Chapter 11

92 2 0
                                    

Chapter 11

Pagkalabas ni Tamar sa guestroom kung saan niya dinala ang boss niya ay binalikan naman niya ang kusina. May isang bote ng alak doon at madaming lata ng beer kaya naman nalasing talaga si Alarik ng sobra.

"Ano kaya ang problema ng isang iyon. Pati ako na tahimik sana ang puso, aba ay nabulabog. Sinong hindi! Crush ko nga siya. Tapos may paganun? Hay naku." Aniya at isa-isang dinampot ang mga kalat.

Matapos ayusin ang kusina ay saka lang siya nagtungo sa kwarto niya. Kahit pagod din siya sa trabaho niya sa club. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang boss niya.

Matapos makapaglinis ng katawan, ay naramdaman na naman niya ang pananakit ng ulo. Mild lang iyon, pero hindi pwedeng baliwalain.

Mabilis niyang kinuha ang gamot niya sa lalagyan nito. Palagi naman siyang may bottled water sa kwarto niya kaya naman hindi na niya kailangang lumabas.

Halos ilang minuto din niyang tiniis ang pagsakit ng kanyang ulo, hanggang sa humupa din iyon.

"Salamat po Panginoon." Pasasalamat niya ng tuluyan ng maalis ang sakit. Inayos na rin niya ang pagkakahiga. Kailangan niyang makapagpahinga kahit saglit. Bago pa sumikat ang araw. Hindi siya pwedeng matalo ng sakit niya.

"Ako at ang sakit ko. Magagapi din kita." Aniya hanghang sa tuluyan na siyang makatulog.

Napasapo si Alarik ang ulo ng hindi niya mapigilan ang pananakit noon. Umiikot din ang paningin niya dala ng hang-over. Hindi kasi niya mapigilan ang uminom sa nagdaang gabi.

Nagkasagutan sila ng daddy niya, ng kumustahin siya nito kagabi. Matapos niyang kumain ay nagtungo na siya sa kwarto niya. Tinapos pa muna niyang basahin ang ilang trabaho na iniuwi niya. Matutulog na sana siya ng biglang tawagan siya ng daddy niya.

Nainis pa siya sa ipinipilit nito. Kaya naman sa sama ng loob ay bumaba siya ng kusina at sinimulang uminom.

"Bakit naman nagpupumilit sila sa gusto nila? Ay alam ba nila ang gusto ko? Anak lang talaga nila ako. Pero may sarili na naman akong desisyon at pag-iisip." Reklamo pa niya habang tinutungga ang bote ng alak. Hindi siya pala inom pero palagi siyang may alak sa bahay.

Ang nais ng mga magulang niya, ay pakasalan niya ang kababata niyang si Caroline. Kaya naman labis-labis ang sama ng loob niya sa mga ito. Dumagdag pa ang mommy niyang gustong-gusto ang dalaga para sa kanya.

Caroline is a model. Maganda sexy at mayaman. Kaibigan ng mga magulang niya ang magulang ng dalaga. Kaya naman ninais ng mga ito na ipagkasundo sila. Binaliwala lang niya noon ang bagay na iyon. Ano ba ang ibig sabihin ng ipagkasundo? Hindi niya iyon alam ng mga panahong iyon.

Noon mga bata pa lang sila, ay nangako siya sa dalaga na pakakasalan niya ito. Iyon kasi ang bilin ng mommy at tita niya na mommy ni Caroline. Pero ano bang alam niya noon sa pag-ibig, at pagpapakasal? Akala kasi niya bibigyan siya ng chocolate cake pagpinakasalan niya si Caroline. Kaya pumayag siya noon. Ano ba ang naiintindihan ng pitong taong bata. Di ba ang kumain?

Hawak ang noo ay pinilit na iminulat ni Alarik ang mga mata. Napaupo pa siya sa kama ng mapagtantong hindi niya kwarto ang kinalalagyan niya ngayon.

Inilibot pa niya ang tingin, pero hindi maalala kung nasaan siya. "Nasaan ba ako?" Tanong niya na pilit inaalala ko nasaan siya.

"Kaninong kwarto naman ito? Nasaang bahay ba ako?" Hindi kasi talaga pumasok sa isipan niya kung nasaan siya. Masama din sa pakiramdam na hindi mo malaman kung nasaan ka pagkagising mo.

Doon lang niya naramdaman na may nakatingin sa kanya. Kaya naman mabilis niyang hinayon kung sino iyon. Nakita pa niya si Tamar na nakatingin sa kanya, habang sinusiri siya.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now