinatatayuang silya. Mabuti na lang at nasalo siya ni Alarik.

Halos mahigit naman ni Tamar ang paghinga, ng isang dangkal na lang ang layo ng mukha ng boss niya sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Boss naman. Bakit ka nanghahawak ng binti? Nagulat tuloy ako. Pakibaba na please." Agad niyang wika para makawala sa awkward na sitwasyon na iyon.

Ibinaba naman siya kaagad ni Alarik ng mapagtanto ang pwesto nila.

"Hindi ko sinasadya. Anong nangyari sa binti mo? Bakit may pasa?" Tanong nito ng mapansin pati sa braso ni Tamar ay may pasa din. "Ayan pa, sa braso mo."

Mabilis namang tinago ni Tamar ang braso at nginitian si Alarik. "Naku sir wala lang yan. Nag-iinarte. Wala bang pag-iingat ay bumangga ang braso ko sa bintana. At ang binti ko. Hehe, sinunggaban iyong upuan sa kusina. Ayon at pumasa." Pagsisinungaling ni Tamar kay Alarik habang nakangiti sa boss niya.

"Ikaw talaga. Sa susunod mag-iingat ka. Sa nga pala, hindi ako umuwi mamayang gabi. May importante akong gagawin. Day off mo bukas kaya magagawa mo ang lahat ng nais mo. Higit sa lahat, kung anong pagkain na makita mo dito sa bahay kainin mo. Ikaw naman ang namimili kaya wag kang mahiya. Kahit hindi mo na ipagpaalam. Isa lang ang rules."

"Wag mag-aaksaya ng pagkain." Aniya na ikinatawa ng boss niya. Mayaman man ito pero ayaw nito ng nag-aaksaya ng pagkain. Isa na namang bagay, na hinangaan niya dito.

"Areglado sir. Ingat po. Lalabas po ako bukas. Mamamasyal." Paalam pa niya.

"Baka may boyfriend kang kikitain ah."

"Wala boss. Mamasyal lang ako at gusto kong maging pamilyar sa lugar."

"Okay sige. Basta mag-iingat ka. O heto tanggapin mo na." Sabay abot ni Alarik sa limang libong piso na laman ng wallet niya.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now